Curse - Jinx

1190 Words
Chapter 7 Kung noong nakaraan wala akong ginawa at hindi man lang nagmukmok at umiyak. Ngayon kabaligtaran naman ang ginagawa ko. Hindi ako lumalabas ng kwarto. I don’t eat and minsan na lang ako maligo. At kung makakakain ako yun ay kung wala sila mommy at daddy. Dadalhan ako ni kuya ng pagkain at hindi s’ya aalis kung ni isang subo di ko ginawa. Ganoon din si Tita palagi syang nasa bahay para tignan ako. Alalang-alala nga silang dalawa. Pero I can’t collect myself to be strong and stand up again. I lost the opportunity to work on K.G.C. hindi na kasi ako nakapunta sa interview. They call me to re – schedule it. Na willing silang bigyan ako ng chance but I declined it. I think I lose my self sa napanood ko noong isang linggo. It can’t get out of my head. Hindi ako makatulog kasi it became my nightmare. Kada pipikit ako paulit ulit na iyun ang makikita ko. My brother and Tita want me to see a doctor. But I don’t want to. Although I feel so overwhelmed by what kuyas doing. Pero nagkaroon na ata ako ng trust issue. Ayaw ko ng maniwala sa pinapakita n’ya o nila. Kasi I know na ako lang talaga mag – isa. Ako lang wala ng iba. Parang nawalan na ako ng ganang mabuhay. Mali si Tita, na the world needs someone like me. No, one’s needs me no lalo na ang mundo. The world’s doesn’t need a trash like me. Ako lang ang makakasira ng kung ano man ang nasa paligid ko. “Sir!!!” rinig kong sigaw ng isang kasambahay. “Si sir Seven po nasa labas. Nagwawala na Sir” muling sigaw nito. My heart beats faster when I here his name. But when I remember that he is not mine anymore my heart ache again. But I Choose to ignore what is going on. “KIMMY, KIMMY BAE KO!!!!” Sigaw naman ni Seven sa labas. BAE the words I always love to hear before, but not anymore. Sakit na ang dulot nito. Unti – unti na naman nagpapatakan ang mga luha ko. Bakit tinatawag niya pa rin ako ng endearment namin. He is getting married. Kalat na sa buong bansa ang pagpapakasal nila. Ano pa ang dahilan nya para pumunta dito at gumawa ng eksena. “AND WHAT ARE YOU DOING HERE” pagalit na sigaw ni kuya ang narinig. “Please bro.." pagsisimula ni Seven ngunit pinutol ni kuya “Don’t call me bro. The moment you betrayed my sister our connection was already gone” medyo kalmado ng salita ni kuya pero may mga diin ang bawat salita n’ya. Eavesdropping, doesn’t looks good but I can’t help not to listen to them. “Zian please let me talk to your sister. I can’t contact her. I need to explain"muling salita ni Seven pero “Explain what” pagputol ni kuya sa sasabihin ni Seven. “Can’t remember that she already broke up with a jerk like you? And what are you going to explain, na you didn’t mean to get my cousin pregnant or explain why did you propose to Shina the day after you and my sister broke up. Anong I – explain mo ha, ANO!” pagalit na sabi ni ulit ni kuya “How did you know that I propose to Shina?” naguguluhan na tanong ni Seven bilang sagot n’ya sa mga sinabi ni kuya. “Hahaha, nakakatawa ka Seven. Naging bobo ka na pala. Of course it's on the news. Not really. Do you want to know how. I was there and, O my sister was there too. Witnessing how romantic are you. Lover boy ka pala. You know what mali pala na ipinagkatiwala ko sayo ang kapatid ko. Maling – mali talaga. Alam mo ba na dahil sayo wala ng ganang mabuhay ang kapatid ko, ng dahil sa iyong hayop ka napapabayaan n’ya na ang sarili n’ya. Ng dahil sa sa’yo binitawan n’ya ang isang opportunity to let others knows she can stand on her own feet. Ng dahil sa’yo para na syang patay. Gustong – gusto kitang saktan Seven. Gusto nga kitang patayin e, sa totoo lang. Kaya do yourself a favor if you want to live, LEAVE NOW, LEAVE MY SISTER ALONE” pasigaw na sabi ni kuya na lalong nag paiyak sa akin kasi alam kong totoo ang sinabi ni kuya at alam ko rin na naaapektuhan s'ya sa nangyayari sa akin. “No, hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakakausap si Kim. Kailangan kong ipaliwanag ang lahat.” Sabi ni Seven kaya nag decide ako na lumabas ng room ko at harapin s’ya baka mag – away na silang dalawa. At sakto pagbukas ko ng pinto kitang kita ko na sinuntok ni kuya si Seven. Nasa main door lang pala sila akala ko nasa loob sa lakas ng mga boses nila. “Kahit bugbugin mo ako Zian, hindi ako aalis dito. Kahit patayin mo pa ako wala akong pakielam. I need to talk to your sister. I need to. I need to see her and explain everything” gumagaralgal na sabi ni Seven. “Sige na please lang Zian, I love your sister so much. I really do. I only do that for her” pagmamakaawa ni Seven kay kuya Zian na kulang na lang ay lumuhod. “You love her. Talaga ba? Kasi kung mahal mo s’ya bakit nagkaanak ka sa iba, bakit nag – propose ka sa iba, bakit hindi s’ya ang papakasalan mo? Bakit sinaktan mo s’ya? Bakit parang wala ng buhay ang kapatid ko ng dahil sa’yo? Ilan beses mong ginago ang kapatid ko kung mahal mo s’ya? Ilang beses kayong nagkita ni Shina sa likod ng kapatid ko kung mahal mo s’ya. At huwag mong sasabihin sa akin na nadala ka lang, huwag na huwag mong idahilan sa akin na may problema ka noong panahon na yun dahil alam mo at alam nating dalawa kung sino ang walang wala noon, kung sino ang may malaking problema. At ang kapatid ko yun Seven hindi ikaw pero nakita mo ba syang sumama sa iba, sumiping sa iba, nagkaanak sa iba. Diba hindi. Kaya sana lang huwag ka ng bumalik dito. Dahil unting-unti na lang ang pasensya ko sa iyo Seven baka mapatay na talaga kita. At tandaan mo to, hinding hindi mo na makikita ang kapatid. Dahil wala na s’ya pinatay n’yo s’ya. Pinatay mo ang kapatid ko. Kaya pakiusap lang umalis ka na dahil wala ng dahilan para pumunta ka pa dito. I will ban you on entering this premises. Guard pakidampot yan huwag na huwag nyo na ulit papayagan na makatungtong yan dito” sabi ni kuya at sinarado na ang main door. Kaya pumasok na lang din ako sa kwarto ko. Kahit hinang hina na ang katawan ko sa walang tigil na pag iyak at walang maayos na kain at tulog. “Maybe I’m a curse or a jinx. Cursed not to be loved, a jinx that everything that’s important t me will be vanished and be destroyed” usal ko bago hinatak ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD