Pagkatapos ng dilim-2

2198 Words

Nakinig ako sa kanilang pag-uusap habang inilalabas nila ang mga armas. “Ka Jojo, dinig namin na may bata ka na raw at batang lalaki pati,” sabi ng isa. “Kailan ba namin makikilala ang nobyo mo, Ka Jojo?” nakangiting dagdag ng binata. “Oo nga naman, alam kong tiyak na mabait ’yun para mapaamo ka,” biro ng lola. “Siguro sa susunod na, malapit na kasi siyang bumalik sa Maynila,” pag-amin ni Jojo. “Sayang, gusto ko sana siyang makilala, kuya,” sabi ng dalaga. “Hoy, ano ba kayo, di ba ninyo nakikita na kanina pa namumula si Ka Jojo? Tigilan na nga ninyo ’yang pagtatanong at tulungan ninyo ako rito,” pakunwaring galit na nakangiti ang tatang. “Huwag kayong mag-alala, makikilala n’yo rin siya,” sabi ni Jojo. Pagkatapos ay marahan akong tumayo at walang ingay nang nilisan ang loob ng guba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD