Janella's POV After that day I don't know if I could say that everything has changed. Tatlong araw na ang nakalipas magmula ng araw na nagkasundo kami ni Kiel na maging magkaibigan na lang, ang ibalik na lang ang dati sa kung ano lang kami. Tama na iyong alam namin na mahal namin ang isa't isa. Tuwing gabi ay dadaan si Kiel sa ospital para bisitahin at kumustahin si Papa, kasabay na rin niyon ang pagsundo niya kay Janice na ayaw humiwalay kay Papa. Gusto raw niyang alagaan si Papa. Hinayaan na lang namin siya dahil mukha naman silang malapit talaga ni Papa sa isa't isa. Sa mga pagkakataon na nagtatagpo ang landas namin ni Kiel ay hindi niya ako iniiwasan, umaakto siyang normal. Pero kahit ganoon ay nararamdaman ko pa rin ang pader na muling tumatayo sa paggitan naming dalawa. Kah

