Janella's POV "'Pa siguradong hindi intensyon ni Kiel ang saktan si Janice," isa pang depensa ko kay Kiel matapos ng mga may hinanakit na reklamo ni Papa habang nasa sasakyan kami't pauwi. Pagkaalis namin sa bahay nina Kiel ay panay na ang sabi ni Papa kung gaano siya nag-aalala para kay Janice, at kung gaano siya ka-disappointed kay Kiel. Panay rin ang pagtatanggol ko kay Kiel. He don't deserve this kind of treatment. "Kung gano'n anong intensyon niya?" sabi ni Papa sabay hawak sa may dibdib niya. Itinikom ko na lang ang bibig ko. Ayokong mas pasamain pa ang loob ni Papa at baka mapa'no pa siya. Sa halip na sagutin ay tiningnan ko na lang ang daan sa bintana ng sasakyan. Malapit na kami sa bahay. Mabuti na rin dahil ayoko nang pakinggan pa ang mga rant ni Papa. Magkahalong guilt, pag-

