May isang pangalanLinulutang ako ng kanyang pangalan na parang batang kalong ng alon. Gabi-gabi kong yinayakap ang mga halik niya na gumagabay sa akin sa madaling-araw na pananaginip. At gigiti na parang samyo ng kalachuchi ang pawisan niyang katawan, at ang bakat nito sa basang kamiseta at ang kupas na maong na bumabalot sa kanyang hita na mamasa-masa rin ng kanyang mga katas. Napag-aalab ako sa ginaw ng Nobyembre, bumabagang pugon ang nasimulang rikit ngunit tilaok ng manok ang tanging kaniig. Wala bang kukumot sa hubad na pusong sinisinat ng pag-ibig?

