The Tragic Beginning

995 Words
It was almost dark and Lora still chose to stay in the cemetery. Iniwan na sya ng kapatid nya at ng ibang mga nakipaglibing pero ayaw pa niyang umalis sa harap ng tatlong puntod. All the tears in her eyes has been drained and yet she still felt like crying. Bakit ba naman hindi kung buong pamilya mo ang nasa mga puntod na yan? Her husband and their two kids died in a car accident at siya lamang ang bukod tanging nakaligtas. Bagaman at hindi pa lubusang magaling mula sa mga natamong injuries dahil sa aksidente ay pinilit pa rin niyang lumabas ng ospital upang makapiling sa huling sandali ang pamilya. The pain of losing them is already unbearable pero mas doble pa ang sakit na nararamdaman nya sa dahilan ng aksidenteng iyon. She caught her husband cheating on her at sa pagtatangka niyang umalis at iwanan ang asawa ay isinama niya ang dalawang anak ngunit hinabol sila nito leading to a car chase hanggang sa mabundol ang sinasakyan nilang kotse ng kasalubong na sasakyan, at pati ang sinasakyan ng asawa niya na siyang ginamit sa paghabol sa kanila ay nabunggo sa likuran ng kotse niya dahilan upang maipit ang dalawa niyang anak na nasa backseat na naging sanhi ng agarang pagkasawi ng dalawang bata. Habang ang asawa naman niya ay naisugod pa sa ospital katulad niya pero agad ding binawian ng buhay habang nasa ilalim ng operasyon. Muling pumatak ang mga luha niya. Sinisisi niya ang sarili kung bakit pati ang mga anak nila ay nadamay. Hindi na sana niya isinama ang dalawang bata, siguro buhay pa ang mga ito ngayon. Sinisisi niya ang sarili, hindi na sana siya nagpunta sa opisina ng asawa. Hindi sana niya nakita ang panloloko ng asawa niya. Disin sana'y tahimik pa din ang mga buhay nila ngayon. Kahit naman nasaktan siya sa panloloko ng asawa, hindi naman niya hiniling na mamatay ito. Ang gusto lang naman nya ay ang humiwalay na dito dahil di na niya kaya ang makisama sa isang manloloko. Sinisisi niya ang asawa dahil ito ang puno't dulo ng trahedyang ito, pero masakit pa din sa kanya ang pagkawala nito. They were happily married for eleven years pero naramdaman niya ang unti-unting panlalamig ng asawa nitong mga nakalipas na buwan. Inakala niyang dahil lamang sa sobrang stress sa trabaho at sa pagiging busy niya sa pagsusulat kaya inisip niyang bumawi at sorpresahin ito sa opisina pero siya ang nasorpresa sa nadatnan. Kitang kita ng dalawang mata niya ang babaeng nakakandong sa kanyang asawa habang marubdob ang paghahalikan ng dalawa. Nabitawan niya ang dala-dalang pagkain at inumin sa pagkabigla niya. Nagulat ang dalawa at kitang-kita nya ang pagkabigla ng dalawa ng malingunan siya sa pinto ng opisina. Kilala niya ang babae, dating kababata ng kanyang asawa ngunit ang alam niya ay nasa ibang bansa na iyon naninirahan. Walang lingon-likod na umalis siya at umuwi sa kanilang bahay upang mag-impake at umalis ng abutan siya ng asawa na isinasakay ang mga gamit nila ng mga bata. "Saan kayo pupunta, Lora? Bakit kasama mo ang mga bata?" "Wala kang karapatang magtanong pagkatapos ng panloloko mo sa amin!" "Please, Lora, pag-usapan muna natin ito. Hindi nyo kailangang umalis!" "No, Lawrence! Wala na tayong dapat pag-usapan pa! Malinaw ang nakita ko, walang dapat ipaliwanag!" "Hindi mo kailangang isama ang mga bata! Kung gusto mong umalis, ikaw na lang! Huwag mong idamay ang mga bata!" " Ang kapal ng mukha mong sabihing idinadamay ko ang mga bata! Ikaw itong nagloko! Ikaw itong gumawa ng gulo para masaktan kaming pamilya mo! Anong pinagsasabi mong idinadamay ko sila?! " " That is your fault Lora! Nawalan ka ng panahon sa akin! Mas inuna mo ang mga articles at nobela mo! Nakalimutan mong may asawa kang kailangan ka din! " " Huwag mong isisi sa akin ang kakatihan ninyo ng babae mo! Kung talagang mahal mo ako kaya mong unawain ang klase ng trabaho na meron ako! Hindi ako nagkulang sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong mag-aama! Kahit gaano pa ako ka-busy sa trabaho ko, sinisiguro kong natutugunan ko ang lahat ng mga pangangailangan ninyo! Ang mga pangangailangan mo! Pero ano? Dahil lang bumalik ang kababata mong iniwan ka nung walang-wala ka at binalikan ka ngayong asensado ka na, kinalimutan mo ang sarili mong pamilya para lang matugunan ang libog mo! How dare you para ibato mo sa akin ang sisi! " Napahagulgol siya ng maalala ang pagpapalitan nila ng salita ng asawa. The nerve of this cheater na siya pa ang sisihin! But what pains her the most ay ang pagkawala ng dalawa niyang anak! Tama ang asawa niya, nadamay sila! Pero hindi niya ginusto ang nangyari. Kung pwede lang, kung maaari lang, sana siya na lang ang namatay! Para hindi na niya nararamdaman ang ganitong klaseng sakit! Sana siya na lang ang namatay at hindi ang asawa niya para maramdaman nito kung anong klaseng parusa ang nararamdaman niya ngayon. Bakit ganun? Siya na nga itong niloko at sinaktan pero siya pa itong pinaparusahan? "Pinsan, halika na, umuwi na tayo." Nilingon niya ang nagsalita. Ang ate Hazel niya iyon, anak ng kapatid ng mama niya. "Bakit di ka pa umuwi?" "Iiwanan ba kita sa ganyang kalagayan mo? Di ka pa nga magaling sa mga injuries mo, mamaya kung mapaano ka na naman." "Ayoko pang umuwi, ate. Wala akong madadatnan sa bahay. Malulungkot lang ako." Muli na namang pumatak ang mga luha niya. Nilapitan siya ng pinsan at niyakap. "Tahan na, Lora. Kung gusto mo, sa bahay ka muna. Maiintindihan naman ng kuya Justin mo yung kalagayan mo ngayon. Isa pa, kailangan mo din ng makakasama sa ngayon dahil diyan sa mga sugat mo." "Salamat, ate." "Ano ka ba? Natural lang na damayan kita. Sinu-sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo-tayo lang." " Maraming salamat ulit, ate. " " Halika na umuwi na tayo. Madilim na." Muli niyang nilingon ang mga puntod, umusal ng maikling panalangin at saka tumalikod at sumunod sa kanyang pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD