LucyKaytagal naman niya. Nasaan na kaya siya? Napakahaba ng maghapon, nakakapagod. Natapos na ang kahuli-hulihang ulong aking ginupitan sa maghapon. Pang-apat. Nabibilang ng mga daliri. Mamaya na ako magsasara ng parlor. Baka mayroon pang dumating o maligaw na parukyano. Pero pang-apat na sigarilyo ko na ito, wala pang napapasyal para magpa-manicure man lang. Padalang na nang padalang ang mga parukyano. Minsan naiisip ko, baka kulang sa promo. Haircut P35, with shampoo at gel. Malinaw na malinaw sa karatula. Parang ’yung mga tag price sa palengke. Pababaan. Mas mababa pa riyan, magsara ka na lang. O baka naman wala na sa uso ang mga style ko? Putah … kailangan na naman ng isang plakeng maisasabit sa dingding para masabing recognized ako sa bagong hair fashion. Hindi ko na sana siya ginal

