ParBaliw yata ako, sabi ng mga bakla kong kaibigan. Bagay na bagay raw ang pangalan kong Sheila Lukasta. Ewan ko kung bakit. Basta ang alam ko, lab na lab ko si Cris. Dahil sa kanya, iniwan ko ang pagiging impersonator at designer. Pero di bale, may K naman siya, dahil mala-Lito Lapid ang dating niya. At totoo nga pala ang tsismis ng isang matandang baklang kaibigan ko. Dakota raw ito. Kaya naman ang bakla, madaling na-inlab. Wala akong weather kahit na gawing punching bag ang beauty ko. Girl yata ako. Nagsama kami ni Par sa isang bubong. Ay siya nga pala, Par ang tawagan namin sa isa’t isa para di naman korni. Kuha ito sa Pare. Astig ’no, dahil sa lugar namin, siga itong asawa ko. Marami siyang bodyguard, tipong Robin Padilla. Lalaking-lalake, Chang. Mahirap yatang maghanap ng lalaking p

