Janella's POV "The best na talaga si Joseph!" masayang sabi ni Cheska habang hawak ang dalawang kamay ko at halos tumalon-talon. Napailing ako. Parang gusto kong isipin na ang OA ng kaibigan ko pero hindi ko kasi siya masisisi dahil muntik na akong hindi pumunta. Galing lang kami sa Airport ni Joseph from Cebu at dumiretso na kami sa hotel na malapit kung saan gaganapin ang kanilang Church wedding. Mamayang hapon na ang kasal at kasalukuyan na siyang inaayusan nang dumating ako. Si Joseph ay isinama ng mga boys na siyang sumalubong sa amin. Kailangan daw sila ni Edward pampakalma dahil kinakabahan daw ito. Habang itong si Cheska parang wala lang na nag-aayos. "Girl baka magulo ang buhok mo," natatawang sabi ni Kim.. Si Kim na ang naging maid of honor niya dahil hindi ako nakarat

