KarnehanMagtitimbang. Ihahambing ang katotohanan. Nakangiti o papadyak depende sa layo o lapit sa anyong ninanais. “Pareng George,” babati sa halos araw-araw na kasabay sa malayong biyahe ng pagpapaganda ng katawan. Sabay sakay sa bisikletang walang pinatutunguhan. Ito ang paborito kong lugar. Dito ko nasisipat ang sanlaksang kalalakihang nagbabanat ng buto. Nananalig, sumasamba na may kapangyarihan—naidudulot na batobalani man lang— ang tamang korteng baysep. Sa mga umbok ng dibdib, dito ginagagad ang sarap ng inang nagpapasuso ng gatas sa sanggol. Punong mangga ang tabas ng likod. Mayabong na yumayakap sa katawan. Iniaalok sa sinag ng araw kapag nagpapadaing sa dalampasigan. O nagpapatapa sa swimming pool. Hari ng mga bunga. Nakapagsasabi kung sino ang puwedeng

