18

1297 Words
Avigail Lee's Point of View: Wahh! Bakit ba kasi sobrang cute niya? Kaya nakakainis eh, napaka rami ko tuloy kaagaw sa kanya eh tsk pero ayos lang as long as ako lang naman ang love niya. Make them jealous and cry over me hehe char pero seryoso, ang cute kasi ng isang 'to at mukha siyang walking stuff toy hehe. "Are you done playing that game na ba po?" Pagkakatanong ko sa kaniya gamit ang isang sweet na boses, nakita ko namang isang sobrang tamis na ngiti lang ang ginawa niyang reply sa akin at bigla hinila ako papalabas. Ngunit hindi pa kami masyadong nakakalayo ni Ian nang biglang umepal si Kuya Bry sa amin, humarang ba naman sa harap namin para magtanong ng magtanong ng walang kwentang bagay haha palibhasa walang jowa since birth joke. "Hep hep! Saan kayo pupunta ha?" Tanong ni Kuya Bry sa amin kaya sabay kaming lumingon sa harap niya sabay dinilaan siya at nagpatuloy na sa paglalakad papalabas ng club, kala mo ha b***h. Patuloy lang kami sa paglalakad ni Ian at ramdam ko naman ang biglang pagbagal ng paligid, sabi nga nila 'Time gets slower when you are happy or when you are with someone you love' and it's called psychological time raw dahil ang perception daw natin sa time ay nakadepende sa ating feelings. Today, napatunayan ko ang pakiramdam na iyon kaya ang saya saya haha lakad lang kami ng lakad ni Ian hanggang sa mapansin kong  dinala niya ako sa cafeteria.  Nakita ko siyang hinila 'yong upuang bakante at pinaupo ako ro'n at nang makaupo na ako eh napansin ko naman din siyang umupo sa bakanteng upuan sa may tabi ko. Hay nako, ang sweet sweet naman ni Baby Ian ko hihi sobrang gentleman pa, sa'n ka pa? "Nagugutom ka ba, Avi?" Tanong niya sa 'kin out of nowhere.  Umiling lamang ako bilang kasagutan sa tanong niya at ngumiting muli. Bakit gano'n? 'Yong boses niya, para bang isang musika sa pandinig ko? Wahh, sobrang nakakakilig. Ito na nga ba ang eargasm? Charot. "I'm not hungry eh, how about you ba? Gusto mo bang kumain? I'll order for you right away hehe, my treat" Tanong at pagpe presinta ko sa kaniya, akmang tatayo na ako para kung baka sakaling may gusto siya at bibilhin ko. Hindi ko naituloy ang gagawin ko dahil hinawakan niya lang akong bigla sa wrist na dahilan ng pagtigil ko, oh my twinkle twinkle little star! Ramdam na ramdam ko ang pagkainit ng mukha ko, napalunok akong bigla ng laway at dahan dahang humarap sa kaniya.  "Don't" he said. "Huwag kang umalis sa tabi ko Avi please?" Dagdag pa niya using his husky and yummy voice.  Nang dahil sa sinabi niyang 'yon, naramdaman ko ang pagka init ng pisngi ko dahil sa kilig. Huhu ano ba naman 'yan Ian, bakit mo ba kasi ginagawa sa 'kin to?! Kinikilig kaya ako 'no? Wahh! Grabe ka talaga sa akin, huling huli mo lagi kiliti ko peste. "O-okay" Tanging nasabi ko na lamang na medyo may pagka utal at umupong muli sa tabi niya. Gusto ko siyang tignan ng buo at diretso pero hindi ko magawa kasi sobrang nahihiya ako tumingin sa kaniya, ayoko rin kasing makita niya ang itsura ko lalo na't ganito akong halos mabaliw na sa kilig. Ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin at nakangiti mula sa peripheral vision ko, wahh! Bakit parang malulusaw na ko rito sa inuupuan ko? Ian naman kasi eh! Dama ko ang bigla niyang paghawak sa may chin ko, hinarap niya ang mukha ko sa kanya at sinabing "You're so cute when you're blushing, makes me wanna kiss that sweet lips of yours". Tang ina, ano ba ga naman 'yon guys?! 'You're so cute when you're blushing, makes me wanna kiss that sweet lips of yours' tama ba naman 'yang sabihin? Pwede na siya makulong 'no pag sinabi niyang muli 'yan, baka kasi mamatay na ko sa kilig eh hihi but the way he touches my chin, it's physical contact. Wahh! So nakakakilig talaga plus mo pa 'yong way niya ng pagsasalita, so handsome. "Ikaw kasi eh, pinapakilig mo ko ng sobra! Alam mo naman 'yong mga kiliti ko 'di ba? Mabilis ako mahulog sa ganiyan hmp tapos sabi pa ng sabi ng 'you're so cute when you're blushing, makes me wanna kiss that sweet lips of yours' tapos 'di mo naman ako kikiss hays paasa" Pabiro kong ani at ngumuso. "Haha bakit? Ayaw mo ba ng nagsasabi ako ng gano'n? If you don't like it then I'll stop being sweet, pero I can't stop being clingy with you eh. Ang cute cute mo kaya! Ano stop na ba ako?" Tugon naman niya sabay kurot sa dalawa kong pisngi kasabay no'ng pagsabi niya ng 'Ang cute cute mo kaya' Well Ian, stop it okay? Cute naman talaga ako 'no? Hindi na iyan maitatanggi pa pero the way he asked me about stopping his sweet interactions with me? Hell no! Ayoko nga 'no? Sarap sarap kaya sa feeling kapag ang sweet at iniispoil niya ako haha. "G-gusto ko, Ian. Huwag mong tigilan, gusto kong kiligin sa 'yo." Ayan na naman si tangang Avi na marupok, isa talagang f*****g b***h huhu kanino ka ba nagmana self hindi naman ganiyan ang mama mo. "'Yon naman pala eh haha pero ako rin Avi, gusto ko ring kiligin sa 'yo dahil mahal kita at sobrang saya ko kapag kasama kita." Sabi niya at tumayo na, hinawakan niya ulit ako pero this time sa kamay na. Oh my twinkle twinkle star, ano ba ang kasalanan ng isang 'to? Kung kasalanan lang ang pagiging sweet eh malamang matagal na siyang nakakulong, lifetime sentence pa huhu pero 'wag kayo, magka holding hands kami ni Baby Ian ko wahh! Mainggit kayo please. "San tayo pupunta?" I asked. "Bibili tayo ng shake. Ayoko kasing bumili mag isa, gusto ko kasama kita lalo na't alam naman nating pareho na marami akong kaagaw sayo r'yan sa paligid tch" Acting so obsessed ba my bebe? Hehe char. "O-okay" Tanging nasabi ko na lamang at sumunod sa kaniya, napansin ko namang patungo kami sa side ng cafeteria na may nagseserve ng drinks like smoothies, shakes, milk teas, sodas, coffee, and more. "What do you like? I'll order na para same tayo hehe" Tanong ko sa kaniya at tiningnan siya senyales na hinihintay ang kaniyang sagot. Ngunit habang naghihintay ako ng kaniyang sagot eh napansin ko namang nakatingin lang siya sa 'kin at ngumiti. Kilala ko ang ngiting iyan nako Ian! Sinasbai ko sa 'yo isang pakilig mo pa sa akin tamo ka tatamaan ka promise huhu. "Ikaw, Avi. Ikaw lang ang gusto at kailangan ko." Tanging sagot niya sa tinanong ko. Oh my twinkle twinkle little star! Ian bakit ka ba ganiyan? Ang daming nakakarinig, so nakakahiya huhu. "Kailan pa ako naging drinks ha? Baliw ka talaga ha! Kanina ka pa dumada moves d'yan, makes me wanna think na may kasalanan kang nagawa sa akin haha because you've never been this sweet before eh" Tanong ko sabay pout.  Sa sinabi kong 'yon, ang tanging ginawa niya lang ay ang guluhin ang buhok ko habang hindi pa rin nawawala ang sweet na ngiti sa kanyang labi. Nako Ian, magtigil tigil ka! Kanina pa ako nagtitimpi sa labi na 'yan, kapag ako nainis kakagatin ko 'yan rawr. "Eh tinanong mo ko eh kung ano ang gusto ko kaya ikaw ang sinabi ko pati ano ka ba, wala akong kasalanan 'no? Sadyang I'm being grateful lang dahil akin ang nagiisang Avigail Lee sas mundo." Sabi niya. "Oorder ba kayo o hinde? Ang dami ko pa kasing gagawin naglalandian pa kayo sa harapan ko. Hays mga kabataan nga naman oh oh!" Singit nung nagtitinda kaya sinamaan ko siya ng tingin, epal to ah! Bitter b***h.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD