Jean Avril Mendoza's Point of View:
Naglakad lang ako nang lakad hanggang sa may humigit sa braso ko na ikinatigil ko naman. Napalingon ako ro'n sa taong humigit sa akin ngunit hindi ko inasahan ang nakita ko, ano ang ginagawa ng isang 'to rito?
"Ikaw?!" Gulat kong pagkakasabi at nagpatuloy pa rin sa paglalakad gawa ng hila hila niya ako, problema ba ng isang 'to? Tulong huhu.
Wala akong nagawa kaya hindi ako makatakas, hindi ako makakalas mula sa pagkakahawak niya sa aking braso dahil ang lakas ng pwersang kaniyang ginagamit sa akin. Ano ba ang kinakain ng isang 'to? Lumulunok ba siya ng bakal? My God! Char hehe. Lakad lang kami ng lakad dalawa ngunit huminto ako sa paglalakad nang bigla siyang tumigil.
Napairap na lamang ako at lumasap ng preskong hangin, ang sarap sa pakiramdam ng ganito parang nakakabata sa feeling hahaha. Tumingin tingin ako sa paligid ko, matiyaga ko itong pinagmasdan at napansin ko rin kinalaunan na garden ang lugar kung saan ako dinala ng isang 'to. Hmm, pero ano kaya ang ginagawa namin dito? Tatambay?
Pero bago ang lahat ng pagpapantasya ko sa aking paligid, tinuong ko na lamang bigla ang pansin ko rito sa lalaking humigit sa braso ko at pwersahan akong dinala sa lugar na ito. Nakita ko naman na ang sama ng kaniyang tingin sa akin na may halong kaunting pagdududa, luh? Ginagawa mo sir?
"What the f**k are you doing here huh?!" Nangagalaiti niyang tanong sa akin habang hindi pa rin binibitawan ang braso ko, ramdam ko na ang pagsakit nito pero hayaan ko na lang haha.
"Bakit? Ano ba ang ginagawa ng isang studyante sa school? Common sense naman po ano?Malamang I'm studying? And if ever na iniisip mong sinusundan kita, uunahan na kita na hindi. Transferee kaya ako rito no for your information. Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito? Namboboso?" Mahaba at extra kong pagkakasagot sa kaniyang katanungan sabay balik sa kaniya ng katanungan.
Napansin ko namang hindi siya masyadong naniniwala sa explanation ko base sa kaniyang itsura na may halong pagdududa pa rin. Bigla niyang binitawan ang braso ko at nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga sabay upo ro'n sa may damuhan at ipinikit ang kaniyang mga mata.
Bigla namang napabaling ang tingin ko sa isang 'to at habang tinititigan ko siya, napansin ko namang kahawig pala niya si Top ng Big Bang haha walang halong echos ha? Real talk lang. Pero teka nga, no'ngng first meeting namin ganito rin ang ginawa niya 'di ba? Hinigit niya rin ako sa braso at mukha siyang tangang nagdududa tungkol sa pagkatao ko hays.
Pinapanood ko lamang siyang matulog at inirapang muli kinalaunan, isa kang piece of s**t lods hehe joke. Napailing na lamang ako at akmang lalayo nalang sana nang bigla siyang magsalita na ikinagulat at ikinatigil ko naman.
"Where the hell are you going?" Tanong niya sa akin habang hindi pa rin minumulat ang kaniyang mga mata, huh? Paano niya nalaman na aalis ako? Pati gagi, bakit sobrang husky ng boses niya? 'Yong way na para bang nagseseduce pero take note, effortlessly pa ha.
"Babalik na ako sa room. Lagi mo na lang kasi akong tinutulugan pati wala rin naman akong mapapala kung papanoorin lang kita matulog r'yan eh napaka pangit mo pa namang tao ka." Pagrereklamo ko, tinalikuran ko na siya at naglakad na papalayo upang tuluyan nang umalis.
"Napaka sleepy head naman no'ng taong 'yon, kairita" bulong ko sa sarili ko habang sinisipa 'yong mga batong nakaharang sa dinadaanan ko, pati 'tong mga batong to ang laking storbo hays.
Lakad lang ako ng lakad na parang wala sa sarili dahil hindi ko man lang magawa tignan ang paligid ko pero bigla ko na lamang naramdaman na may taong humarang sa harapan at dinadaanan ko. At nang dahil nakuha niya ang atensyon ko, agad kong tiningnan kung sino 'yon.
Huh? Ano ang ginagawa ng isang 'to at bakit siya humarang sa harapan ko? Nahihibang na ba siya?
"Bakit mo kasama si Jackson?" Tanong sa akin no'ng Bryan habang walang emosyong nakatingin sa 'kin.
Ay wow, thanks sa information ha? So Jackson pala ang pangalan no'ng lalaking 'yon hehe ngayon ko lang nalaman after all this time grr. So pa mysterious ang peg no'ng guy ha, sobrang extra.
"Ha? Ah wala hehe, nagkataon lang. Bakit mo pala naitanong?" Naiilang kong pagkakasabi sa kaniya at akmang lalagpasan na sana siya nang bigla niya akong hawakan sa balikat na dahilan ng pagtigil ko.
"Anong wala?" Tanong pa niya.
Tinanggal ko 'yong pagkakapatong ng kamay niya sa balikat ko at hinarap siya ng pagalit. Ang papansin niya sa totoo lang, ano ba ang pake niya ha? Kung makaasta akala mo close kaming dalawa, napaka epal.
"Bakit mo ba tinatanong?!" Galit kong pagkakatanong sa kaniya.
Bakit feeling close siya? Magtanong ba namang bigla kung bakit ko raw kasama 'yong isa na si Jackson eh samantalang hindi naman kami close miski mag friends lol.
"Just answer my f*****g question for God's sake! Damn it" Malakas na pagmumura niya sa harapan ko.
Nagpipintig ang tainga ko dahil sa narinig ko, masyado siyang extra sa totoo lang to the way na nagmumukha na siyang tanga. Padabog akong humarap sa kaniya at sasagutin na sana siya ng biglang...
Boogsh.
Malakas na suntok ang ibinigay ni Jackson sa mukha ni Bryan kung kaya naman walang awat ko silang pinipigilan pareho mula sa pagsasapakan. Napansin ko namang nagdurugo ang pisngi ni Bryan kaya binigay ko ang buong pwersa ko para mapagtigil ang dalawa.
"Hoy! Ano ba?! Magsitigil nga kayong dalawa! Para kayong bata! Ikaw Jackson ano ba ang problema mo ha?! Isa ka pa Bryan! Para kayong mga walang pinagaralan!" Bulyaw ko habang nakapagitna sa kanilang dalawa.
"f**k you!" Malakas na mura galing sa bibig ni Jackson ang kumawala at hinigit ako papalayo ro'n kay Bryan.
Higit higit lang ako ni Jackson at napansing dinala niya ako rito sa tapat ng class room namin.
"What the f**k Jean! Stay away from any other guys, naiintindihan mo ba?! f**k! blablabla" Huli niyang sinabi bago siya mawala na ng tuluyan sa paningin ko.
Huh? Ano nga ulit 'yong sinabi niya sa huling part? Hindi ko naintindihan, medyo choppy kasi eh haha pero tama ba ang narinig ko na sinabi niya?
'Stay away from any other guys naiintindihan mo ba?!'
'Stay away from any other guys naiintindihan mo ba?!'
'Stay away from any other guys naiintindihan mo ba?!'
Paulit ulit na nagrereplay sa isipan ko ang sinabi niyang 'yon pero teka nga, hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang ibig sabihin niya sa sinabi niyang 'yon? Psh, double meaning kaya ano?
'Baka nagseselos Jam!' biglang pumasok sa utak ko ang katagang 'yan.
Si Jackson? Magseselos? Ha. Ha. Ha. Ha. Grabe natawa talaga ako, asa namang magselos 'yon eh wala namang something sa amin tch and besides never ko nga siyang nakitaan ng ibang emosyon bukod sa galit.
Pumasok na ako sa loob ng classroom, naabutan ko si Vanny na natutulog pa rin hanggang ngayon samantalang bakante naman ang upuan ni Avi. Hmm, asan kaya 'yon? Baka tumatalandi nanaman sa kaniyang iniirog na si Ian.
Dumiretso na ako ng upo sa upuan ko at kinuha ko naman 'yong cellphone ko para tignan kung anong oras na. Hmm, fourteen minutes nalang at magsisimula na 'yong klase o ang next period namin.
Napairap na lamang ako at binalik na 'yong cellphone ko sa bulsa, kinulbit kulbit ko naman si Vanny para magising nang sa gayon eh may kausap ako.
"Hmm?" Muni niya at umayos ng pagkakasubsob sa desk. Hay nako, bahala na nga siya r'yan at kakausapin ko na lamang ang sarili ko.
Nga pala, hindi pa masyadong seryoso ang klase ngayong araw dahil nagpapakilala pa lang ang mga teachers at nagbibigay ng ilang test kung may naaalala pa kami tungkol sa mga topic namin before.
Wala rin kaming school uniform at tanging pang PE lang o pang physical education lang ang meron. At tsaka nga pala 'yong mga kasama ko ngayon sa room, hindi pa talaga sila ang kaklase ko hanggang katapusan kumabaga naka rumble lang kami today hehe.
Temporarily lang daw kasi muna eh pero ang tanging sigurado lang ako ay kaklase ko sila Avi at Vanny ngayong school year.
Bukas na magsisimula ang regular classes, bukas na rin kami pupunta sa totoong classroom namin at bukas na rin namin makikilala kung sino sino ba talaga ang magkakaklase. Ang extra ng bukas no? Masyadong pinoy big brothers ang datingan.
"Good morning, class!" Bigla akong natauhan dahil sa pagbati no'ng naka assign na teacher sa amin ngayon.
Nagising na rin is Vanny pero bakit parang wala pa rin is Avi hanggang ngayon? Nasaan kaya ang isang 'yon? Halos one hour na siyang tumatalandi ah? Go sis push mo yan!
Tumayo na rin kami at binati yung teacher pabalik. "Good morning, Ms. .Asdfghjkl" bati namin pabalik.
Hindi ko naintindihan 'yong apilido ng teacher kaya hindi nalang ako nakisabay sa part na 'yon. Umupo na rin kami galing sa pagkakatayo, nasan na ba si Avi?