Geyluv-2

1961 Words

So, noong una, sabi ko, wala namang masama kung magiging magkaibigan kami. Nasa sa akin na ang problema kapag nahumaling na naman ako sa lalaki. Madalas kaming lumabas, lalo na after office hours at during weekends. Manonood ng sine, kakain, iimbitahan ko siya sa apartment for beer o kapag may niluto akong espesyal na ulam o kaya’y nag-prepare ako ng salad. Kapag umuwi ako sa Los Baños para umuwi sa amin, sumasama siya minsan. Na-meet na nga niya ang mother ko. Nagpapalitan din kami ng tapes at siya ang nagtuturo sa akin ng mga bagong labas na computer programs. So, okay lang. Pero unti-unti, di na lang tapes at salad o computer programs ang pinagsasaluhan namin. Aba, at may ka-dramahan din sa buhay itong si Mike. Ang dami pa raw niyang gustong gawin sa buhay na parang di niya kayang tupa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD