Janella's POV Tinotoo ni Janice ang kaniyang sinabi na gusto niyang siya mismo ang mag-alaga kay Papa habang abala ako sa pagre-review at pag-aaral ng tungkol sa negosyo ni Papa. Kahit na binigyan siya ng sariling kuwarto ni Kiel sa kaniyang bahay at binigay lahat ng art material ay hindi pa rin nag-stay si Janice sa kanilang bahay. Ang nakakaasar pa ay dinadala niya rito ang mga ilang materials niya para lang mag-paint. It only means that she want to do her things but she don't wanna leave Papa with us. Isang linggo na kaming ganito. Nakikipag-bonding siya kay Papa at ako ay parang saling kitkit lang. Ako ang tunay na anak pero parang ako ang nakikisiksik? "Kung puwede lang sumayad ang nguso mo sa sahig malamang natapakan ko na." Halos irapan ko si Kiel nang magsalita siya mula sa g

