Janella's POV "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Mama mula sa kabilang linya, kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. Sa buong araw kong pananatili sa bahay ni Papa ay nabuo ang pasya ko. Tama si Janice, wala na dapat agam-agam sa akin ngayon dahil alam ko nang wala naman pala talagang relasyon si Kiel kay Janice, tanging pagkakaibigan lang na matagal ko naman nang alam. Isa pa ngayong alam ko nang hindi maganda ang lagay dito ni Papa ay hindi ko na siya maaring iwan. Lahat ng nangyari simula kahapon ay sinabi ko kay Mama, hanggang sa tungkol sa threat. Wala akong tinago. "'Ma sa tingin mo po ba ayos lang?" alam kong alam ni Mama na ang tinutukoy ko ay ang pakikipag-ayos kay Kiel. Hinawi ko ang

