(Flashback)
Third Person Pov.
Naipaghanda ni yaya glor ng pagkain ang babaeng nakilala ni giovanni sa lansangan. Ngunit gaya lamang ng ikinilos niya kanina kung paano siya kumain, ganon pa rin iyon at walang pinagbago. Nakakamay pa rin siya ngunit hinayaan na siya ng matanda dahil malinis naman na ang kamay nito, isang pritong isda ang ulam niya. Dahil hinuli nito ang isda kanina sa aquarium, iniisip ni yaya glor na baka gusto niya ng isda.
Hindi nga siya nagkamali dahil naubos nito ang pagkain niya, hindi nakakapagsalita ang dalaga. Ngunit nakakaintindi naman ito kahit papaano, ilan taon na siyang naninirahan sa kalsada, ang mga magulang niya ay namatay mula sa paglubog ng barko. Isang taong gulang lamang siya noon, nasagip siya ng ilang pulis at idinala sa bahay ampunan, ngunit ng umabot ito sa dalawang taong edad. Nasunog ang kinaroroonan niyang bahay ampunan, hindi pa ito natutong magsalita ng muli ay mapasa siya sa mga madre. Naging trauma ang pagkasunog ng bahay ampunan sa kanya, kung kaya't kahit tinuturuan siyang magsalita ng mga madre ay hindi ito natututo.
Hangga sa umabot ang edad niyang sampong taong gulang. Sinama siya ng mga madre upang mamalengke, ngunit nawalay siya sa mga ito at may masasamang sindikato ang kumuha sa kanya. Ang mga lalakeng iyon ay inuutusan silang maglimos sa lansangan, halos tatlong taon itong naging alipin ng mga sindikato.
Sa edad na trese anyos, sumakay siya ng jeep upang doon maglimos ng barya. Ngunit ang nasakyan nitong jeep ay patungo sa probinsya at mag-aattend lamang ng reunion. Dahil hindi ito makapagsalita, hinayaan na lamang siya ng mga taong nakasakay roon na isama siya.
Napadpad ito sa bayan ng concepcion, nakatakas siya sa gropu ng mga sindikato na kinabibilangan niya. Ngunit iniwan lang siya ng mga taong nakasama nito sa jeep kung kaya't naging palaboy lamang siya.
Sa edad na disi nuebe, namuhay siya ng mahabang taon sa lansangan. Nakakaraos naman sa pagkain at nakapag-didiskarte siya ng damit kung saan kinukuha lang niya iyon sa mga nakasampay.
Fiesta sa bayan ng concepcion, petsa bente singko. Dahil nagsasaya ang buong tao sa lungsod, natutuwa ang dalaga na panoorin ang mga nagsasayaw na street dancers. Kada taon ay idinaraos ang kasiyahang ito, masaya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Pumapalakpak ito habang may distansya sa mga tao, wala pa rin kasi itong tiwala sa mga taong hindi niya kilala. Kung kaya't iwas na iwas ito sa mga taong nakakasalubong niya.
Mula sa kinatatayuan nito, tanaw niya ang pamilya ng mga martinez. Nagtatawanan sila habang kasama ang ilang guro ng mga studyanteng sumasayaw. Pumaling ang kanyang ulo habang nakatingin ngayon sa binatang nakakunot ang noo, pinagmamasdan nito si giovanni hangga sa umalis nga ang binata. Ilang beses na kumurap ang dalaga bago muling tingnan ang grupong iyon, mula sa hindi kalayuan. Tanaw ng dalaga ang isang pulubi na ngayo'y papalapit na sa mga martinez, nakita ng dalaga kung paano kunin ng kasama niyang pulubi ang tungkod ng matanda.
Tumakbo ang lalake upang itakas iyon, ngunit hinabol ito ng babae hangga sa mahawakan niya ang tungkod at pag-agawan nila iyon. Tagumpay na nakuha nito ang tungkod dahilan upang tumakbo ang babae, nagtago siya sa likuran ng kotse habang hinahanap ang isang pulubing kasama niya na siyang nagnakaw ng tungkod.
Napabuntong hininga ito, luminga-linga siya sa paligid ngunit masyado ng maraming tao. Sinubukan niyang maglakad sa mga nakahilerang tindahan habang hawak nito ang tungkod, namataan nito si giovanni na ngayo'y bumibili ng palamig. Namukhaan niya ito dahil siya ang kasama ng matandang may ari ng tungkod na hawak niya.
Lumapit siya roon habang pinapanood nito ang pang-aabot niya ng bayad. Sinundan nito si giovanni at balak lang naman sana niya itong kalbitin ngunit natakam siya sa hawak nitong inumin. Dahil sa uhaw na nararamdaman niya, hindi nito natiis na agawin iyon kay giovanni. Napasigaw ang binata habang nagmumura, lalong nadagdagan ang inis nito ngunit iniwan na lang nito ang dalaga na ngayo'y nakatingin sa kanyang pag-alis.
Bahagya siyang ngumuso upang sundan ito, iniisip ng babae na baka bumalik si giovanni sa pwesto nila kanina. Pero nagkamali siya, nakita nitong binuksan ng binata ang kotse niya pero hindi ito pumasok. Bigla kasing tumawag ang lolo niya at ibinalitang may kumuha sa tungkod nito, nasa likuran ang babae habang nagmamasid sa paligid. Sa paglilibot ng kanyang tingin, nakita nito ang pulubing kasama niya na hinahanap siya. Namilog ang mata ng babae at mabilis na pumasok sa kotse ni giovanni upang magtago sa backseat.
Hindi nga siya nakita ng kasama nito hangga sa pumasok rin si giovanni ng kotse upang umalis na. Iyon ang nangyari sa kanya kung bakit ito nakasakay sa kotse ni giovanni, at hindi nito ninakaw ang tungkod ni Mr Rodolfo Martinez dahil ibabalik niya ito mismo sa matanda.
”Busog ka na ba, hija? Baka may gusto ka pang kainin sabihin mo lang sakin..” ngumiti si yaya glor, muntik na nitong makalimutan na hindi pala nakapagsasalita ang babae. Nahihiwagahan tuloy ito kung ano ang nangyari sa dalaga.
”Pagpasensyahan muna si giovanni, mabait naman ang batang 'yon. Medyo masungit nga lang ngunit huwag mo na lang pansinin..” tumango ang dalaga sa sinabi nito, naiintindihan naman niya. Ngunit iniisip nito kung bakit masungit ang binata? Hindi lang niya iyon maitanong sa matanda dahil hindi nga ito nakapagsasalita.
”Nasaan nga pala ang mga magulang mo? Bakit naging palaboy ka lang sa kalsada?” nangunot ang noo ng dalaga, hindi maintinidhan ang sinabi ng ginang kung anong tinutukoy niyang magulang. ”Namatay na ba sila?” walang naging reaksyon ang babae, wala kasi itong naiintindihan maging ang sinasabi niyang namatay na.
Napabuntong hininga ang matanda.
Pumasok na rin si giovanni sa kusina na medyo salubong ang kilay. Lumapit siya kay yaya glor at hindi binalingan ng tingin ang babae.
”Nasa labas na si lolo, anong gagawin natin sa babaeng iyan?”
”Sabihin mo ang totoo sa lolo mo, huwag kang magsinungaling. Kilala mo naman si rodolfo, mababait iyon sa tulad niya..” sa pagkakataong ito, nilingon na niya ang babaeng iniisip niyang pipi. Napabuga siya ng hangin bago mapahilamos sa sarili nitong mukha.
”Fine..” aniyang pagsuko. ”Hey, come with me. Huwag kang gumawa ng kahit anong kalat sa sala, narito na si lolo..” nakuha naman ng babae ang sinabi ni giovanni, tumayo siya. Sumunod ito sa binata na ngayo'y lumabas na ng kusina, dumiretso sila sa sala kung saan namamahinga ang matanda. Marami itong nilakad kaya't halos mapagod siya, pero nang makita nito si giovanni na may kasamang babae ay biglang nagliwanag ang mukha niya.
”Apo!” tumayo siya, masayang lumapit ito sa binata habang nasa babae ang tingin. ”May nobya ka na pala? Magandang balita ito dahil mukhang magkaka-apo na ako sayo..”
”Lo, she's not m--”
”Bakit nasa iyo ang tungkod ko? Nakita mo ba ito?” kinuha ng matanda ang tungkod na siyang hinayaan lang ng babae, namumukhaan niya ito at sigurado siya na ang matandang ito ang may ari ng tungkod. ”May isang pulubi ang kumuha kanina nito, akala ko tuluyan ng mawawala ang paborito kong tungkod, sa wakas at nakita mo..”
Umirap si giovanni dahil sa sinabing iyon ng lolo niya, natutuwa ang matanda kaya't inimbitahan nito ang babae na maupo sa sala. Napailing si giovanni habang nanatiling nakatayo sa gilid.
”Boyfriend mo ba ang apo ko? Alam mo ba na walang dinadalang babae iyan dito, pero paiba-iba ang babae niya. Iniisip ko nga na baka wala siyang balak mag-asawa..” ngumiti ang dalaga kahit hindi nito naiintindihan ang matanda, magaan naman ang loob ng babae rito kaya't panatag siya na mabuting tao ang matandang martinez.
Natawa si giovanni, nakita kasi nito ang pag-ngiti ng babae na mukhang napipilitan. Nagmumukha lalo siyang t*nga dahil sa ginawa niyang iyon.
”Wala ka bang sasabihin tungkol sa apo ko? Saan kayo nagkakilala? Paano ka nito niligawan?”
Bukod tanging pagkurap lang ang ginawa ng dalaga, hindi talaga niya maintindihan ang matanda. Hindi naman siya nakapagsasalita kung kaya't wala itong maisasagot.
Napakamot ng batok si giovanni bago lumapit sa dalawa, nag-angat ng tingin ang matanda sa apo na ngayo'y hindi maipinta ang mukha.
"Were not inrelationship, lo. Nakita ko lang siya sa kotse ko kanina, hindi kami magkakilala.”
Nangunot ang noo ng matanda. ”Paanong wala kayong relasyon? Dinala mo siya dito sa bahay, malamang na meron kayong koneksyon sa isa't isa.”
Napabuga ng hangin si giovanni. ”We have nothing, lo. Maniwala ka, taong kalye yang babae na iyan at pinaliguan lang siya ni yaya glor. I will going to send her back in concepcion tomorrow..”
Matindi ang pagkakakunot ng noo nitong matanda dahil sa sinabi niya. ”Ibabalik mo siya kamo sa bayang iyon? May pamilya ba siyang uuwian? May bahay?”
”I don't know and i didn't have a care! Basta ibabalik ko rin siya bukas 'don! Sasakit lang ang ulo natin sa babaeng iyan!” umalis na si giovanni matapos nitong sabihin iyon, lumakad na siya paakyat patungong kwarto nito upang matulog na. Napailing ang matanda, tumingin ito ngayon sa babaeng nakayuko at doon niya nakitang natutulog na pala ito. Tinawag niya si yaya glor na nagliligpit ngayon sa kusina, tumungo ito ng sala at mabilis na lumapit sa matanda upang itanong kung anong nais niya.
”Ikuha mo ng kumot ang babaeng ito, dito na muna siya matutulog..” tumango si yaya glor sa inutos ng matanda. Kumuha nga ito ng kumot upang gamitin iyon ng dalaga, nang makakuha siya. Maingat nitong inihiga ang babae sa mahabang sofa na may mahimbing na tulog, pinatay nila ang ilaw sa sala upang hindi masyadong masilaw ang dalaga. Kumportable naman na talaga ang dalaga sa pagtulog dahil malambot ngayon ang kanyang hinihigaan, hindi tulad noon na kung saan saan pa ito maghahanap ng pwesto upang magpalipas lamang ng gabi.
Mahimbing ang pagkakatulog ng dalaga nang muli ay bumaba si giovanni. Hindi siya makatulog kaya't kukuha siya ng malamig na beer sa ref upang magparating ng tulog. Tumungo ito ng kusina at doon humagilap ng maiinom, alas onse na ng gabi. Ngunit heto siya at ni hindi man lang dinadalaw ng antok, naiinis siya na hindi nito maipaliwanag. Tumungo siya sa sala habang iniisip kung saan ba natulog ang babaeng dinala niya dito.
Medyo madilim sa sala ngunit may kaonting liwanag naman dahil sa ilaw na nagmumula sa labas. Naupo ito sa sofa ngunit mabilis din siyang napatayo dahil naramdaman nitong may babaeng nakahiga roon, napamura siya. Nakita nga nito ang dalaga na mahimbing ng natutulog, nakabalot ang kalahating katawan niya ng kumot at talagang hindi man lang naalimpungatan sa ginawa niya.
”Tsk, ang sarap ng tulog, huh?” naupo ito sa harapan ng dalaga, umiinom siya ng beer habang pinakatitigan ang mukha nito. Napaka-imposible naman na ang tulad niyang babae ay isa lamang pulubi? Maganda siya, maputi at matangkad, maganda din ang katawan.
Tumaas ang kilay ni giovanni, tumama ang mata nito sa dibdib ng dalaga na talaga namang maipagmamalaki niya. Nag-iwas siya ng tingin bago tumayo na, napamura pa siya ng isang beses dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya.
Sa huli, muli na lamang siyang umakyat sa kanyang silid dala ang bote ng beer. Ilang minuto lang din ng dalawin na siya ng antok at paglingat niya, maliwanag na ang bintana.
”Fvck!” napamura siya sabay tayo, dahil matindi na ang sikat ng araw sa bintana nito. Nagmamadali siyang tumungo ng banyo upang maligo, lunes pala ngayon. At hindi siya pwedeng mahuli sa site dahil ngayon ang pagdating ng mga materyales na in-order niya, idagdag mo pa na napakarami niyang trabahong gagawin 'don. Nagpapatayo sila ng bahay kung saan kontrata na niya iyon, para na rin yung isang village. Lahat ng bahay ay nasa secondfloor kaya umaabot ng mahigit limang daan ang mga trabahador niya.
Bukod sa pagkakaroon ng sariling site, may trabaho din ito sa labas kung saan siya rin ang humahawak sa ilang gusali na ipinapatayo ng ilang negosyante.
Sikat na engineer si giovanni, hindi dahil masipag siya. Kundi seryoso ito sa trabaho at ni minsan ay hindi siya pumalya sa araw ng deadline kung kailan matatapos ang isang kontrata. Higit na masisipag rin ang kanyang hinahawakang tao kaya't napapadali ang trabaho nila, iyon nga lang. Masyado siyang strikto, suplado talaga siya pagdating sa mga empleyado niya, ngunit mataas itong mamigay ng sahod kaya't kahit masungit. Nagtitiis ang ilan sa mga trabahador ni giovanni.
BIHIS na ito ng bumaba sa sala, dumiretso na agad ito sa kusina dahil inaasahan na niyang may nakasangkap ng kape para sa kanya. Gaya ng iniisip nito, nakahanda na nga ang paborito niyang kape na madalas si yaya glor ang may gawa, inililibot nito ang tingin habang sumisimsim sa hawak niyang tasa. Medyo tahimik ang buong mansyon dahil tila maagamg umalis ang lolo niya, hindi rin nito nakikita ang babaeng dinala niya sa bahay kahapon.
”Where is lolo?” iyon ang siyang naitanong ni giovanni sa yaya niya, naghuhugas ito ng platong pinagkainan nila kanina ng lingunin niya ang binata.
”Maagang umalis ang lolo mo.” aniyang sagot bago punasan ang kanyang kamay, tumango si giovanni. Hindi sana niya nais alamin kung nasaan ang babae ngunit biglang nabanggit iyon ng ginang. "Kasama nito si dalaga, nasabi ng lolo mo na isasama na raw muna niya ito sa lakad niya.” napabuga ng kape si giovanni matapos niyang marinig iyon.
Wala sa oras na nailapag niya ang tasa sa mesa habang nanlalaki ang mata.
”Saan niya dadalhin ang babaeng 'yon!” aniyang sigaw na hindi halos makapaniwala.
”Walang nasabi ang lolo mo.”
”Don't tell me type niya ang weird na 'yon? Ano na lang ang iisipin ng mga taong makakakita sa kanilang dalawa! Baka akalain nila ay bagong asawa niya 'yon!” nangunot ang noo ng ginang sa pinagsasabi ng binata.
"Ikaw lang ang may maduming pag-iisip, hijo. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa lolo mo, atsaka! Parang apo na niya ang batang 'yon, ano ka ba!”
Ginulo ni giovanni ang buhok. "Hindi pa rin niya dapat nilabas ang babaeng 'yon! Ako ang may dala nito sa kanya e! Dapat binabalik iyon sa pinanggalingan niya!”
”Giovanni!”
”Bakit ya? Baka masamang babae talaga 'yon at may ibang motibo sa pamilya namin! Malay mo na baka pakulo niya lang ang hindi pagsasalita!”
Napailing ang ginang sa mga lumalabas sa bibig niya. ”Masyado kang nag-iisip ng mga negotibong hindi naman totoo, kung sakali man na may masama siyang balak. Edi sana, ginawa na niya kagabi. Pwede ba, hijo. Huwag mo ng pag-isipan ng masama ang inosenteng dalagang 'yon.” umikot ang mata ni giovanni dahil sa sinabi ni yaya glor. Alam niyang wala naman siyang mapapala kung makikipagtalo pa ito sa ginang, nag-paalam na lamang siyang papasok na sa trabaho kahit ang totoo ay tumungo ito ng fatima upang tingnan ang dean office kung naroon ba ang lolo niya.
Ngunit nasabi ng kanyang sekretarya na hindi pa dumadating ang senyor. Hindi pa ito nagpakita sa unibersidad at posibleng may ibang nilakad ang lolo niya. Napakagat ito sa labi, iniisip niya kung bakit siya narito? Wala dapat siyang pakialam kung kahit saan pa dalhin ng lolo niya ang weirdong babaeng iyon! Pero hindi siya matahimik hangga sa marating nito ang site niya. Kanina pa dumating ang mga materyales at siya na lamang ang hinihintay, mabilis na pinirmahan niya lahat ng papel tanda na natanggap nito lahat ng items.
Nagtatrabaho na ang karamihan nang mag-utos siyang ihakot na sa budega ang mga sementong nasa truck. Marami pa itong darating na materyales at higit na mas maraming siyang titingnan na finishing house ngayon upang i-take over na sa may-ari. Ngunit hindi nawawala sa isip nito ang dalaga, inaalala niya kung saan nga dinala ng lolo nito ang babaeng iyon. Imposible naman sigurong magkagusto ang lolo niya sa weird na 'yon, and beside. Matanda na ang lolo niya para sa ganong gawain, napailing si giovanni habang sout ang hard safety cap ng kanyang kumpanya.
Naglilibot ito sa buong subdivision upang tingnan kung anong natatapos ng kanyang empleyado. Kinausap nito ang pinakamataas na humahawak ngayon sa mga trabahador, nagreport ang lalake tungkol sa mga tatapusin nila ngayon bago muling mag-utos si giovanni na kailangan maging malinis na ang mga bahay na i-tatake over bukas.
Matapos niyang ilibot ang sarili sa buong site, hindi na ito dumiretso sa opisina niya Sumakay na ito ng kotse at nagmamadaling umalis, pasado alas diyes na makauwi siya dahil may dinaanan pa itong project doon sa metro highway. Matapos 'don ay nagmamadali din itong umuwi upang tingnan kung nakauwi na ba iyong babae.
”Nakauwi na ba sila lolo?” si yaya glor ang agad niyang pinuntahan na talagang hinanap niya pa sa buong bahay upang itanong lamang iyon. Tumango ang ginang habang naglalaba sa likuran ng mansyon.
”Kani-kanina lang ng umalis siya uli patungong fatima, naiwan na yung babae. Baka nariyan lamang siya sa sala..”
Tumango tango si giovanni, medyo kumalma na ang isip niya dahil nga sa narinig nito. ”Where did they go? Bakit ang aga nilang umalis?”
”Sa mall lang daw, pinasyal niya ito matapos nilang pumunta ng health care foundation.”
Umarko ang nguso ni giovanni, hindi na rin ito nag-usisa dahil nga tinalikuran na nito ang ginang. Muli itong tumungo ng sala upang hanapin ang babaeng iyon, ngunit hindi niya ito nakita kung saan. Umakyat siya patungong kwarto upang silipin kung naroon ba ito, ngunit wala siya. Naisipan niyang buksan ang pinto ng guest room at doon dinig na rinig nito ang pag-agos ng tubig sa banyo.
Iniisip niya na baka naroon ang dalaga, maraming paperbag sa kama nito. May mga ilang gamit at malaking teddy bear na naroon. Ngunit dinig niya ang mahihinang boses ng babae na para bang nahihirapan.
Hindi nito natiis na buksan ang pinto ng banyo upang silipin ito, at doon nga. Pilit sinasagka ng babae ang shower gamit ang kamay upang huminto ito sa pagdaloy ng tubig, napailing si giovanni.
"What are you doing?” natigilan ang dalaga ng marinig ang boses nito, halatang hindi intensyon ng dalagang maligo dahil may damit pa ito. Siguro ay bigla niyang inikot ang handle ng shower dahil sa kuryusidad niya, napa-tsk si giovanni bago pihitin pasara ang shower.
Lumikha ng pabilog ang bibig ng dalaga dahil sa biglaang pagkamatay ng shower, para bang namangha pa ito sa nangyari kaya muli pa nitong inikot ang handle.
Natawa ang dalaga dahil first time niyang makakita ng ganoong shower na siyang kinaaliwan nito.
"Sh/t! Stop playing that shower!” sigaw ni giovanni sa kairitasyunan. Napalabi ang dalaga ngunit ang kamay nito ay nasa handle pa rin ng shower. "Lumabas ka na!” umiling ang babae, bahagya itong ngumiti at muling inikot ng inikot ang handle ng shower kung saan pahinto hinto ang pagdaloy ng tubig sa shower.
Dahil doon, nakuha na niyang nasira ang handle sa ginagawa niya. Napakurap ang dalaga habang nakatingin ngayon sa handle na nasa kamay niya.
”That's what i'm talking about! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo!” wala man lang naging reaksyon ang dalaga, inabot pa nito ang handle sa binata na para bang inuutusan niya itong ibalik iyon sa parteng naputol na. "I'm can't fixed that! Lumabas ka na at magpalit ng damit!” tinuro ng babae ang suot niya, tumango siya giovanni.
"Yes, yang suot mo. Hubarin mo, magpalit ka doon at magtingin kung anong maisusuot mo, ayos ba?” tumango ang babae. Natawa si giovanni dahil mukhang naiintindihan siya nito ngayon.
Ngunit naisip niya bigla kung bakit siya nangiti, napahilamos ito sa mukha bago bumalik sa dating awra.
"Lumabas ka na nga!” pinatay nito ang switch ng ilaw bago lumabas, ngunit natigilan din ito ng muli ay sumindi ang ilaw ng banyo. Napamura siya dahil alam na alam nito na ang dalaga ang may kagagawan nito.
"Stop doing that again, i said!” patay sindi ang ilaw ng banyo habang nakatingala ang babae sa ilaw. Napahilamos sa mukha si giovanni. "Ano ba!” natigilan ang babae sa sigaw na niyang iyon, ngumuso siya at humakbang palabas ng banyo.
”Magbihis ka na, then after that. Ihahatid na kita pabalik ng concepcion, understand?”
Nakatingin lang sa kanya ang babae, iniisip nito kung tungkol saan ang sinasabi ni giovanni. Ngunit hindi na niya iyon pinansin pa, bigla na lang niyang pinadulas pababa ang suot na bistida sa kanyang katawan dahil nga inutusan siya ni giovanni na magpalit ng damit, ang kaso lang. Naging sunod sunod ang pagmumura ni giovanni dahil sa ginawa niya.
”Fvck! What the h/ll are you doing!” nais man mag-iwas ng tingin ni giovanni, ngunit kakaiba ang ganda ng katawan nito. Napamura pa siya isang beses bago tawagin si yaya glor na halos umecho sa buong mansyon.
”Ano ba? Bakit nasigaw ka na naman?”
"Look at her, she just remove her clothes suddenly! Hindi ba niya iniisip na nasa harapan niya ako!” napailing si yaya bago nito kunin ang roba upang ibalot sa katawan ng dalaga.
Napabuntong hininga ito.
”Hindi lang siguro siya naalagaan ng maayos kaya't ganito siyang kumilos, wag mo siyang sinisigawan, giovanni.”
”What do you mean? Aalagaan natin siya?”
"Kung iyon naman ang dapat, ang isang katulad niyang dalaga ay dapat may tinitirhan.”
"Tsk, no! Sanay naman na siguro siya sa buhay kalye! Ibabalik ko siya ngayon din mismo!”
************
to be continued.....