Chapter 3

2586 Words
(Attraction) Giovanni Pov. Matapos naming mag-usap ni yaya glor, tumungo na muna ako pabalik ng site upang medyo kumalma ang init ng ulo ko, hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Alam kong taong kalye lang ang babaeng iyon at lumaki bilang pulubi, ngunit hindi ba nito alam na hindi dapat maghubad ang isang babaeng tulad niya sa harap mismo ng lalake. I shook my head for disbelief, muntik na akong atakihin kanina sa gulat. Kahit sanay naman na akong makakita ng babaeng hubad sa harapan ko, iba pa rin kung talagang normal siya. But that dvmn woman, parang kakaiba siya. She's too childish, ano bang nangyari sa kanya? I admitted that she had a beautiful body, maganda siya, pumapasa na ito sa taste ko but h*ll no giovanni! Baka makasuhan pa ako pag pinatos ko ang babaeng iyon. ”Hinahanap ka ni architect kanina, sir.” nabaling ang atensyon ko sa isang time keeper na nag-aasikaso ng iilang trabaho sa site. Tumango lang ako. ”Umalis din ba agad siya?” Umiling ito. ”Naghintay pa siya ng kalahating oras, pero mukhang nainip, kaya umalis.” napabuntong hininga ako. Wala pa muna akong panahon sa architect na 'yon. She's jhenny Palma at madalas kaming magkita nito pag may kailangan sa isa't isa. Hindi tungkol sa pera, hindi Rin sa negosyon kundi para sa sariling interest ng aming katawan. Alam naman nito sa sarili niya kung ano lang ang gusto ko, and because she likes me. Pumapayag siya sa nais naming gawin, some girls that I met is just a passed time, were ended up in my bed or on there condo. Iyon lang ang buhay ko, umiikot sa babae, alak, trabaho, bahay. Walang seryosong pangyayari sa buhay, I'm just enjoying the moment but I can't help not to think for the future. Im getting older, at yung mga kaibigan ko ay masasaya na. Ako na lang ang hindi, ako na lang ang hindi pa handang matali sa isang babae. ”Ang sabi niya, pupuntahan ka nito sa bahay ninyo mamaya. Iimbitahan ka kuno sir ng dinner..” nakangisi ang time keeper kong si nicolas, masipag naman siyang empleyado kaya't maayos ko itong kinakausap. Siya ang may hawak ng oras sa mga trabahador ko at maging ang mga dumadating na delivery materials ay siya na ang nag-aasikaso. ”Ibang dinner lang naman ang nasa isip mo.” ani kong sagot bago tapikin ang kanyang balikat. "Doon muna ako sa opisina, tumawag ka lang kung may kailangan ka.” lumisan na ako sa kanilang baracks at madaling lumakad patungo sa opisina ng aking site. Maraming papeles na kailangan pirmahan ngunit wala ako sa kundisyon upang magtrabaho, dahil medyo puyat ako. Sumasakit ang sintido ko at nais kong magpaidlip kahit saglit, pagkapasok ko sa aking opisina dumiretso ako sa swivel chair at doon sumandal. Inihilig ko ang batok sa sandalan bago ipikit ang aking mata. Nakatulog yata ako dahil sa ginawa kong iyon, kung hindi lang dahil sa babaeng nasa panaginip ko ay hindi ako magigising. Hindi ko alam kung bakit pati sa panaginip ay kailangan nandon siya, masyado na nitong pinasasakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit inaakit ako nito sa panaginip. Napapikit ako, lumabas na ako ng opisina dahil wala rin naman akong nagawa. Halos kakatapos lang ng lunchbreak nila, hindi na ako nagpaalam dahil dumiretso na ako sa aking kotse. Hindi pa man ako nakakasakay ng may kamay na lang bigla ang pumalupot sa braso ko. ”Bakit ba ang tagal mo namang lumabas?” it's jhenny, the woman who can satisfied my body. But now, im not in the mood to play with her. "I have lot's of paper works that i finished, anong ginagawa mo dito?” napanguso siya habang kunot ang aking noo. ”Dinadalaw lang naman kita, im sure your stress. Maybe i can do something to take away that stress of yours..” Ang kamay niyang nakahawak sa braso ko ay mas lalong humigpit, hinagod nito ang aking dibdib at hinalikan ako sa pisngi patungo sa aking labi. Pero umiwas na ako bago pa niya ako mahalikan, nagtataka siya sa ginawa ko dahil kadalasan ay hindi naman ako tumatanggi sa kanya. Wala lang talaga ako sa kundisyon. ”Why? Ayaw mo ba?” she asked while intently looking at me. Bumuntong hininga ako. ”Sa susunod na lang, masakit ang ulo ko.” Pansin ko ang pagkadismaya sa mukha niya, and i don't understand myself too if why i reject her. Himala yata na umayaw ako? Nagsawa na ba ako? Pero hindi, gustong gusto kong ginagawa iyon. Nag-eenjoy ako, pero yung katawan ko ngayon, parang walang epekto kay jhenny. Hindi na yata siya ang gusto nito. Kung hindi iba na ang nais niya. ISINAKAY ko siya sa aking kotse dahil nais daw nitong mamasyal sa bahay. Kilala naman na siya ni lolo, at ang pagkaka-alam lang ni lolo ay kaibigan ko siya. Partner sa trabaho at wala kaming kahit anong relasyon, kaya hindi nag-eexpect si lolo kay jhenny dahil sinabi ko na ng diretso sa kanya na hindi siya ang gusto ko. Totoong hindi ko gusto si jhenny, i just want her because she can give what i want. Yung gusto ko, ginagawa niya. At sa lahat ng babaeng nakakasama ko, siya lang yung hindi nagdedemand ng atensyon, ng label o kahit ano pa man. Ayos lang sa kanya na gamitin ko siya ng paulit-ulit, isang tawag ko lang dito ay agad na tutungo siya sa aking condo at alam na agad ang gagawin. But i can't take her seriously, siguro pusong bato na talaga ako. Hindi yata marunong umibig ang puso ko dahil sa itinatak ko sa aking isip. ”Wala ba si lolo rodolfo?” umiling ako sa tanong ni jhenny, nasa tapat na kami ng bahay. Sarado pa ang gate at tila wala ang mga guwardya sa harap upang pagbuksan kami. ”Siguradong sa fatima na iyon magnananghalian.” ”Kung ganon, can i sleep in your room?” hinaplos nito ang pisngi ko gamit ang kanyang hintuturo, dumulas iyon patungo sa aking tenga pababa sa aking leeg. She really want's to seduce me, but dvmn this body! What is his problem? Naging manhid na rin yata at wala kahit anong reaksyon sa pang-aakit ni jhenny. Alam kong mahina ako pagdating sa ganitong seduction, pero tila walang epekto kahit maghubad pa yata siya ngayon sa harapan ko. ”It's too early, jhenny.” natawa siya sa isinagot ko. ”Wala ka namang oras na pinipili, vanz. Why are you controlling yourself? Naninibago ako sayo?” hinarap ko siya, i starred at her almost a second. She's wearing a nude short dress, nakaka-akit talaga at sumisilip ang kalahati ng dibdib nito, her legs is attractive too. Pero ako talaga ang problema, hindi man lang ako nag-init habang tinititigan siya. This is really redicolous. ”Im just tired..” ”Then just let me work for it, hindi mo naman kailangan kumilos. Uupo ka lang.” she grinned as if i really do like what she said. Pero wala talaga, kahit hinalikan na niya ay wala pa rin. Sinubukan kong tumugon upang sakali ay mabuhayan ako, but still my body can't get enough of heat. Hinawakan na niya ang pantalon ko upang mag-umpisa ngunit pinigilan ko na ang kamay niya. "Were doing to continue this next time.” bumagsak ang balikat niya sa sinabi ko, lumabas na ako ng kotse at hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya. Dahil wala ang mga guwardya, ako na mismo ang nagbukas ng gate ngunit hinayaan ko ng nasa labas ang kotse ko. Mula sa nilalakaran ko, tanaw ko mula sa terrace ang nakatayong weirdong babae na kasama ang dalawang guwardya, nakatingin ang mga ito sa mga lalakeng nagpipintura ng veranda sa itaas kung nasaan ang silid ni lolo. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit ang ulo ko dahil sa nakita, malalaki ang aking hakbang at mabilis na lumapit sa kinatatayuan nila. ”What's going on here!” nagulat ang dalawang guwardya sa pagdating ko, subalit ang babaeng weirdo ay nakatingin lang sa akin habang may suot na sleeveless romper, hindi ko alam kung saan kinuha ni lolo ang mga damit niyang ito. At hindi ko rin alam kung paano bumabagay lahat ng sinusuot ng babaeng weirdong ito sa katawann niya. "Kaya pala walang nagbukas ng gate, nandito kayong dalawa! Anong ginagawa niyo dito!” Yumuko sila. ”H-humingi lang po sila ng t-tulong sir, p-pasensya na...” tinutukoy nila ay yung dalawang pintor, pero hindi ako naniniwala. Tiyak na narito sila dahil sa babaeng ito. ”Kailangan ba kayong dalawang ang pumunta rito! Bakit wala man lang bantay doon sa gate!” ”P-pasensya na po, s-sir. H-hindi na mauulit.” nais ko pa sana silang siringan dahil sa ginawa nila, ngunit biglang nahulog ang roller paint ng lalakeng nasa itaas. Tumama iyon sa isang guwardya at mula sa itaas. May mahuhulog na malaking timba sa kinatatayuan ko dahilan upang manlaki ang aking mata, ngunit imbes na ako ang matamaan. Biglang nawala sa akin ang disgrasya, itinulak ako ng babaeng weirdo upang siya ang matamaan. Napaupo ako sa sahig habang tulala sa nangyari, natauhan na lang ako ng makitang wala na siyang malay habang nakahiga malapit sa akin. _________ “Maayos naman na ang tama niya sa ulo..” iyon ang sabi ng private doctor namin matapos kong itong tawagan, nasa isang guest room kami kung saan nakahiga ang babaeng weirdo. Wala pa rin siyang malay dahil sa lakas ng pagkabagsak ng timba sa ulo niya, may laman iyong pintura kaya't medyo mabigat at kung matatamaan ka talaga, masasaktan ka ng todo. "Salamat doc, sorry to disturb you.” "Wala namang problema, kung sumakit man ang ulo nito pag-gising niya o bigla na lang siyang magsuka, dalhin niyo na agad siya sa ospital..” Tumango ako. ”Okay doc, thankyou again..” Ngumiti ang doctor bago magpaalam sa amin ni yaya glor, kami lamang tatlo ang nasa silid. Pinahatid ko na kasi si jhenny sa mga tauhan at hindi ko na hinayaang makapasok pa siya sa loob. Ayokong makita niya ang babaeng ito na inaalagaan ni yaya glor, ayoko lang na may pinag-uusapan kami kung sakaling makita niya nga ang babaeng ito. "Magpasalamat ka sa kanya dahil tinulungan ka nito, paano na lang pala kung sayo tumama 'yon? Baka hindi ka makapagtrabaho ng ilang araw.” napabuntong hininga ako sa sinabi ni yaya glor. Nag-iwas ako ng tingin at hindi sumagot, sa bandang huli. Ako pa ang may utang na loob sa babaeng ito, well patas na lang kami. Nakalibre na siya ng damit at pagkain dito, wala akong utang na loob sa kanya kundi magpapasalamat lang ako. ”Hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo? Nakakaawa naman siya kung ibabalik mo ito sa lansangan, napakaganda niyang babae.” Binalingan ko ng tingin ang babae, sa itsura niya. Mukhang bata pa nga ito, halatang nasa bente uno ang edad niya, malayong malayo sa edad ko at talaga namang maganda siya. Ang katawan nito ay may perpektong hubog, malulusog ang kanyang hinaharap na siyang nagpaiwas ng tingin sa akin. Para bang may kumuryente sa akin bigla dahil sa paghahagod ko sa kanyang katawan. Dahil na yata ito sa sobrang pagod. Pero pagod ba ako? Baka dahil lang sa puyat. Shvt. Ano ng nangyayari sakin? ”Wala tayong mapapala sa babaeng ito, yaya glor. Sasakit lang ang ulo natin diyan, magiging abala lang siya sayo kung iingatan mo pa siya...” ”Hindi iyon problema sakin, giovanni. Ayos lang, basta ligtas lang siya.” "Tsk, nakasurvive nga siya ng matagal sa kalye! Paniguradong sanay na yan, atsaka. Ayoko sa kanya, umiinit lang ang...” bigla akong natigilan sa sinabi ko, nag-iwas ako ng tingin. "N-nag-iinit lang ang ulo ko sa babaeng 'yan...” Dinig na rinig ko ang pagbubuntong hininga ni yaya glor. Alam kong wala siyang magagawa kung ako ang magdedesisyon, kumbaga. Taga payo lang ito sa akin ngunit ako pa rin ang siyang masusunod, at ang pasya ko. Ibabalik ko siya kung saan ko ito nakita, ngunit sa ngayon. Hahayaan ko muna siyang magpahinga at gumaling. ALAS KWATRO na ng magising siya mula sa pagkakatulog, nais ko sanang tawagin si yaya glor ngunit hindi ko magawang tumayo mula sa kinauupuan ko. Nasa sofa ako kung saan tanaw ko siyang naupo sa kama, kinuskos nito ang kanyang mata bago niya ilinga ang paningin sa paligid. Nahinto siya ng makita niya ako, para bang may naisip siya bigla dahil biglaan ang pagtayo nito sa kama. Ngunit tila ba nawawalan siya ng balanse at napaupo na lang sa pulang bilog na carpet. Tumayo ako kasabay ng aking paglunok, nag-aalinlangan pa akong lapitan siya habang nakatingin ito sa akin. Hindi ko alam kung mas nais ba siyang sabihin dahil mukhang nag-aalala ito, sa huli. Wala din akong ibang ginawa kundi tulungan siya, naisip ko kasi ang sinabi ng doctor na kung mahilo siya paggising nito, ay dalhin ko na agad siya ng ospital. ”Are you okay? Nahihilo ka ba?” kahit alam ko naman na hindi siya sasagot, nagtanong pa rin ako. Ngunit himala lang ng bigla siyang umiling, napakurap ako. ”Are you sure? Sigarado ka ba? Hindi masakit ang ulo mo?” tinuro ko ang ulo niya, hinawakan niya ito bago muling umiling. Nakahinga ako ng maluwang, sa sobrang lapit ko sa kanya. Halos nasasaksihan ko ng buo ang kanyang mukha, maganda nga siya. Perpekto ang hubog ng kanyang ilong maging ang berde nitong mata ay kakaiba, para siyang may lahing banyaga. Ang labi nito ay literal na permanente sa pagkapula, hindi ko maiwasang humanga sa kanya kahit na ang weirdo niya, pero natauhan rin ako ng bigla'y tusukin niya ang kaliwang mata ko. Napatayo ako habang nagmumura. "Fvck! What is your fvcking problem!” dalawang beses siyang kumurap habang nakatingala sa akin, dahil yata matagal na nakatitig ako sa kanya kaya nito biglang ginawa iyon, but dvmn! Ang sakit, bubulagin niya ba ako! ”Don't do that again, weird woman!” wala ito ni anong reaksykon habang nakatingin sa akin, tumayo lang siya. Lumapit siya sa akin at tumungo sa likuran ko, hinawakan nito ang ulo ko na para bang may hinahanap siya. At dahil agad na nakuha ko ang iniisip nito, hinarap ko na siya habang kunot ang aking noo. ”Walang nangyari sakin, so please. Stop acting like that, nagpapanggap ka bang may pake sakin?” ngumisi ako, ngunit siya. Nakatingin lang ito sa akin. "Dahil may aksidenteng nangyari, swerte ka dahil bukas na lamang kita ibabalik doon..” Nilagpasan ko na ito upang sana'y lumabas na, ngunit natigilan ako bigla. Hinawakan niya ang aking kamay na muling nagpakuryente sa akin, mabilis kong binawi iyon sabay layo sa babaeng tila may sumpa sa sistema ko. ”What! Bakit bigla mo na lang hinahawakan ang kamay ko!” Umiling lang ito, may nais talaga siyang sabihin ngunit hindi nito alam kung paano iyon gagawin. Ngunit nang makita niya ang litratong nasa gilid, kinuha niya iyon. Si lolo ang naroon habang nakatayo sa harapan ng simbahan. Itinuro niya mismo ang simbahan habang umiiling. Dahil doon, nakuha ko na agad ang nais niyang iparating sa akin. Ayaw niyang ibalik ko ito sa lugar kung saan ko ito nakita. Ngunit umiling din ako. "Your not allowed to stay here, were not connected to each other. Kung gusto mong manatili sa puder ni lolo, doon ka sa foundation manirahan. Hindi dito na kasama ako...” ********* To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD