GeyluvI love you, Mike. ’Yun lang at hindi na siya nagsalita pang muli. Pigil-pigil ng umid niyang dila ang reaksiyon ko sa kaniyang sinabi. I love you, Mike. Nagpaulit-ulit ang mga kataga sa aking diwa. Walang pagkukunwari, ngunit dama ang pait sa bawat salita. Natunaw na ang yelo sa baso ng serbesa, lumamig na ang sisig, namaalam na ang singer, pero wala pa ring umiimik sa aming dalawa. Mag-aalas-tres na, uwi na tayo. Miss, bill namin. Hanggang sa marating namin ang apartment n’ya. Wala pa ring imikan. Kaya ako na ang nauna. Tuloy ba ang lakad natin bukas sa Baguio, Benjie? Oo, alas-kwatro ng hapon, sa Dagupan Terminal. Good night. Ingat ka. Are you okay, Benjie? Wala ni imik. Are you sure you don’t want me to stay tonight? Don’t worry, Mike. Okay lang ako. Okay. Good night.

