Janella's POV Halos buong magdamag ko nang pinapanood na magkadikit si Kiel at Janice. Ayoko, gusto kong iwasan ng tingin pero matapos kong umiwas ng tingin ay mayamaya lang ay di ko nanaman namamalayan na pinapanood ko nanaman sila. Nakikipagkuwentuhan kina Edward at kapag abala ang dalawang bagong kasal sa mga bisita ay nakikipag-usap naman ang dalawa sa ibang mga bisita. They seems know each other, siguro dahil sa negosyante rin ang pamilya ni Edward kaya kilala sina Kiel. Napaismid na lang ako nang dumapo ang paningin sa akin ni Janice. Minsan iniisip ko na silent killer talaga si Janice. She can slapped me without touching me, and kill me with her words. Tatak pa sa puso't isipan ko ang mga sinabi niya kanina, ang sakit na epekto niyon ay binundol ko sa pag-inom ng wine. Nahihilo n

