17

1177 Words
Jean Avril Mendoza's Point of View: Vacant Class ngayon dahil nagkataong absent 'yong naka schedule na teacher ngayong first day of classes pa! Ang astig no? First day na first day absent na kaagad 'yong teacher psh ano kaya ang matututunan namin sa school na 'to, ang mahal mahal ng tuition tapos absent teacher? Hays hahaha char, saya kaya pag vacant 'no? Sana laging absent huhu please G. Nakakatamad naman pagmasdan ang mga tao rito, ano kaya ang pwedeng gawin? Napa palumbaba na lamang ako at napagdesisyunang lumabas ng room. Yayayain ko sana 'yong dalawang kaibigan ko para luamabas ng room pero pareho silang tulog kaya napagdesisyunan ko nalang na ako nalang muna mag-isa ang maglibot ng school na 'to. "Hay nako, ang tamad talaga ng dalawang 'to hays" Bulong ko sa sarili ko at napa iling iling ng bahagya. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko ng walang kaingay ingay at nagsimula nang maglakad papalayo para makalabas. Hmm, saan kaya ako pupunta? Ano ba ang meron sa school na 'to? Ang lawak niya, sobra. Gusto ko libutin 'tong campus kaso nakakapagod maglakad gawa nga ng sobrang laki tapos ang boring pa lalo na't wala akong kasama at kadaldalan. Isip self, isip. Isipin mo Jammy kung saan mo gusto magpunta... aha! Alam ko na, parang gusto kong makalanghap ng preskong hangin. "May garden kaya dito?" Tanong ko sa kawalan at sinimulan nang maglibot libot, Naglakad lang ako nang lakad hanggang sa may humigit sa braso ko na ikinatigil ko naman. Napalingon ako ro'n sa taong humigit sa akin ngunit hindi ko inasahan ang nakita ko, ano ang ginagawa ng isang 'to rito? "Ikaw?!" Gulat kong pagkakasabi at nagpatuloy pa rin sa paglalakad gawa ng hila hila niya ako, problema ba ng isang 'to? Tulong huhu. Avigail Lee's Point of View: "Hmm..." Nagpakawala ako ng isang huni dahil sa sarap ng pakiramdam ko, ang sarap naman ng tulog ko gawa ng ang lamig sa room. Infairness ah, ngayon ko lang nalasap ang aircon sa school after ilang years ng pagaaral hahaha char. Napasarap ata 'yong sleep ko ah? Nag inat lang ako ng nag inat ng katawan dahil ang sarap sa pakiramdam kung alam niyo lang. Nang matapos ako sa pagsstretch ng aking katawan ay umayos agad ako ng upo sabay hinalamos ng kamay ko sa mukha ko. Naalala ko bigla 'yong panaginip ko kanina na dahilan ng pag ngiti ko, ang ganda no'ng panaginip ko kung alam niyo lang haha! Can't wait na ikwento kela Jammy girl and Vanny huhu. Inayos ko ang aking sarili upang maghanda para sa darating na chikahan session with them. Get ready self, magsisimula na ulit ang programa nating 'Today with Avigail Lee' hehe joke! Nakapikit akong lumingon sa pwesto nila Jam at Vannessa upang simulan ang aking magandang chika na parang ako lang. "Jammy, Vanny! May ikukwnto ako sa iny--" Hindi ko naituloy 'yong sasabihin ko dahil pag lingon ko ay napansin kong kaagad na wala ang isa sa amin, wala si Jam.  Huh? nasaan si Jam? Ang tanging narito lang sa row namin ay ako at si Vanny. Nasaan kaya ang isang 'yon? Bagong bago rito sa Campus pero kung makagala akala mo nawawalang kambal ni Dora the Explorer haha char I love you Jammy mwah. Nang dahil sa pagtataka ko eh agad ko naman kinulbit si Vanny na masarap na natutulog sa kaniyang desk, ang satisfying naman makitang masira ang sleep ng isang 'to haha. "Hmm? Bakit?" Inaantok at soft na muni ni Vannessa at muling sinubsob ang kaniyang mukha sa desk para siguro ipagpatuloy ang kaniyang nasirang pagtulog.  Ano ba 'yan huhu wala akong mapag chikahan ng aking dreams, mamaya na nga lang kapag kumpleto na kaming tatlo. Napanguso na lamang ako at napagpasyahang pumunta sa aking lovey dovey. Sinimulan ko na ang tumayo mula sa pinagkakaupuan ko para puntahan si Baby Ian ko hihi! Tumakbo naman na ako papunta sa mini house rito malapit sa garden, wala nang katok katok dahil hindi naman na uso 'yon and ang dapat ko lamang gawin ay ang pumasok na kaagad ng kusa ro'n sa loob. Pagkapasok ko ro'n sa club ay agad ko namang naabutan si Kuya Bryan na may mga sugat sa pisngi at ang lalim ng iniisip. Hala, ano kaya ang nangyari sa isang 'to? Napaaway nanaman siguro hays napaka basagulero kasi eh, problema ba kasi no'n sa buhay niya? Tch. And syempre bukod kay Kuya Bry, narito rin si Baby Ian ko na naglalaro sa kaniyang full set na computer hihi, super duper cute cute talaga niya pakasalan na kaya kita? Nakangiti akong lumapit kay Baby Ian ko at umupo sa tabi niya, ayoko kasing maistorbo siya sa paglalaro by chit chatting with him kaya ang tangin gagawin ko na lamang ay manonood lang ako sa laro niya. I know my place that's why hindi na muna ako magiging clingy dahil alam kong RG ito, I mean rank game hehe kaya I should behave lang. Baka kasi matalo si Baby Ian ko eh, ayoko pa naman no'n. Napansin ko namang matindi pa rin ang focus na itinutuon niya sa kaniyang nilalaro, na a out of place nga ako minsan dahil nagugulat na lamang ako kapag nanonood eh biglang may nagapang sa harap namin tapos para siyang uugod ugod 'yon pala eh nagpapa rescue haha pero kahit na ganoon na hindi ko masyadong naiintindahan, ayos lang sa akin atleast nageenjoy siya lalo na't katabi ko 'yong baby ko. Pinagmasdan ko ang itsura nitong nasa tabi ko, nakatitig lang ako kay Ian at sobra kong narealize na ang gwapo gwapo niya talaga. 'Yong mga mata niyang singkit tapos 'yong labi niyang pinkish, isama mo pa 'yong ilong niyang pointed at 'yong six pack abs niya na mas lalong ikina hot niya tignan. Grabe ka na baby, ano bang gayuma ang pinainom mo sa akin? Huhu. "Tulo na ang laway mo" Bigla akong natauhan ng biglang nag salita si Ian, nakita ko naman siyang kuhaning bigla 'yong panyo niya at pinunasan ang ilalim ng labi ko. Oh my twinkle twinkle little star, am I drooling over him ba? Huhu nakakahiya, sana hindi please. Sana trip niya lang 'yon gawin kasi kung totoo, ugh. Sobrang nakakahiya as in parang ready na ako magpalamon kay Ian-- este sa lupa. "Ha?" Tanong ko upang ulitin niyang muli ang sinabi niya sa akin, malay niyo nagkamali lang ako ng rinig 'di ba? "Sabi ko, baka malusaw na ko sa titig mo haha" Sambit ni Ian sa tanong ko sabay smile.  Wahh! Bakit ba kasi sobrang cute niya? Kaya nakakainis eh, napaka rami ko tuloy kaagaw sa kanya eh tsk pero ayos lang as long as ako lang naman ang love niya. Make them jealous and cry over me hehe char pero seryoso, ang cute kasi ng isang 'to at mukha siyang walking stuff toy hehe. "Are you done playing that game na ba po?" Pagkakatanong ko sa kaniya gamit ang isang sweet na boses, nakita ko namang isang sobrang tamis na ngiti lang ang ginawa niyang reply sa akin at bigla hinila ako papalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD