KINABUKASAN ay nagising si Gabriella kay Tobi, dinidilaan nito ang mukha niya. Umupo siya at binuhat ito. “Ang gulu-gulo mo,” aniya at inilibot ang paningin. Nangunot ang noo niya nang makitang wala na sina Mervie sa higaan. Himala at hindi tinanghali ang mga iyon. Bumaba na siya at hinanap ang mga ito, ngunit wala ang mga kaibigan sa bahay. Napabuntong-hininga siya, mas lalo yata siyang malulungkot ngayong kaarawan niya. Dumiretso siya sa kusina pagkatapos ayusin ang sarili. Naabutan niya ang mga pagkaing nakahanda na. May nakita siyang note na nakadikit sa pinto ng fridge, nilapitan niya ito at binasa. "Gab, siguro naman gising ka na. Pasensya na at hindi ako nakapagpaalam, kinailangan kong sunduin ang parents ko sa airport." —From MasterDenver Napangiti siya pagkatapos ay binasa p

