Janella's POV Mahaba at malapad lang ang buong bahay na kinaroroonan ko. Pinaghalong wooden color na puti at brown ang kulay. May isang kuwarto at dalawang banyo. Isa sa labas ng kuwarto at isa sa loob. Kahit walang second floor ay ayos lang dahil maganda pa rin naman ang tanawin mula sa veranda papasok ng bahay. May puwesto rin sa bubong kung saan nagmimistulang rooftop. May plastic na upuan doon, magkaharap sa gilid ng isang mababang mesa. Maganda ang lugar na kinaroroonan ko. May aircon na bumabalot sa buong bahay, ngunit kahit na patayin ang aircon ay malamig pa rin kapag binuksan ang malalaking salaming bintana dahil sa lakas ng hangin. Sa hindi ko malaman na dahilan ay hindi ko manlang naramdaman ang pamamahay. Nakatulog kaagad ako sa nag-iisang kuwarto habang si Joseph ay natu

