Para kay ArthurAng bilis kumalat ng balita: Kol boy, sinaksak, patay. Pinaligiran ng mga kol boy at weyter Ang teybol ng lalaking nagkukuwento. Tanong ng ilan: Sigurado ka? Sino’ng sumaksak? Ilang beses? Naloka ang mga manedyer at resepsyonis: Kawawa naman Halika, makiramay tayo … Saan ba ang burol? Sa Nueva Ecija?! Dyuskoday, ang layo! Wa na! Sabay pasok ang mga kostumer Nakasaykling syorts Me handbag na blu; Tayuan ang mga kol boy Habang inaayos ang buhok at kuwelyo Para ngitian ang kostumer At umarbor ng yosi At magdispley sa dans plor; Lapit ang isang weyter: Bir, ser? Tilian ang mga manedyer at resepsyonis: Oy, tita, ba’t ang tagal mong nawala? Dagsaan ang iba pang kostumer Me muherista Me mukhang sekyutib sa Makati (wid matsing atatsi keys) Merong pagkakam

