(Pagseselos) Chapter 19 THIRD PERSON POV. Sa pagyakap ni bella kay giovanni, halos mapigilan ng binata ang kanyang paghinga. Alam ni giovanni sa kanyang sarili kung gaano kalaki ang epekto ng dalaga sa kanya. Ang sistema nito ay tila ba nagwawala ngayon dahil sa kamay nitong nakayakap sa kanya. Marahan na napalunok si giovanni habang dinadama nito ang yakap ng dalaga. Hindi man ito ang unang beses na may yumakap sa kanya ngunit ang nararamdaman niya ngayon ay kakaiba. Sa dami ng babaeng yumakap dito, si bella lamang ang may kakayahang patigilin siya. Ang paghinga nito ay napakabigat, ang puso niya‘y napakabilis na para ba‘ng hinahabol siya. Nais man nitong alisin ang kamay ng dalaga, hindi niya iyon magawa. Bumigat na kasi ang pagkakayakap nito na para ba‘ng malapit na siyang makatulog
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


