Her Messed-Up Life

2151 Words
"Sabihin mo, Lora, anong plano mo ngayon? The police are waiting for your statement sa nangyaring aksidente? Tatlo ang patay at isang sugatan at critical ang buhay ngayon! My God, what kind of mess is this? Lora, look what you think you've done?" Galit ang ate niya, that is for sure. Pero wala siyang imik. Lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob, hindi niya inilalabas. Wala pang nakakaalam sa totoong nangyari nung araw ng aksidente. Wala na rin namang saysay kung malalaman pa ng lahat ang totoo. Patay na ang mga anak niya, wala na ang rason para ipaliwanag niya ang mga pangyayari. To hell whatever they think happened that day! " Magsalita ka, Lora! Anong plano mo? Pwede kang makasuhan! Reckless driving resulting to multiple homicide and injuries! " " Pupunta ako sa presinto ngayon. Ako na lang ang makikipag-usap sa mga pulis. " " And what? Magpapakulong ka na lang? Ganun? Bakit ba di mo masabi kung anong nangyari sa inyong mag-asawa? Bakit nakaempake ang mga gamit ninyong mag-iina? Saan ba kayo pupunta? " Sunud-sunod ang mga tanong sa kanya. Kung tutuusin, dapat nakukulili na siya sa ingay ng kapatid niya pero wala siyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Manhid na manhid ang pakiramdam niya na kahit yata ilagay siya sa silya elektrika ay wala siyang pakialam. Tumayo siya at umakmang magtungo sa kwarto. "Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita!" "Ate, gagayak ako papuntang presinto." "Talaga bang wala kang balak na sabihin mo sa amin kung anong tumatakbo diyan sa isip mo? Lora, nandito pa naman kami, ako kapatid mo, yung mga pamangkin mo. Huwag mo namang sarilin kung ano man yang dinadala mong problema. Alam kong mabigat yang kung anumang problemang yan. Nandito ako, si ate Hazel. Pwede mo kaming sabihan ng mga nararamdaman mo. Huwag mo namang solohin yan!" frustration on her ate's voice. " Ate, okey lang ako. Nagluluksa ako sa pagkamatay ng pamilya ko. Yun yun ate. Walang ibang problema. " Matiim na tinitigan siya ng kapatid, inaarok marahil kung ano man ang nasa isip nya. Maya-maya ay bumuntung-hininga ito, resignation on her voice when she speaks, " Okey, fine. Pero sasamahan kita sa presinto." Magpoprotesta sana siya pero nakita niya sa ate niya ang determinasyon na samahan siya. "Ikaw ang bahala." "Ma'am, mabuti po at kusa na kayong pumunta dito sa presinto. Balak na sana namin kayong puntahan sa address ninyo kung di pa po kayo nagpunta ngayon. Marami po kaming mga tanong sa inyo tungkol sa nangyaring aksidente, mahigit isang linggo na ang nakakaraan." "Pagpasensyahan nyo na po sir kung ngayon lang ako nakapunta. Naospital din po ako at nang makalabas naman ay inasikaso ko ang burol at libing ng pamilya ko." " Ayon po sa inisyal na imbestigasyon ay hinahabol po kayo ng sasakyan ng asawa nyo kaya malakas ang impact ng pagkakabunggo niya sa likurang bahagi ng inyong sasakyan. Ano po ang dahilan at hinahabol niya kayo? " " Sir, nagkaroon po kami ng pagtatalong mag-asawa dahil nahuli ko po siyang may kasamang babae sa opisina nila at naaktuhan ko po sila sa isang sitwasyon na labag sa moralidad ng tao. Umuwi po ako agad sa amin at nag-impake para po umalis kaming mag-iina pero hinabol nya po kami. Sa kasamaang-palad ay nabunggo kami ng paparating na sasakyan na naging dahilan ng aksidente. " " Ang ibig nyo pong sabihin dahil hinahabol kayo ng asawa nyo kaya mabilis ang pagpapatakbo ninyo sa sasakyan nyo kaya po kayo nabunggo? " " Hindi po, sir. Sigurado po akong hindi mabilis ang pagpapatakbo ko dahil sakay ko po ang mga anak ko. Ni minsan hindi ako lumampas sa speed limit lalong-lalo na kapag pasahero ko ang mga anak ko. Yung kasalubong po namin ang tumawid sa linya namin at mabilis ang pagpapatakbo niya kaya nya kami nabunggo. " " Naku, misis, parang sinasabi po ninyo na kasalanan nung isang sasakyan kaya kayo naaksidente at namatay ang asawa at mga anak nyo. Eh kayo na din po ang nagsabi na may problema kayong mag-asawa kaya nga kayo hinahabol eh. Posibleng di nyo namalayan na mabilis ang pagpapatakbo nyo sa sinasakyan nyo at sa kagustuhan nyong makalayo sa asawa nyo kaya lumipat kayo ng linya para makalampas sa ibang sasakyan. " " Sigurado po ako sir na hindi ako tumawid ng kabilang linya. Yung kasalubong namin, siya yung wala sa tamang linya, sir! " " Pero hindi ganun ang lumabas sa imbestigasyon namin. At sa ngayon ay kasalukuyan pang kritikal ang kondisyon ng driver ng sasakyan kaya di pa din namin nakukuha ang panig niya. Pero malinaw po na kayo ang sumala ng linya ma'am! " Gusto niyang maiyak dahil sa nangyayari ay siya ang nadidiin sa pagkamatay ng asawa at mga anak niya pero kahit sigurado siyang nasa tama siya ay wala siyang oras para makipagtalo sa kahit sino. Gusto lang niyang matapos na ang lahat ng ito at makalayo sa lahat ng gulong ito. Alam niyang pagkatapos ng mga naging statements niya ay mauungkat pa sa kanila ang dahilan ng pag-aaway nilang mag-asawa kaya naman gusto na lang niyang matapos ang lahat at magpakalayo. "Ma'am kung hindi po kayo makikipag-cooperate sa amin, maari namin kayong kasuhan at pwede kayong makulong," warning is in the voice of the police officer. "Ano pong dapat kong gawin, sir?" pagpapatianod na lang niya sa nangyayari. "Willing makipag-areglo ang kabilang panig kung makikipag-areglo din kayo. Pero kung magsasampa kayo ng kaso ay mapipilitan din silang magsampa ng kaso laban sa inyo. At sinasabi ko po sa inyo, posibleng matalo lang kayo," nasa tono ng pulis ang pagbabanta. "Sige po, makikipag-areglo na lang po ako sa kanila." Nagkatinginan pa ang mga pulis bago tumayo ang isa sa kanila, "Sumunod po kayo sa amin ma'am," pagpapatiuna nitong lumabas ng interrogation room. "Bakit ka nakipag-areglo, Lora?" tanong ng ate niya. "Anong sasabihin ng biyenan mo? Na balewala lang sa'yo ang buhay ng asawa mo at mga anak mo?" "Ako daw ang kakasuhan nila kung di ako makikipag-areglo. Anong gusto mong gawin ko, makipag-ubusan ng pera sa kanila. Anong ibabayad ko sa abogado? Anong ipangtutustos ko sa bawat hearing? Paano kung matalo ako sa kaso?" "Pero paano naman ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya mo?" "Ate, sa totoo lang, pagod na pagod na ako! Alam mo ba kung ano na lang ang gusto kong gawin ngayon? Magpakalayo-layo na lang sa lahat ng ito! Ubos na ubos na ako, ate! Wala na akong maiiyak, oh! " " Gusto mong malaman kung anong nangyari bakit kami naaksidente? Ate nahuli ko si Lawrence mayroong babae! Alam mo kung sino? Si Wendy, yung kababata niyang taga doon sa amin! Alam mo ba kung saan ko sila nakita? Dun sa opisina ni Lawrence, ate! Akala ko sobrang abala lang kami parehas sa trabaho kaya para siyang malayo sa amin nitong mga nakaraan! Kaya nga naisip ko siyang sorpresahin! Pero ako yung nasorpresa! Dahil nakita ko sila doon, naghahalikan at magkakandong pa! Pagkatapos ate, ako pa yung inakusahan niya na may pagkukulang! Huwag ko daw isama ang mga bata at ilayo sa kanya! " " And then the accident happened! Alam mo ba ate yung pakiramdam na sinisisi mo ang sarili mo sa mga nangyari! Ate ako yung dahilan bakit pati yung mga anak ko nadamay. Kung di ko sila isinama, kung di ko nahuli sa panloloko nya sa akin si Lawrence, kung hindi ako pumunta sa opisina nya! Ate ang dami kong what ifs! Kung hindi nangyari lahat ng yun, sana buhay pa sila! Sana buhay pa ang mga anak ko! " After saying all those things, tears once again flooded from her eyes. Wala pa ring katapusan ang sakit! At hindi na yata mawawala yun! " I'm sorry, Lora! Hindi ko alam. Pero wala kang kasalanan sa mga nangyari. Kung merong dapat sisihin dito, si Lawrence yun at ang babae niya! " " Paano ko sisisihin yung patay na? Alam mo ba sana ako na lang yung namatay! Sana ako na lang, sana hindi yung mga anak ko. Sana hindi si Lawrence yung namatay! Para siya yung pinaparusahan ngayon! Hindi ako! " Niyakap siya ng ate niya. But even that kind of comfort, wala na ring epekto sa kanya. All that's consuming her is pain and grief. And nothing can wash away what she's feeling right now. Not even justice! What she wanted right now is to disappear, or die! Kung di lang masama ang magpakamatay, ginawa na niya! "Lora, ano yung sinasabi mo na niloko ka ni Lawrence. Ano ba naman yan, iha? Patay na nga yung tao pero ginagawan mo pa ng kwento! At idinamay mo pa talaga si Wendy? Hindi ka na nahiya sa kumpare ko? Pati yung anak niya, kinakaladkad mo sa problema mo? " " Eh kung sana di mo pinababayaan yung responsibilidad mo bilang asawa, eh di sana hindi ka napapraning kagaya nyan! Sinisiraan mo yung magkababata! " Bisita niya sa bahay nila ang biyenan niyang lalaki. Matagal nang patay ang biyenan niyang babae at may iba nang kinakasama ang biyenan na lalaki. " Tay, wala po akong sinisiraan! Totoo po lahat ng sinasabi ko! Bakit hindi si Wendy ang tanungin nyo. At kahit po pumunta pa kayo sa opisina ni Lawrence, alam ng mga katrabaho niya na laging pumupunta si Wendy doon! " " Eh bakit? Bawal na bang bumisita ang kababata sa opisina niya? Ikaw, ang dumi-dumi ng utak mo. Patay na yung anak ko pero pinag-iisipan mo pa ng di maganda. Kung tutuusin kasalanan mo kung bakit siya namatay, pati ang mga apo ko! Kung di naging madumi yung utak mo, di kayo hahabulin ng anak ko at hind kayo maaksidente! " " Bakit ho ba kayo nandito? Kung ipagtatanggol nyo lang po yung anak nyo at yung kabit nya na inaanak nyo, hindi ko po kailangan yan. " " Aba't bastos kang babae ka ah! " " Pwede po ba 'tay, kung wala na po kayong ibang sasabihin, makakaalis na po kayo. Habang kaya ko pa po kayong irespeto bilang biyenan ko. " " Sumusobra ka nang babae ka, " lumapit ito sa kanya at akmang sasampalin siya. " Sige, ituloy nyo! Yan naman ang kaya nyo eh, ang manakit! Kayo na yung mali, kayo pa ang matapang. Kanino pa nga ba magmamana ang anak ninyo kundi sa inyo. Nagawa nyo ngang ipagpalit si nanay sa tatlong babae! Ano pa yung si Lawrence? Pasalamat na lang din ako dahil loyal siya sa kababata niya kaya sa loob ng eleven years naming pagsasama, si Wendy lang naging babae nya! Yun nga lang kung magpapakaloyal din lang naman pala siya kay Wendy, sana hindi na lang niya ako inasawa! Eh di sana hindi ako nawalan ng mga anak ngayon! " " Pwede po ba, umalis na kayo dito sa bahay namin! " " Hoy, babae! Wala kang karapatan sa mga naipundar ng anak ko! Ikaw ang lumayas dito sa pamamahay ng anak ko!" " Kayo ho ang walang karapatan! Kaming mag-asawa ang nagpundar ng bahay na ito at lahat ng mga gamit na nandito kaya lahat ng karapatan nasa akin! " " Umalis na po kayo! Pakiusap! Patahimikin nyo na po ako! " " Kung hindi pa po kayo aalis, tatawag po ako ng pulis! " " Hindi pa tayo tapos! Wala kang kwentang manugang! " Parang mauupos ang kanyang pakiramdam! Ubos na ubos na ang lakas niya! Kung maari lang na lamunin na siya ng lupa sa mga oras na iyon! Pero hindi pa natapos dun ang problema niya! Kinabukasan ay sumugod naman ang pamilya ni Wendy sa kanila at kasama ulit ang biyenan niya! Ipinabarangay siya ng nanay ni Wendy dahil daw sa paninirang puri! Mabuti na lamang at tumestigo ang isa sa mga katrabaho ni Lawrence at pinatunayan nito na may namamagitan nga sa dalawa. Ngunit sahalip na tumigil ang nanay ni Wendy ay siya pa ang pinahiya sa publiko. Sinabihan siya na walang kwentang asawa kaya ipinagpalit sa anak nito! Lalong napagtibay ni Lora ang desisyon na ipagbili na lamang ang bahay at lupa nila pati na rin ang iba pa nilang mga gamit. Ang gusto lang niya ay matahimik! Napagdesisyunan niyang duon na lamang sa lumang bahay ng lolo at lola niya sa Batangas siya manirahan. Sa kanya iyon ipinamana ng lolo niya noong dalaga pa siya at dahil walang hilig sa buhay probinsya ang mga kapatid niya kaya hindi naman tumutol ang mga ito. May caretaker naman ang bahay na iyon at may sariling maintenance fund kaya naman kahit matagal na hindi niya nabisita ang bahay ng mga lolo at lola niya ay maayos pa din ang kalagayan nito. Mabilisan niyang ibinenta ang mga ari-arian niya dito sa Lucena at nang matapos ay kaagad na siyang lumuwas pauwi ng Batangas. Wala siyang pinagsabihan na kahit sino kung saan siya pupunta pero nag-iwan siya ng sulat sa ate niya at sinabing magbabakasyon lamang siya pero di alam kung kailan babalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD