Chapter 11

2704 Words
Giovanni Pov. (First Conversation) Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakapagsasalita na ngayon si bella, ngunit iniisip ko rin kung saan ako natutuwa. Sa presensya niya ba ngayon sa mansyon o dahil natulungan namin ang isang tulad niya. Isang buwan na ang lumipas simula ng bumalik siya, nakapagsasalita na ito ngunit hindi ganoon kaayos. Nahihirapan pa ito sa pagsasalita maging sa pagsusulat. Her tutor is carlo hevarez again, mas gusto daw niya kasi si carlo dahil mabait daw siya. Iyon ang ipinaliwanag nito ng araw na sinabi kong papalitan ko ng babae ang tutor niya. But she just glared at me na para bang ang sama ko kung gagawin ko iyon, then in the end. Si bella pa rin ang nasunod, i name her belinda to fixed her name. Inaayos na kasi ni lolo ang papel niya ngayon, medyo natagalan dahil mayroong event sa fatima. And i don't want to call her in long name, i prepare to call her bella because i find it's cute. Well, bella is not just cute. She's beautiful innocent that you might think she's a child of rich family. Napansin ko na iyon noon kahit na medyo madungis siya, kakaiba ang awra niya and she's just not like an ordinary homeless. Ang iba kasi talaga ay mabaho at madumi, pero siya. Wala na akong masabi kundi kakaiba talaga. “Kal-loy hindi darating ngayon?” nasa hapag na kami kung saan nag-aalmusal na, medyo badtrip ako dahil kagigising lamang niya ay ang lalakeng iyon na ang hinahanap niya. “Why are you looking for him?” medyo iritable ako, inilapag ni yaya glor ang mainit na kanin sa mesa bago ako titigan ng makahulugan. I sighed before looked away. “Sabado ngayon, bella. Wala kang klase...” “Pwede manood?” “No.” ngumuso siya dahil sa sinabi ko, noong nakaraan kasi ay ginamit nito ang cellphone ko upang manood ng paborito niyang disney movie. Pero nailipat niya iyon sa horror movie dahilan upang matakot siya, hinagis nito ang cellphone ko na naging sanhi upang mabasag ang LCD niya. Then the flatsceeen tv on the living room, binasag niya din dahil ang sama daw ng lalakeng naroon. “Bakit hindi? Wala naman klase, damot!” “I told you to don't speak on that way, bella. Hindi ba maganda naman ang itinuturo sayo ni carlo?” “Gio kasi ayaw akong manood, bella galit kay gio!” Napapikit ako, mas gugustuhin ko na talagang hindi siya nagsasalita. Dahil simula ng magsalita siya, kung ano-ano na ang nalalaman niya. She's very easy to teach, hindi ka mahihirapan dahil fast learner siya. “Find, let's watch movie later. Huwag mong babatuhin ang tv.” ngumiti siya ngunit naisip ko rin na pwede naman siyang manood doon sa laptop ko. Wala sa sariling napatango ako. “Isulat mo muna ang pangalan mo bago ako pumayag.” “Bella susulat mamaya.” ”Kumain ka na.” tumango siya, sinubukan niyang gumamit ng kubyertos na siyang itinuro sa kanya ni yaya glor at carlo. Pero hindi talaga siya sanay kung kaya't inilapag na lang niya iyon sa gilid at muling nagkamay na madalas niyang ginagawa. Napailing ako bago mag-umpisang kumain. Hindi ko pa man naisusubo ang nasa kubyertos ko ng muli itong magsalita. “Lolo rod nasaan?” medyo hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil puno ang kanyang bibig. Dumating din naman si yaya glor upang ihapag ang gatas nito at ang mainit na kape para sa akin. “Huwag kang magsasalita ng puno ang bibig mo, hija. Bawal iyon.” tikom na ngumuya si bella dahil sa sinabing iyon ni yaya glor. Hindi rin naman na siya nagsalitang muli dahil alam niya ang salitang bawal. Dahil doon ay nangiti na lang ako bigla, hindi ko namalayang nakatingin pala sa akin si yaya kaya't tumikhim ako. “Tutungo ako ng site ngayon, magpapasweldo lang ako pero uuwi din agad ako.” Tumango si yaya. “Ako na ang bahala kay bella.” “Hindi sama bella?” umiling ako. “Trabaho ang pupuntahan ko, maiiwan ka dito kasama ni yaya corazon.” Kumibot ang labi niya dahil sa sinabi ko. “Gio pangit! Ayaw sama bella trabaho!” namilog ang mata ko dahil sa itinawag niya sakin. “Saan mo natutunan iyan, bella! Masama 'yon.” natigilan siya ng sabihin kong masama ang sinabi niya tungkol sakin. “Sabi kaloy, pangit gio.” “Sinabi ni carlo iyon! Aba't anong klaseng tutor siya!” Napakurap si bella dahil hindi ko maiwasang pataasin ang boses ko dahil sa itinuturo ng carlo na iyon kay bella. “Galit gio?” “Oo, huwag muna akong tatawaging ganon!” “Ganon?” “Yes, pangit!” tumango-tango ito na parang naiintindihan agad ang sinabi ko. “Hindi pangit gio?” “Tsk, stop asking. Huwag mo ng sasabihin iyon, maliwanag ba?” “Maliwanag ba?” “Huwag mong uulitin ang sinasabi ko, bella. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo iyan?” Ngumuso siya. “Sabi gio nood bella, pero alis gio..” Bumuntong hininga ako. “Babalik ako, maiwan ka lang saglit. Magsulat ka, titingnan ko iyon pag-uwi ko..” “Bella may pasalubong?” “Anong pasalubong ang gusto mo?” nag-isip siya saglit habang nakatingin sa pagkain niya. Kinuha ko ang kape na nakatimpla para sa akin habang naiiling si yaya na nakangiti. Aliw na aliw kasi si yaya glor pag nagsasalita si bella, para sa kanya isang malaking award itong nangyari kay belinda dahil nakapagsalita talaga siya. “Gusto bella jumbo hotdog!” naibuga ko ang kape dahil sa sinabi niyang iyon, nagulat pa siya sa nangyari sakin dahil naubo pa ako. Ngunit hindi naman niya hinihiling ang pagkain na iyon. Madalas kasi ay bayabas ang nais niya, o hindi naman kaya ay mangga at kahit anong prutas. “Kaloy bigyan hotdog bella, mahaba may sapin..” “What is that?” “Baka footlong, hijo. Kahapon kasi ay may dalang pagkain si carlo, baka iyon ang gusto ni bella.” “Where did she get that jumbo hotdog!” “Narinig lamang niya siguro iyon, bilhan mo na siya mamaya.” napahawak ako sa aking noo bago tumango, bakit ba napaka-over reacting ko? Dahil ba ito sa pagsasalita niya, kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig ng babaeng ito. INIWAN ko si bella sa silid nito kung saan inutusan ko siyang isulat ang pangalan niya. Her surname is next to me, she's a martinez too because lolo rodolfo adopt her. Alam na ni daddy ang tungkol dito, maging sila tito at tita na wala namang sinabi dahil kilala na nila si lolo. Hindi rin naman na bago ito sa kanila, alam kasi nila na matulungin si lolo at ang iniisip lang nila ay nais lamang niyang tulungan si bella. Kung titingnan ngayon, para ko ng nakababatang kapatid si bella. Matanda pa rin naman ako sa kanya and i don't want her to call me kuya or tito. Ang kaarawan ni bella ay sinunod na lamang namin kung kailan ang unang pagdating niya dito. I still remember that day, parang kailan lang ng mangyari iyon. Pero halos magdadalawang buwan na ng makilala ko siya. This is really strange, napapailing ako habang nagmamaneho. Sa ibang babae kahit tumagal ng ganoon katagal ay hindi kami nadedevelop, para bang manhind ang puso ko sa iba. Pero kay bella, hindi ko maipaliwanag. Gusto ko lang na nakikita siya, i thought this month is not easy for me. Pero swabe lang ang bawat pagdaan ng araw at parang walang kulang sa buhay ko. ISANG ORAS lang ang itinagal ko sa site dahil nag-abot lang ako ng sahod sa mga empleyado. Pinirmahan ko rin ang mga papel na nasa mesa ko bago ako tuluyang umalis. Dumiretso ako sa isang mall upang hanapin ang pinabibili sakin ng babaeng iyon, and it's took almost a minute after i find the burger shop. Limang order ang binili ko para sa kanya upang hindi na ito magtampo dahil hindi siya naisama sa site kanina. She always want to come with me but im not letting her to go with me on my site. Sa loob ng isang buwan, hindi siya lumalabas. Lagi lang siyang nasa loob ng bahay at nag-aaral, nagbabasa, nagsusulat at minsa'y nanonood lamang. For me, i don't want to open the outside world for bella. Hindi ko alam kung bakit ganito ako, even once she's not experience to watch a cinemovie or eat on the restaurant. Wala naman siyang nagiging reklamo dahil mukhang nagugustuhan nito sa bahay. Hindi ko lang alam sa susunod na araw, buwan o taon. Baka tuluyan na siyang magkaroon ng isip at nais na niyang gawin ang gusto niya. “Bella, hindi maayos sulat..” tiningnan ko lang ang papel nito. Nakauwi na ako at nasa silid na niya kung saan nakaupo ako sa kama habang siya'y nasa harapan ng kanyang study table. Hinarap lang nito ang papel bago ako tumango. “Maayos naman, matututo ka rin.” “Pwede kumain bella?” Tumango ako bago niya tuluyang ilahad sa akin ang papel. Medyo naiintindihan ko naman na ang sulat niya, ganito talaga ang nagsasanay dahil hindi siya nahasa sa pagsusulat. Medyo naaawa ako kay bella dahil sa tingin ko, marami pa siyang naging pagsubok bago niya maranasan ito. I want to ask her but i know she can't answered me. Alam kong nasa proseso pa lamang siya na inaayos nito ang sarili at baka makasama lang sa kanya kung bubuksan ko ang nakaraan nito. “Gio tapos magtrabaho?” tumango ako, umupo ito sa aking harapan kung saan doon mismo sa lapag ng kwarto niya. Napahinga ako ng malalim dahil kailangan talaga ni bella ng ibang tutor na higit pa kay carlo. Ang isa ay para sa pagkilos niya, para matutunan nito ang wastong pag-galaw o pag-gamit sa ibang bagay-bagay. “Bella masakit tiyan, ayaw kain..” nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, tumayo siya at hinayaan na lang ang pagkain na binili ko bago ito umakyat ng kama. Nag-alala ako bigla dahil inisip ko na baka dahil iyon sa kinain niya, nilapitan ko ito kung saan naupo ako sa gilid ng kama. “Masakit na masakit ba?” tumango siya, hindi ko alam ang gagawin ng tumayo ako. Nagpalakad-lakad pa ako sa gilid ng kama bago maisipang lumabas upang tawagin si yaya glor. “Yaya glor!” pababa pa lang ako ng hagdan ay natanawan ko na si yaya na tumatakbo. Nag-aalala rin siya dahil nakita nito ang reaksyon ko. “Bakit ba sumisigaw ka? Anong nangyari?” “Masakit daw ang tiyan ni bella!” “Ano? May nakain ba siyang iba?” “Yung binili ko, yun lang naman ang kinain niya at almusal kanina.” napailing si yaya bago namin puntahan si bella sa kanyang silid. Ngunit hindi na namin ito naabutan sa kama kung saan nakita kong may mantsa ng dugo ang puting bedsheet niya. “Fvck, belinda!” sobra ang pag-aalala ko maging si yaya glor. Binuksan ko ang pinto ng banyo at doon naabutan ko si bella na katatapos lang magpalit ng suot niyang pajama. “Anong nangyari sayo! Bakit may dugo ang kama mo!” dalawang beses lang siyang kumurap habang nakatingin sa akin, hindi siya sumagot kaya't mas lalo lang akong nag-alala. “Nasugatan ka ba? Nagsuka ka ba ng dugo?” sinuri ko ang buong katawan niya ngunit wala naman na akong nakitang sugat. Malinis din naman ang mukha nito na parang wala lang nangyari sa kanya. Bumaba ang paningin ko sa bagay na hawak niya, nilapitan din siya ni yaya glor bago siya nito haplusin sa likuran. “Masakit pa ba ang tiyan mo?” umiling si bella sa tanong niyang iyon, ngunit nagtataka ako kung saan nagmula ang dugo at bakit biglaan ang pananakit ng tiyan niya kanina? “Hindi pa ba natin siya dadalhin sa ospital?” nilingon ako ni yaya bago umiling. “Magpapahinga lang si bella, lilipas din ito.” “What? Anong lilipas? Saan nang-galing iyong dugo at bakit sumasakit ang tiyan niya!” Bumuntong hininga si yaya. “May buwanang dalaw si bella, tinagusan siya kanina kaya't nagkaroon ng dugo ang bedsheet nito. Hawakan mo muna siya, papalitan ko lang ang sapin ng kama.” napamaang ako matapos kong sulyapan si bella, nakatingin lang siya sakin at kulang na lang ay sigawan niya ako at tawaging bal!w dahil sa eksenang ginawa ko. Pero hindi ko naman alam, sino ba ang hindi matatakot? masakit daw ang tiyan niya at biglang makakakita ka na lang ng dugo sa kama! Muntik na akong atakihin sa puso! “Yaya glo bigay bella napkin..” kinagat ko ang labi dahil sa sinabi niya. Pumasok din naman na si yaya glor upang sabihin kay bella na maaari na siyang humiga. Inalalayan ko itong mahiga sa kama niya bago harapin si yaya glor. “Bakit hindi niyo naman sinabing nireregla pala si bella? Pinag-alala niyo pa ako...” “Akala ko kasi masakit ang tiyan niya, nakalimutan ko naman ng may dalaw pala sa bella. Tinuruan ko siya kanina, pero marunong naman na pala siya.” “Simbahan turo sakin.” nilingon ko si bella dahil sa sinabi nito. “Simbahan?” “May lola simbahan, bigay bella damit at pagkain. Turo bella gamit ganto.” wala sa sariling napatango ako sa sinabi niyang iyon. Kung ganon, may naaalala naman pala si bella tungkol sa nakaraan niya? Imposible kayang masabi nito lahat ng nangyari sa kanya noon? “Matulog ka muna, bibili ako ng gamot para sa sakit ng tiyan mo, okay?” tumango siya. Umayos ito ng pagkakahiga bago niya kami talikuran, hindi rin ako mapakali na para bang hindi ako sanay na may masakit sa katawan ni bella. Usually kasi ay magalaw siya, lagi itong masigla at kung saan-saan mo ito makikita. Pero ngayon, nakahiga lamang siya sa kanyang kama habang dinaramdam ang sakit. Napabuntong hininga ako, nagpaalam ako kay yaya na magtatanong lang ako sa pharmacy kung may pain reliever sa sakit niyang ito. Halos sampung minuto lang ang lumipas ng makabalik ako dala ang gamot, isa iyong ginger juice na kailangan inumin ni bella. Bawal din daw ang pagkain ng salty foods at uminom ng caffeine. Iyon ang sinabi ng babae kanina dahil buong akala niya ay may kapatid akong may problema sa menstruation. “Natutulog pa ba si bella?” sinalubong ako ni yaya glor ng makapasok ako, tumango siya habang dala ang mga maruruming damit ni bella. “Mahimbing pa ang tulog niya, akyatin mo ito sa itaas. Baka malingat siya.” Tumango ako, dumiretso din ako sa silid ni bella dala ang gamot nito. Nakatagilid pa rin siya sa kama habang nakasampa ang paa niya sa malaking unan. May mahihina siyang paghilik hudyat na malalim pa rin ang kanyang pagtulog, napabuntong hininga ako. Inilapag ko ang nabili sa pharmacy sa side table bago maupo sa gilid ng kama niya, natatabunan ng bahagya ang mukha nito sa mahaba niyang buhok kung kaya't hinawi ko ang hibla nito. Inipit ko iyon sa tenga niya dahilan upang tumambad ng tuluyan ang makinis niyang mukha sa akin. Bahagya akong napangiti, hindi ko itatanggi na ang ganda ni bella. Kakaiba ang ganda niya na kahit sino ay maaakit. Siguro nga ay may espesyal na katangian si bella kung kaya't nagkakaroon siya ng malaking epekto sa akin. Gumalaw ang ulo nito bago siya tuluyang umayos sa pagkakahiga, hindi siya nagising kundi nag-iba lamang ang pwesto niya. Ngumiti siya na tila ba nasa panaginip, natawa pa siya na parang nakatutuwa ang panaginip nito kung kaya't nangiti lang ako na naiiling. “Gio..” aniyang sambit sa pangalan ko habang nakapikit, nangisi ako at tuluyang lumapit ng todo sa kanya. Kung ganon, ako ang napapanaginipan ng babaeng ito? Ano bang ginagawa ko sa panaginip niya? Muli ay natawa siya na literal na pagtawa talaga. “Gio, gio pangit..” nabura ang ngiti ko dahil sa sinabi nito, tuluyan na rin siyang tumalikod sa akin at muling naghanap ng kumportableng pwesto. Napailing ako bago tumayo. Tsk, she's adorable weirdo. ******* to be continued.... Oh ano giovanni? Pangisi-ngisi ka pa man din e pangit ka lang naman pala HAHAHAHA. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD