Janella's POV "I like this design, very classic," ani Misis Luna habang tinitingnan ang blueprint ng kaniyang ipapagawang bahay na si Joseph mismo ang nag-design na binase rin nito sa mga request ng kliyente. "But I wonder if its safe for our 3 boys and how much does it costs?" Sumulyap siya sa asawa bago ibinigay ang tingin sa akin. Ngumiti ako habang dinudungaw ang blueprint na kasing lapad ng mesang inookupa namin sa malapit na coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Ito ang unang project ko bilang engineering. It was almost 3 months since I took my board exam and got passed, and it took me 2 weeks before getting a personal project. Medyo mabagal pero sadya ko rin naman dahil dalawang linggo pa lang din naman nang nagsimula akong magtrabaho sa firm na pinapasukan ko. I was lucky that

