Janella's POV Nang kumalma ako ay tahimik na lang kaming naghintay ni Mama sa labas. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay namin, siguro ang pag-alis ni Janice? Ang sabi ni Mama lumabas daw siya ng kuwarto ni Papa nang dumating si Janice. Kahit daw kasi hindi sabihin ni Janice ay alam niyang siya ang sinisisi nito kung bakit inatake si Papa. Alam kong walang kasalanan si Mama. Kahit naman kasi si Kiel ang umaasikaso ng kompaniya hindi pa rin maiwasan ni Papa ang makialam at magtrabaho. 50's na si Papa, matanda na siya at may sakit pero kaya pa naman niyang magtrabaho. Bilang laking businessman ay naiintindihan ko naman si Papa kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kayang bitiwan ang nakasanayan. Maski ako hindi ko naramdaman na masama na pala ang pakiramdam ni Papa. Marahil

