Chapter 18

2507 Words
(Sorry) Chapter 18 Giovanni Pov. Dahil hindi ako sanay na hindi kinakausap ni bella, para ba‘ng nalulungkot ako. I can‘t explain my dvmn feelings right now, i know she‘s mad because of what i said earlier. Ngunit hindi ko naman inaasahang magdaramdam siya ng ganoong kabilis. Noon naman ay ayos lang sa kanya kahit pagsabihan ko ito. Kahit anong sabihin ko ay hindi siya nag-rereklamo. Pero ngayon, dvmn. May isip na siya, marunong na itong magtampo. Hindi ko inaasahan na mabilis siyang magbabago, but this is good. Atleast nagkakaroon na siya ng improvement. Sana magtuloy-tuloy na. “Ayos lang ba ang tutor mo‘ng si carlo? Mukhang mabilis ka‘ng matuto sa kanya, sa tingin ko..” tumango si bella sa sinabing iyon ni lolo. Habang ako‘y nakaupo na sa pwesto ko, sa mismong harapan ni bella upang makuha ko ang atensyon niya. Ngunit wala talaga siyang oras para tumingin sakin, na kay lolo lang talaga ang buong atensyon nito. “Kaloy mabait po, gusto bella kaloy..” umismid ako, palihim lang dahil ayokong makita nila kung gaano ako ka-bitter sa lalakeng ‘yon. Kung ako lang ang masusunod, maghahanap talaga ako ng ibang tutor ni bella. “Ayos iyan, sinabi ko naman sayo. Mabait na tutor iyon si carlo, marami na siyang natulungang tulad mo..” “Opo, marunong magsalita kaloy, hindi sisigaw bella. Lagi ngingiti kaloy sakin..” hindi ko alam kung may kahulugan ba iyong sinabi ni bella. Pero para sa akin, natamaan ako. Pakiramdan ko pinapahatid niya sakin na hindi ako mabait, na lagi ko siyang sinusungitan o sinisigawan. Pero normal lang naman iyon para sakin, and besides. Nabawasan na at hindi na tulad ng dati. NATAPOS ang hapunan naming iyon ng hindi ako tinatapunan ng tingin ni bella. Naninibago talaga ako, dati kasi. Panay na iyan tanong sakin, kung ano-ano pa kahit walang kwenta. Kung dati ay bibigyan niya pa ako ng kahit anong pagkain sa plato ko, but now. She‘s different now. Galit ba talaga siya o nag-tatampo? “Bella..” sinubukan ko itong tawagin ng matapos si lolo. Nagpa-alam na kasi itong aakyat na, samantalang si bella ay tinatapos pa ang kanyang kinakain. Ngunit wala iyang pagsulyap sakin, wala din siyang imik at nakaka-bingi ang katahimikan sa paligid namin. “May problema ka ba?” muli ay hindi ako nakatanggap ng tugon mula sa kanya. Niligpit na nito ang pinag-kainan nito at madaling tumayo na hindi man lang sinasagot ang tanong ko. Matapos ‘non ay uminom siya at mabilis ng lumabas. Dahil sa kaguluhan nasa aking isip, hindi ko na napigilang sundan siya, nakita ko itong naglalakad sa sala na mukhang binabalak na niyang umakyat sa kanyang silid. Minadali ko ang paglalakad upang hulihin ang pulsuhan niya. Natigilan siya‘t napalingon sa akin. “Hindi ba‘t kinakausap kita?” nakatingin lang ito sa mukha ko, walang reaksyon. Walang imik o kahit na ano man. “Bakit hindi mo ako sinasagot? Galit ka ba?” “Bakit ako magagalit?” natigilan ako matapos niyang itanong iyon, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o sadyang naging tuwid talaga ang pananalita ni bella. “Nakapag-sasalita ka na ng maayos?” “Maayos naman salita bella di ‘ba? Hindi din galit bella..” nangunot ang noo ko bago pumaling ang aking ulo. Narinig ko talaga kanina na nakapag-salita siya ng diretso, pero bakit ganito ulit. “Then, why are you not talking to me? Bakit hindi mo ako pinapansin?” “Kailangan ba‘ng pansinin kita lagi?” muli ay natulala ako sa sinabi niya. Hindi na talaga ito guni-guni, nagsasalita na siya ng maayos. Pero bakit ngayon lang pag galit siya? “Hindi ka naman ganyan, lagi mo naman akong kinakausap. Pero ngayon, hindi mo ako pinapansin, may galit ka ba sakin?” nag-iwas siya ng tingin at ngumuso. “Gio ayaw tanong lagi, gio lagi galit pag kasama bella. Kaya hindi na papansin bella gio para hindi na galit gio..” Natawa ako. “Hindi ako galit, pinagsasabihan lang kita.” “Ayos lang, hindi mo naman talaga ako gusto. Noon pa man naiinis ka na sakin..” “Sh/t..” napamura ako ng isang beses, nagsasalita na talaga siya ng tuwid. “Pwede ba‘ng ulitin mo iyang sinabi mo, maayos na ang salita mo. Magaling ka na..” “Dahil tinuturuan kaloy bella magsalita kanina. At alam bella galit gio, marami bella napanood sa cellphone. Pag sisigaw isang tao, galit ito..” “No, hindi. Hindi ako galit.” “Alam bella galit gio, kaya iiwas na lang bella para hindi lagi galit gio. Hindi na lang kakausapin bella gio.” napapikit ako, umiling din ako matapos ko‘ng magmulat. “Ayos lang namang kausapin mo ako, hindi nga ako galit. Pagod lang ako kanina, huwag ka ng maging ganito..” “Anong maging ganito?” “Ang magalit, hindi ako sanay sa ugali mo‘ng iyan. Pwede ka ng magtanong, kahit ano, kahit ilang beses. Basta pansinin mo lang ako..” Tuluyan na siyang nangiti sa sinabi ko, kung ganon. Tama nga ako, galit siya dahil sa nangyari kanina. Dvmn it, hindi ko talaga kaya iyon, parang may kung ano sa buong sistema ko ang nanghihina. Bakit nagkakaganito ako? Alam ko na ang sagot, mismong sarili ko ay alam ko na kung bakit ako nagkaka-ganito. Pero may parte sa sistema ko na hindi iyon nais tanggapin, hindi ko alam. I can‘t explain why. “Hindi naman galit bella, tatampo lang bella dahil laging sisigaw gio.” “Yes, kaya humihingi na ako ng sorry sayo..” nangunot ang noo niya sa sinabi ko. “Sorry? Hihingi ka sorry bella? Wala man sorry bella, saan kukuha ‘yang sorry?” Napabuntong hininga ako. “Hindi, ang ibig ko‘ng sabihin. Humihingi ako ng tawad sayo.” “Tawad?” “Yes, sorry. Pasensya na, iyon basta..” “Hindi maintindihan bella..” Tumango ako. “Pag may nagawang mali ang isang tao, humihingi ito ng sorry. Pag sinabi iyon ng isang tao, dapat patatawarin na niya iyon..” “Patutuwarin gio dahil humingi ka ng sorry?” Kinagat ko ang labi bago umiling. “Patatawarin iyon..” “Bati na bella at gio ulit pag patutuwarin bella gio?” Napapikit ako, tumango na lang din ako upang hindi na siya magtanong pa. Ang mahalaga, maayos na siya. Bumalik na ito sa dati dahil hindi talaga ako sanay na ganoon ang trato nito sakin. “Maligo ka na, magbihis ka rin ng pantulog. Palitan mo iyang suot mo.” tumango siya sa utos ko, masyado kasing maliit ang suot nito. Hindi ko alam kung bakit nahilig siya sa mga ganong damit, at hindi ko rin alam kung bakit kinai-inisan ko iyon. Basta‘t pagdating kay bella, ayokong ganoon ang ayos niya, masyadong mahirap. MATAPOS nga ng pag-uusap naming iyon, naging maayos na ang paghi-hiwalay namin. Nagtungo siya sa kanyang silid habang ako ay dumiretso na sa kwarto ko. Pumasok ako sa loob ng banyo upang maligong muli, hindi ko alam kung bakit kailangan ko‘ng maligo kung kaliligo ko lamang kanina bago ako bumaba. Siguro‘y mga bente minutos lang ang itinagal ko sa loob ng banyo bago ako lumabas. Ngunit hindi ko inaasahang naroon si bella sa kama ko, nagulat ako at medyo napaatras. Kung may sakit lang siguro ako sa puso, baka kanina pa ako humandusay. “A-anong ginagawa mo dito?” dahil nga sa nagkaroon siya ng pagtatampo kanina, minabuti ko‘ng huwag siyang pagtaasan ng boses. Iba na ngayon si bella, sa ganoong kaisking panahon. Natuto agad ito, iniisip ko nga na napaka-talino niyang babae. “Bella tatakot sa bintana doon sa kwarto..” tumaas ang kilay ko, may towel akong suot. At iyon lang ang nakabalot sa ilalim ng katawan ko, wala akong suot na pang-itaas. Wala din sa ibaba at bukod tanging tuwalya lang ang nakatabing sa akin. “Bakit ka na naman natatakot? Don‘t tell me nanood ka na naman ng mga multo sa cellphone?” lumabi siya at hindi sumagot. Noong isang araw din ay ganito ang nangyari, hindi ko alam kung bakit tinuruan ni carlo na magcellphone si bella. Kung ano-ano na tuloy ang napapanonood niya sa youtube. “Multo lang nood bella eh, pero sa binrana. May maitim na tao, may pakpak..” tumindi ang pagkaka-salubong ng kilay ko. Maging ang buhok ko sa aking katawan ay nagsi-taasan. “Huwag ka‘ng magsasalita ng ganyan, bella. Sa panahong ito, wala ng manananggal, kaya‘t bumalik ka na doon sa kwarto mo..” maka-ilang beses siyang umiling, hindi nais sundin ang utos ko dahil sa mukha niya, bakas doon ang takot. Napalunok ako ng isang beses dahil muli ay sumagi sa isip ko ang sinabi niya. Seryoso ba siya? May nakikita ito sa bintana niyang may pakpak? “Dito na lang tutulog bella, ayaw ng bumalik bella doon. Baka kainin bella eh..” Napahilamos ako, she‘s not allowed to sleep her. Dvmn never! I'd almost tempting to touch her, myself killing his own sanity when she‘s on my side. Paano pa kaya kung makita ko siyang nakahiga sa kama ko? Baka tuluyan na akong mawala sa sarili, fvck. “Hindi, titingnan natin kung ano iyong sinasabi mo. Magbibihis lang ako..” Nakita ko ang pag-nguso nito ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. I immediately went on my cabinet to find my sleepwear. Pajama at puting tshirt ang hinagilap ko, doon na rin ako sa silid nagbihis habang pinapanood niya ako. Not that totally live, nakatalikod ako kahit sanay naman na akong nakahubad sa harapan ng maraming babae. But for her, kahit yata buong katawan ko ay nag-aalinlangan pa akong ipakita sa kanya. Pakiramdam ko, hindi dapat, hindi pa sa ngayon. Oh fvck this. Ano ba‘ng iniisip ko? “Ano iniisip gio?” nilingon ko si bella ng magtanong ito, pumaling ang ulo ko dahil iniisip ko kung nasabi ko iyon ng malakas? “W-wala, iniisip ko lang kung ano iyong tinutukoy mo‘ng may pakpak..” “Totoo kasi, may malaking pakpak sa bintana. Bakit pupunta gio doon? Hindi ba tatakot gio? Baka kainin gio doon..” “No, hindi mo ba alam? Ako ang pinaka-matapang na lalake dito. Hindi ako duwag, sa akin matatakot ang hayop na ‘yon o kung ano man ang nakita mo.” ngumiti siya, kumislap ang mata nito na para ba‘ng kay bilis lang niyang humanga sakin. “Talaga? May powers gio? Ano gagawin gio doon?” napangiwi ako. “Wala akong ganon, malakas lang ako. Matapang at guwapo. Iyon lang ako..” Tumango-tango ito, para ba‘ng naintindihan niya agad ang sinabi ko na walang pagtutol na nangyari. “Bakit hindi na lang kasi dito tulog bella? Tatakot bella doon eh. Baka may babae doon sa ilalim ng kama..” “Oh fvck, why are saying that thing? Hindi mo dapat sinasabi iyan pag gabi na..” “Akala ko ba matapang gio?” “Yes, m-matapang nga ako..” napamura ako sa aking isip, bakit ba ang kulit ng babaeng ito? Ang hilig niyang magsalita ng mga bagay na hindi dapat sinasabi. “Hindi ka kasi maaaring matulog dito, alam mo. Mas delikado ang narito ka, dahil tiyak na makakain ka dito.” nangunot ang noo niya, halatang may itatanong pa ito ngunit tinalikuran ko na siya. Lumabas na ako at tinahak ang silid niya. Alam ko‘ng nakasunod siya sakin kaya‘t hindi na ako nag-alinlangang pumasok sa kanyang silid. “Sabi sayo, may pakpak..” nangunot ang noo ko, sarado naman na ang veranda niya. Maging ang pinto nito at kurtina ay nakababa na, ngunit may anino nga doon na parang pakpak ng kung ano. And i realize, it‘s just a bat. Paniki lang iyon na nagbibigay ng malaking anino dahil sa sinag ng buwan, lumalaki nga iyong pakpak niya dahil nagrereflect sa liwanag nito. “Paniki lang iyan, hindi ka niyang kakainin..” ngumuso siya, hindi ito sumagot dahil nga halatang takot siya kahit na ano ma‘ng sabihin ko. Napabuntong hininga ako, hinawi ko ang kurtina at binuksan ang pinto ng veranda. Tuluyan ko ng pinaalis iyon upang hindi na mang-gulo pa ang babaeng ito. Matapos ‘non, muli ko‘ng isinara ang veranda. Naglaho na nga ang bagay na kinakatakutan nito kung kaya‘t medyo naging maayos na ang kanyang mukha. “Matulog ka na, wala na ‘yon. Hindi na iyon babalik..” umiling siya. “Pwede dito tulog gio? Tatakot pa rin bella..” napabuntong hiningang muli ako, kinagat ko ang labi bago umiling. “Hindi, hindi pwede.” “Sabi gio pwede tulog dito. Sabi gio pamilya lang papasok kwarto bella, bakit hindi pwede?” “Dahil iyon ang sinabi ko..” “Tatakot bella, baka bumalik yon eh.” napapikit ako bago mapahilamos sa aking mukha, kalaunan ay tumango ako ng walang kasiguraduhan. Siguro‘y aalis na lamang ako mamaya sa oras na makatulog siya, yeah. Iyon nga ang gagawin ko, matutulog lang naman siya. Bakit ba hindi ko pa ito pagbigyan? “Okay fine. Mahiga ka na, dito lang ako sa gilid. Hihintayin kitang matulog.” Bigla‘y umusbong ang ngiti nito sa labi. “Dito tutulog gio?” “Yes, mahiga ka na.” Dahil sa sinabi ko‘ng iyon, mabilis na nga itong nahiga sa pwesto niya. Safe naman na ako dahil nakapantulog ito, may suot siyang pajama at blouse na simple lang. Dahil nga‘t nasabi ko‘ng matutulog ako dito, nahiga na ako sa gilid niya. Medyo naka-distansya sa kanyang katawan dahil ayokong magkadikit kami. Ngunit biglaan na lamang siyang naupo sa kama, itinaas nito ang suot niyang blouse upang kalasin ang hook ng bra niya sa likod. Ang mga mata ko‘y literal na nanlaki, hinubad nito ang bra at itinabi sa gilid ng unan niya. Dahil sa ginawa niyang iyon, ang mga tuktok ng dibdib nito‘y bumakat sa suot niyang damit. Napalunok na napa-iwas ako ng tingin, ngayong gabing ito. Sampong beses akong magdarasal upang hindi magkasala. Sana‘y iligtas niyo po ako. “Sabi yaya glor, bawal magsuot ng bra pag-tutulog. Kasi magkaka-sakit babae eh..” Wala sa sariling tumango ako, hindi ko na siya tiningnan. Hindi ko na ito titingnan. “M-matulog k-ka na...” tumalikod na ako at hindi na nais pa‘ng humaba ang usapan, ayoko na rin naman ng magtagal dito. Sana ay makatulog siya agad at ng makalabas na ako. Dvmn, i can‘t imagine this before. Bakit humantong ako sa ganitong kapalaran? Ipipikit ko sana ang aking mata upang kumalma saglit, but i feel her hands on my side. Niyakap niya ako habang nakatalikod na siyang naging sanhi upang manigas ang katawan ko. ******** To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD