Janella's POV Yakap ko ang mga braso nang pumasok ako sa sala. Naabutan ko roon si Papa na nakaupo at magkasalikop ang mga palad, nasatabi niya si Mama sa long sofa. Para bang problimadong-problemado siya ayon sa awra na bumabalot sa paligid. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag-ipon ng lakas na loob para harapin sila ni Mama. Alam kong mali at masama ang tingin nila sa akin, pero kahit anong sabihin nila ay alam kong sinikap kong hindi manggulo. Kahit alam namin ni Kiel ang nararamdaman namin para sa isa't isa ay hindi pa rin namin pinilit ang nararamdaman namin. Hindi kayang abandonahin ni Kiel ang magulang, o ang ama niyang may kapansanan. Hindi niya rin kayang saktan si Janice, para na rin sa hiling ni Papa sa kaniya noon. Alam kong hindi madaling paniwalaan kung sasabihin kong

