Chapter Thirty One

2369 Words

Janella's POV "Cheska texted me, tinatanong kung nagkausap daw kayo ni Kiel." Sinulyapan ko lang si Kim na kasalukuyang inaayos ang kaniyang kama. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa uluhan ng kama ko, yakap ang mga tuhod. Dalawa ang kama sa kuwarto na inookupa namin ni Kim kaya hindi namin kailangang magsiksikan. Tama na rin iyon dahil matapos ng mga nangyari kagabi ay gusto ko lang ang magmukmok sa ilalim ng kumot. "Just don't tell her," ani ko na kaagad niya lang tinanguhan. Kagabi ay nakiusap ako kay Kim na huwag na lang munang ipaalam kay Cheska ang nangyari dahil siguradong mag-aalala siya. Ayokong masira ang unang gabi nila ni Edward bilang mag-asawa. Hiniling ko rin na hanggang maari ay huwag na rin muna kahit kina Luke, para makasiguro. Maski kay Joseph hindi ko pa nasasabi. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD