Siyam na diwata ng sine“Eh bakit nga ba hindi siya ang naging Artista ng Bayan?” etsing ni Diyosang Taga-ayos sa kanyang parukyano. “Day, ano kaya ang kanyang K kumpara kina Amorsolo?” ek ni Musang Tagasulat (habang sinusungkit ng kilay n’ya ang dryer ng mahaderang tagapagkulot ni Maderang Tagatustos). “Chos, s’yanga naman!” agree ni Nimpang Tagatuklas: “Tse, sa hilig n’yang makipag-do baka may I surrender sa May ’tong Araneta sa mestisong type s’yang ka-bottoms up on the spot.” “Well, well,” admit ni Paralumang Tagadirihe, “Industriya natin ang maiimbiyerna. Pinas pa mandin ang kung turan ay Hollywood sa Far East. Malas. Kung kelan ko pa nakabeso— beso and direk ng JFK saka pa ako naimbudo.” “Ibang klase ang mga eklat nitong nag-People Power na fans for the NA!”

