Ang H.P. at si Danny

3690 Words

Ang H.P. at si DannyUm-effect na naman ang katamaran ko. Kung sabagay, baka maubusan na naman ako ng yellow paper sa kado-drawing kung papasukan ko ’yung boring kong Computer class—isa’t kalahating oras pa man din iyon, noh. Mas mabuti pa siguro, mag-stay na lang ako dito sa Kamalayan—ang literary magazine ng school. Tutal, andito naman si Tom, kakuwentuhan ba. Kung tutuusin, kaya lang naman talaga ako nagtatagal sa eskuwelahang ito ay dahil sa Kamalayan. Dito yata ako natutong magsulat. Dito rin ako natutong maging kritikal kahit konti tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa all-around. At medyo nahahasa naman kahit konti ang skill ko sa writing. Minamahal ko yata ang Kamalayan kesa kung kaninong Estong Tutong sa tabi-tabi. Nandito na nga sa Kamalayan iyang si Tom nang pumasok ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD