Simpleng taytel, kumplikadong kuwentoDi na ’ko nagpahatid. Alas-tres pasado na. May dyip nang pa-España pagka-gan’tong oras. Sayang, wala si Nuel. Buddy-buddy kaming lagi ni Nuel pag dumadayo sa tropa. Anyway solb na ’ko. Solb na rin ang buong tropa. Medyo tenbits pero basyo na ang buong grupo. Sinaid ni Notski ’yung kinita sa serbis n’ya sa electronics. ’Yung napasulpot ni Don nang ibenta ’yung scientific calculator n’yang inaagiw lang sa pagitan ng bookends sa estante, kasama ng mga libro n’ya sa college, said din. ’Yun namang diniskarte ko sa ATM, eto, may otso pang coins. Aabot na ’ko ng Sikatuna ne’to. Buti na lang pala, wala si Nuel. Kung nandito pa ’yun, di hindi na kami umabot ng Sikatuna. Bumaybay ako sa pagitan ng mga stalls sa palengke ng Blumentritt na kani-kanina lang e bara

