bc

The Mythic God [Vol:1 Beginning]{COMPLETED}[-TAGALOG-]

book_age18+
1.8K
FOLLOW
5.9K
READ
system
powerful
bxg
sword-and-sorcery
magical world
superpower
rebirth/reborn
supernatural
war
like
intro-logo
Blurb

GENRE: Fantasy/Action/Adventure

Sa mundo na puno ng kaguluhan

Mundo na may digmaan at kapangyarihan ito ang mundo na walang silbi ang mga mahihina sapagkat malalakas lang ang nag tatagumpay.

Maging ang mga diyos ay mayroong di pagkakaunawaan dahil sa labis na kapangyarihan.

Pero isang nilalang ang nagmula sa ibang mundo at ito ang mag mimitsya ng kanilang pagbagsak dahil sa kakaiba nitong kapangyarihan

At mayroon siyang isang misyon, ang bumuo ng bagong mundo, payapa at walang gulo at para makamit niya ito ay dapat niya munang makamit ang titulong Mythic God.

chap-preview
Free preview
Chapter I. Mythic Being
SA isang silid mula sa kasalukuyang kabihasnan ay makikita ang isang binata na malayo ang tingin mula sa isang salamin sa gilid ng silid. Ang binatang ito ay mayroong puting buhok at asul na mga mata. May matangos na ilong, at mapungay na mga mata. Sa taglay palang nitong itsura ay maraming mga babae ang nag kakandarapa sa binatang ito. Ang binatang ito ay si Zuki Takigawa, labingwalo taong gulang na at kasalukuyang unang taon ng kaniyang buhay kolehiyo. Ang binatang si Zuki ay klase ng tao na tahimik, at palaging nakikinig sa kaniyang mga aralin ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay hindi siya mapakali. Natapos ang klase na hindi siya nakapakinig ng aralin dahil may gumugulo sa kaniyang isipan. “Bakit? Ganun!” tanong ng binata sa kaniyang sarili, nagsimula itong maglakad ng siya nasa hallway ay marami ang kababaihan ang tila kinikilig ng makita siya. Hindi niya pinansin ang mga ito kaya naman nalungkot ang ilan sa mga babae dahil hindi sila pinansin ng binata. Ang binata ay patungo sa isang silid pagpasok niya sa loob nito ay ang mga gaya niyang kabataan na may kaniya kaniyang hawak na espadang kahoy. Ang silid na ito ay isang Dojo kung saan ay nag-aaral siya sa pag gamit ng sandata. “Oh? Bata, nandito ka na!” Tuwang-tuwa bati ng isang lalaking may katandaan ang edad. “Sir! Kailangan ko po ng tulong n’yo,” Sabi ng binata kaya naman nagtaka ang guro niya. Ngayon lamang siya hiningian ng tulong ng kaniyang pinakamagaling na estudyante. “Ano ba ang problema mo?” tanong ng guro nito. “Kailangan ko po ng isang laban, sa huling pagkakataon” mahinang sabi ng binata na ikinagulat naman ng guro niya. “Bakit naman huling pagkakataon, dalawang taon ka palang mula ng ikaw ay maging estudyante ko sayang kung aalis ka” Sabi ng guro niya at tumingin sa binata. “Hindi ko po masasagot ang iyong katanungan aking guro!, ngunit hinihiling ko po na makalaban ka sa huling sandali” Sabi ng binata kaya naman pati ang ibang mga mag-aaral ay napatingin sa kanila ng kaniyang guro. “Si guro at si senior!, mag lalaban bakit kaya?” Tanong ng isang estudyante. “Hindi ko alam, pero mukhang mamamaalam na si Senior!” Malungkot namang sagot ng isa pang estudyante. Nagtungo ang binata at ang kaniyang guro sa gitna ng intablado at sa paligid nito ay makikita ang ibang mga mag-aaral na handa nang manood ng magaganap na laban. Ngayon lamang sila makaka-saksi ng tunay na laban. Laban ng dalawang magaling sa larangan ng espada. :Lumipas ang ilang sandali: Natapos ang laban sa hindi inaasahang atake mula kay zuki takigawa ang kaniyang kakaibang estilo sa paglaban ang kaniyang ginamit upang manalo. Kasalukuyan ay nag lalakad papasok sa isang pamilihan ang binata. Bumili siya ng mga mai-imbak na pagkain na kakailanganin sa araw-araw kasama sa kaniyang talaan lingo-linggo ang pamimili para mayroong silang imbak ng kaniyang tiyo. Nag bayad ang binata sa kahera at agad umalis sa pamilihan. Nagtungo ang binata sa isang madilim na eskinita dahil may naramdaman siyang nakatingin sa kaniya at hindi siya komportable sa mga tingin nito. Sa napakalayong lugar ay makikita ang isang babae na pinagmamasdan ang isang binata, ang binatang pinagmamasdan ng babae ay walang iba kundi si Zuki. “Ikaw? Ikaw na nga ang nararapat!” Sabi ng babae at sa isang kisap mata ay mayroong malaking Simbolo ang lumabas sa pader sa kaniyang likuran. "Kailangan na kitang dalhin Zuki Takigawa" Sabi ng babae at dinikit ang kaniyang kaliwang kamay. “Reincarnate Summoned!” Sabi ng babae at ang simbolo sa pader ay nag liwanag. ..... Nang nasa madilim na parte na ng iskinita ang binata ng may naramdaman siya na may sumusunod sakanya kaya naman naging mabilis ang paglalakad niya. May inilabas siyang maliit na patalim at kayang kaya nitong makahiwa. Pinasadya niya ito panlaban sa mga magnanakaw at iba pa. Nakarating siya sa nag iisang ilaw dahil sa sobrang dilim ng lugar at maya maya pa ay may narinig na siyang tunog ng isang kutsilyo. “Bata? Holdap ito! Ibigay mo lahat ng pera at gamit mo” Sabi ng isang lalake at medyo may katangkaran ito. “Tsk!” napa-tiim bagang siya ng marinig ang sinabi ng lalake. Ang kaniyang mga ipina-mili ay para sa kanila ng kaniyang tiyuhin at ang perang dala niya ay ang pang isang buwan niyang baon. At ang mga gamit ay pinag hirapan ng kaniyang tiyuhin upang maibili siya ng mga ito. “Hindi maari!” Sabi ng binata kaya naman ngumisi ang lalake habang hawak-hawak ang dala nitong kutsilyo. Inihanda ng binata ang kaniyang sarili, inilabas niya ang kaniyang dala-dalang patalim. Nang Makita naman ng lalake ang paglalabas ng patalim ng binata ay pinag-masdan niya ang mukha ng binatilyo, hindi niya akalain na ang binatang ito ay may dala-dalang sariling sandata. Hinawakan ng maayos ng lalake ang kaniyang kutsilyo at ngumisi na parang demonyo sa binatilyo. sinugod ng lalake ang binata gamit ang dala nitong kutsilyo kaya naman iniwasan ito ng binata, at sinuntok niya ito sa mukha. Medyo napalakas ang pagtama ng suntok ng binata kaya naman may lumabas na dugo sa ilong ng lalake. “Tsk! Matigas kang bata ka ah!” galit na sigaw ng lalake at bigla nalang ito sumipol. Senyales na meron itong mga kasama. “lagot? May mga kasama siya!” Sabi ng binata at kaagad siyang tumakbo paalis kasama ang mga pinamili niya. Nakalayo na siya ng mahigit tatlong kilometro at nasa kalsada na siya nang may biglang may isang malaking truck ang walang preno ang papunta sa binata. Iilag sana ang binata pero huli na ang lahat tumilapon ang katawan ng binatilyo at tumama ang katawan niya sa mga barikada na naroroon. Nagulat ang mga nakakita sa pangyayaring iyun, hindi nila akalain na mayroong trahedya ang magaganap. “Tumawag kayo ng ambulansya!” Sigawan ng mga taong nakakita ng aksidente. Nakita nila ang kalunos lunos na sinapit ng binatilyo at halos nagkabali-bali ang katawan nito dahil sa truck ng tumama ito at naging sanhi ng pagtilapon nito. Ang truck na naka-sagasa sa binata ay ang walang habas na ina-raro ang mahigit sampung sasakyan at may iba pang binawian ng buhay. Mabilis naman na nalaman ang pagkaka-kilanlan ng binata at nalaman nila na ito ay si Zuki Takigawa. Sa isang lugar naman kung saan maraming naglalakihang mga puno at mga halaman at may masarap na simo'y ng hangin, ang hangin na ito ay napaka-sariwa. Sa liblib na bahagi ng kagubatan ay makikita ang isang binatilyo na nababalutan ng puting liwanag, ito ay sa gitna ng masukal na kagubatan. “Hmm? Ahhh!!” umalingaw-ngaw ang sigaw ng binatilyo ng ito ay magising, napatulala ito sa gitna ng masukal na kagubatan. Sa kaniya namang isipan ay inaalala ang mga nangyari sa kaniya ang pagbangga ng malaking truck sa kaniya na naging sanhi ng kaniyang kamatayan. Nakaramdam siya ng masakit sa kaniyang katawan. Napatingin ang binata sa kaniyang damit, nakita niya ang marumi niyang uniporme dahil sa pag-tilapon niya ng mabangga siya ng truck. Whoosssssh!!!! Malakas na simoy ng hangin ang nagpabalik sa riyalidad ng binata. Nagtaka siya ng Makita niya ang matatayog na puno sa paligid at napahawak siya sa damo na kaniyang inuupuan. Napatayo ang binata ng makita niya ang magandang tanawin, mayroon mga nag tataasang puno at damo at ibat-ibang uri ng bulaklak. “Nasaan ako!” Tanging nasabi nalang ng binata dahil sa naguguluhan siya, hindi niya alam kung nasaan siya. Napatanong nalang siya sa kaniyang sarili kung nasaan na siya. “Nasa langit na ba ako?” tanong binata sa kaniyang sarili naglakad-lakad ang binata sa gitna ng kagubatan at maya-maya lamang ay may narinig siyang yabag ng mga paa. Nagtago ang binata sa malaking puno na nasa kaniyang harapan. Naririnig niya ang mga yabag na iyun, sumilip siya sa haligi ng puno ng may nakita siyang nilalang. At ang nilalang na ito ay may taas na 7'3 metro at kulay berde ang balat at malaki ang katawan nito at may malaking pang armas na hawak-hawak. hindi siya pwedeng mag kamali ang nilalang na ito ay isang Orc. Nagtago muli ang binata at inalala ang kabuohang itsura nito. “s**t! Pa-paano? Paanong may Orc sa gubat na ito.” Tanging nasabi ng binata hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Naalala niya ang mga napapanood niyang pelikula tungkol sa mundo ng fantasya at may nabuo na siya kaagad na konklusyon. “s**t! Napunta na ba ako sa ibang mundo.” Nasabi nalang ng binata dahil sa sobrang gulat. Inalala niya rin ang mga nagaganap sa mga pangunahing karakter sa mga pelikula na kaniyang napapanood. Sinubukan ng binata na mag pokus at mayroon letrang lumabas sa kaniyang isipan. “Status!” mahinang sabi ng binata at mayroong mga letra ang nalang lumabas sa kaniyang harapan. Para itong hologram mula sa hinaharap kung titingnan. Binasa ng binata ang nakasulat sa maliit na hologram.   Name: Tsuki Age: 18 Race: Mythic Demon Tittle: Mythic Being -------------------------- Level: 1/50 Hp:800,000 Mp:550,000 Atk: 200,000 Def: 400,000 Agi: 150,000 MRES: 250,000 ------------------------- [Skill] Mythic's Eye Hp recovery (Max Lvl) Mp recovery (Max Lvl) Dark bullet Dark Flare Dark fist Blade's Fall --------- Nagulat ang binata sa kaniyang nabasa. Ang kaniya lamang inaasahan na nilalaman ng kaniyang istado ay mababa subalit ito ay kabaligtaran. Sapagkat ang mga nakasulat sa hologram na ito ay tinataglay ng mga makapangyarihang indibidwal. Nagkaroon ng kompyansa sa sarili ang binata. Tumingin siya sa pwesto kung saan niya nakita ang Orc at nagulat siya ng Makita niya ang malaki nitong mata na nakatingin mismo sa kaniya. Naalarma ang binata ng makita niyang tumakbo palapit sa kaniya ang Orc. Napatakbo ang binata papalayo, hindi niya akalain na makikita siya nito. Napatingin ang binata sa kaniyang likuran at nagulat siya ng makita ang armas nito na ihahampas na sa kaniya. Dumagundong sa pwestong iyun ng kagubatan. Ang atake ng Orc ay tumama sa lupa, ang lupa na tinamaan ng atake nito ay nagkaroon ng mga bitak. Naalarma ang binata ng makita niya ang pinsalang nagawa ng paghampas ng Orc sa lupa. Mabuti nalang at nagawa niyang makailag sa atakeng iyun ng halimaw, Lumayo ang binata sa pwesto ng Orc, nagtago siya sa likod ng malalaking mga puno nag isip siya ng maaari niyang gawin. Naghanap ang binata ng gamit sa kaniyang bulsa at sa kasamaang palad ay wala itong laman. Naalala niya na kasama niyang tumilapon ang kaniyang pinasadyang patalim. Mapapakinabangan niya sana iyun sa ganitong pagkakataon subalit wala na iyun ngayon sa kaniya. Nag-isip siya ng mabuti, ang ginagamit na kapangyarihan ng mga nilalang kapag sila ay nakikipaglaban. Inaalala niya ang impormasyon na kailangan niya. Ipinikit ni Zuki ang kaniyang mga mata. Inisip niya ang pagpapadaloy ng enerhiya sa kaniyang katawan. Ang kaniyang mga binti ay kaniyang pinatigas, at ang kaniyang mga braso ay inayos niya ng pwesto pinag-pantay niya ito at humihop ng sariwang hangin. Sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng pagdaloy ng enerhiya sa kaniyang mga ugat. Ang enerhiyang iyun ay lumabas sa kaniyang katawan, iminulat ng binata ang kaniyang mga mata at patalingin sa kaniyang katawan na nababalutan ng enerhiya. Ang enerhiyang iyun ay mabilis na dumaloy sa katawan ng binata, tila gumaan ang kaniyang pakiramdam. Naglakad siya palabas sa kaniyang pinag-tataguan. Tiningnan niya ang Orc na patuloy siyang hinahanap ito na ang kaniyang pagkakataon. Ito ang unang beses na sasabak siya sa ganitong uri ng pakikipag-laban. Mabilis na tumakbo ang binata pasugod sa Orc inihanda nito ang kaniyang unang atake. Inipon niya ang kaniyang enerhiya sa kaniyang kamao. Palapit na siya sa Orc ng bigla na lamang itong humarap sa binata at bigla itong ngumiti. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at makikita ang pag dipensa ng Orc sa atake ng binata. Ang lupang kinatatayuan nila ay nagkaroon ng kaunting bitak. Hindi naman makapaniwala ang binata sa tindi ng impact dahil nagkaroon pa nang pagsabog noong tumama ang kaniyang atake sa Orc. “Ikaw? Tao! Ma-mamatay dito!” sabi ng Orc at ang armas nito ay nabalutan ng pulang enerhiya. Nang makita naman iyun ng binata ay kaagad siyang umiwas paatras. Inipon niya ang kaniyang enerhiya sa kaniyang kaliwang kamay. Sa dulo ng kaniyang mga daliri ay may limang itim na aura ang lumitaw, nang makita ng Orc ang pag-iipon ng enerhiya ng binata ay agad niya itong inatake, ang itim na aura na ito ay gumuguhit sa ere sa tuwing umiilag ang binata kumikilos na parang sumasayaw sa hangin ang binata. Hindi alam ng binata ang kaniyang mga nagagawa basta ang nasa isip lamang niya ay tanunin ang kaniyang kalaban. Nagkakaroon ng mahihinang pagyanig sa pinag-lalabanan ng dalawa. Ang mga atake ng Orc ay balewalang naiilagan ng binata. Ang dahilan kung bakit madali niyang naiilagan ang atake ng Orc ay dahil sa laki nito at bagal ng pag wasiwas sa hawak nitong sandata. Ang sandata nito ay isang malaking pamalo na parang gawa sa matigas na uri ng kahoy. Samantala ang itim na enerhiya na iniipon ng binata ay nakahanda na. ang itim na aura sa kamay ng binata ang siyang makikita roon. Nang makita iyun ng Orc ay mukha itong nagalit. Ipinalo nito ng ipinalo ang armas nito sa lupa. Nag kabitak-bitak ang lupa at umaangat ang ilang tipak nito sa ere. Subalit nagulat ang binata sa sunod na ginawa ng Orc. Ang mga tipak ng lupa na umangat sa ere ay mabilis nitong hinampas at ang mga tipak ng lupa na iyun ay patungo ngayon sa binata. Napatakbo ang binatilyo hindi pa niya nais mamatay. Kung hindi niya naiwasan ang unang tipak ng mga lupa ay tiyak na nagtamo na siya ng mga sugat. Naramdaman niya na mayroong paparating at nakita niya ang Orc na mabilis na tumatakbo patungo sa kaniya. Nabigla siya dahil wala na ang armas nito na sanhi ng pagbagal ng kilos ng kaniyang kalaban. Tumakbo ng mabilis ang binata nang paikot-ikot sa mga malalaking puno. Nililito niya ang kaniyang kalaban. Ang binata ay mas pinabilis ang pagdaloy ng enerhiya sa kaniyang katawan. Ang kaniyang katawan ngayon ay nababalutan ng puti at asul na aura hindi niya alam kung bakit pero isa lang ang kaniyang alam. Kaya niyang pabagsakin ang halimaw na Orc na iyun. Ang itim na aura sa kaniyang kaliwang kamay ay mas lumaki ang enerhiya nito ay mas lumalakas habang tumatagal. Nararamdaman iyun ng binata sapagkat ang kaniyang kaliwang kamay ay nagkakaroon na ng lapnos dahil sa tindi ng kaniyang iniipon na enerhiya. Ipinag-patuloy niya ang kaniyang pag-ikot sa mga naglalakihang puno. Habang sa gitna ng mga naglalakihang mga puno ay naroroon ang Orc at pilit na hinahanap ang binata. Ilang minuto ang lumipas ay nakaramdam na ng pagkahilo ang Orc doon na nga nagkaroon ng pagkakataon ang binata. Ang itim na aura na kanina pa niya pinipigilan ay mailalabas na niya sa wakas. Tumakbo siya ng mabilis at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng Orc habang ang kaniyang kaliwang kamay ay nakatutok sa nahihilong Orc. “Dark Element!! Dark Bullets!!” sigaw ng binata at ang kaniyang limang daliri na nababalutan ng itim na aura ay biglang humiwalay sa kaniyang mga daliri ang itim na aura na iyun ay naging tila Bala ng enerhiya na anumang sandal ay tatama na sa katawan ng walang kalaban laban na Orc. “Fire!!!” sigaw ng binata at sa isang iglap ay limang malalaking butas ang nilikha ng kaniyang atake sa katawan ng Orc. Bumagsak sa lupa ang Pugot na Ulo ng Orc at ang katawan nito na nakahandusay narin sa lupa. Bumulwak ang sariwa nitong dugo sa lupa. Nang makita ng binata ang epekto ng ginawa niyang atake ay namangha siya. Subalit ng tingnan niya ang kalunos lunos na sinapit ng Orc na kaniyang napatay ay bigla nalamang siya nasuka. Lumipas ang ilang minuto ay huminto na ang kaniyang pagsusuka. Ng mga sandaling iyun ay napatingin siya sa biglaang paglitaw ng hologram may nakita siyang nakasulat sa mga ito, tiningnan ko ang experience points ko at halos 237/1000 palang ito. Nagtaka ang binata sa baba ng nakuha niyang experience points. Samantala’y maganda naman ang kaniyang ipinakitang laban. kaya naman naisip niya na mag hanapnpa siya ng mga makakalaban niya. At bago iyun ay pinulot niya ang ulo ng Orc at inilagay iyun sa kaniyang inventory. May lumabas na hologram sa kaniyang harapan at itinutok niya lang ang ulo ng Orc at sa isang iglap ay naglaho iyun. Pero ang dahilan noon ay nasa loob na iyun ng kaniyang inventory. Nag lakad-lakad ang binata hanggang sa may makita siyang mga Goblins at may tatlong malalaking orc. Inihanda niya ang kaniyang sarili dahil umatake agad ang mga goblin at orc ng makita siya ng mga ito. Inisip niya na mag pakawala ng Mga dark bullet at mayroong lumabas na mga Bala na nababalutan ng itim na enerhiya. Pinakawalan niya ito at pinatamaan ang mga pasugod na goblins. May mga malalakas na pagsabog ang nangyari dahil sa atakeng iyun ng binata. Mabilis namatay ang mga goblins at ang mga orc naman ay mas bumilis ang pagtakbo pasugod sakanya. Agad siyang sumugod at binabalak umatake gamit lang ang pisikal na lakas. Agad may paparating na pamalo sa kaniya pero agad niya yung iniwasan at mabilis siyang napunta sa likod ng Orc at sinuntok ang Ulo nito. Agad tumilapon ang Orc at namatay rin dahil halos wasak na wasak ang bungo nito. Nakita niya naman ang itsura ng dalawang orc. galit na galit ang mga ito kaya naman agad silang umatake sa binata. Agad nabalutan ng enerhiya kamao ng binata at mabilis na kumilos at sa isang iglap ay nasa itaas na siya ng mga ito at umatake. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at makikita ang malakas na pwersa ng suntok ng binata sa dalawang Orc. Halos mawasak ang katawan ng dalawa. Napangiti ang binata ng lumabas sa hologram ang kaniyang pinaka-hihintay nag level up na siya. ---------- Name: Tsuki Age: 18 Race: Mythic Demon Tittle: Mythic Being -------------------------- Level: 2/50 Hp:850,000 Mp:600,000 Atk: 210,000 Def: 410,000 Agi: 160,000 MRES: 260,000 ------------------------- ------- [Skill] Mythic's Eye Hp recovery (Max Lvl) Mp recovery (Max Lvl) Dark bullet Dark Flare Dark fist Blade's Fall Blue Flame   Lalong natuwa ang binata dahil may bago nanaman siyang skill na tiyak kaniyang magagamit sa pakikipaglaban. Nag lakad ang binata ng may makita siyang parang karwahe kaya naman naglakad siya palapit duon ng makita nya ito ng malapitan ay may sampung bandido at may limang kabalyero ang nakikipag-laban sa kanila at may dalawang salamangkera na malapit sa magarang karwahe. Nagtago ang binata nang mga sandaling iyun. Nagtago ang binata sa isang malaking puno malapit sa pinangyayarihan ng kaganapan, nakikita ngayon ng binata ang mga nangyayari. “Ano? Ang kailangan n’yo sa mahal na Prinsesa!” Sigaw ng tumatayong pinuno ng mga kabalyero. Ang kabalyero na ito ay ang may pinaka-malakas na enerhiya sa lahat ng kabalyero. “Mabuti pa? Umalis ka nalang mahinang knight dahil saamin mapupunta ang prinsesa.” Sabi ng isang lalake na may peklat sa mukha at dahil sa kasuotan nito ay mukhang siya ang tumatayong pinuno ng mga bandido. “Kung ganun? Dadaan muna kayo sa bangkay ko! bago ninyo makuha ang mahal na prinsesa.” Sabi ng pinuno ng mga kabalyero at nagsimula muling sumugod sa mga bandito….    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.0K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook