“GOOD morning!!!” panggigising nina Denver sa kanila. Pinasok sila nito sa kuwarto at doon kinalampag ang mga kagamitan sa kusina. Pupungas-pungas na bumangon sila nina Myla. Isang linggo na ang mga ito sa bahay niya. Si Vanessa, Mervie, Myla ang kasama niya sa kuwarto, at sina Stephen, Denver at Ken naman ay sa sala natutulog dahil isa lang naman ang kuwarto sa bahay niya. Mabuti nga at madaling nagkasundo ang tatlong lalaki dahil kilala niya si Stephen, masiyadong mailap din pero mukhang napalagayan naman nito ng loob ang dalawa. Madalas ding dumalaw sina Mari Lu dahil hindi naman daw puwedeng mag-over night din ang mga ito dahil istrikto ang parents niyon at may inaasikaso din naman sina Keith. “Ang ingay-ingay n’yo!” sigaw ni Mervie sa mga ito. “Tanghali na po! Handa na ang pagkai

