Third Person Pov.
(Belinda)
Alam ni giovanni ang totoong nararamdaman niya ngunit hindi nito nais kumpirmahin kung ano nga iyon. Natatakot siya sa hindi malamang dahilan, ito ang unang beses na maramdaman niyang bumilis ng ganito ang t***k ng kanyang puso.
Para ba siyang masisiraan ng bait kung hindi nito makikita ang dalaga.
Sa tuwing nakikita naman niya ito, nagiging panatag na siya. Nawawala ang iniisip nito at para bang ikinatutuwa ng sistema nito ang presensya ng dalaga.
Hindi tulad noon ng una silang magkita. Alam niyang nakita na nito ang ganda ng dalaga noon pa man, kakaiba na ang nararamdaman nito kung kaya't pilit niyang ipinagtulakan paalis ang dalaga. Nasasabi niyang may sumpa ito dahil madali siyang naaakit ng babae, nag-iiba ang pakiramdam nito at iyon ang hindi niya nais mangyari.
Ang mahulog siya sa isang tulad nito.
“Bakit tila nagbago ang isip mo ngayon?” mataman na nakatingin sa kanya si lolo rodolfo. Nasabi kasi nito na nais sumamang muli ng dalaga sa kanya pabalik ng mansyon, at ang inihayag nito sa senyor ay payag na siyang manirahan sa mansyon muli ang dalaga.
“Hindi talaga ako nagtitiwala sa tutor niya, mas kumportable ako kung nakikita ko ito. And besides, i am the one who have obligation on her. Ako kasi ang kumuha sa kanya sa lansangan..” tumango ang senyor sa sinabing iyon ni giovanni.
“Tama ka naman, apo. Alam mo ba, binalak kong ampunin ito dahil parang kakaiba siya, she's not like the other's homeless. Pero dahil nga nagmamadali kang paalisin siya, hindi ko na tinuloy ang pag-aampon sa kanya.” nangunot ang noo ni giovanni dahil sa sinabi ng kanyang lolo. Nasa house of child pa rin sila kung saan kumakain na sila ng tanghalian, sinabi nito sa dalaga kanina na kakausapin muna niya ang kanyang lolo bago niya ito isama pauwi.
“Your going to adopt her?”
Lolo rodolfo nodded while drinking his cold water. After he finish drinking, he look up on giovanni again. “Mas gugustuhin ko na kasing umampon ng tulad niya, sa palagay ko. Wala na siyang pamilya, hindi mo ba iniisip kung bakit nasa lansangan ang isang tulad niya?”
“Mayhe her both parents are died, and she's living alone since she's child. Hindi kasi siya natutong magsalita, and her act isn't normal. Kakaiba siya, she's weird..”
“Exactly, if her parents searching for her. Sana noon pa lang ay nakita na siya ng mga ito, but she look's twenty years old, ang bata pa niya hindi ba?”
Giovanni nodded before he place the spoon on his plate. He's done eating and he already want to talk to the woman now.
“So, are you still continue to adopt her?”
Pinaglapat ng matanda ang kanyang bibig bago tumango. “If you're willing to be with her in our home, why not?”
Tumango si giovanni. “That's a good idea..” iyon na lang ang siyang isinagot ni giovanni upang matapos na ang usapan. But deep inside, he didn't want to become that girl a little sister. Iniisip pa lang niyang tinatawag na siyang kuya ng dalaga ay parang umiinit na ang tenga niya.
But if the adoption is already there, he can't do more nothing about that. He don't have a choice but to accept the plan of his grandfather.
MATAPOS nilang kumain, nagpaalam na ang matanda sa mga namamahala ng house of child na sila'y lilisan na. Nabanggit nito ang tungkol sa dalaga na nais niya itong ampunin at isama ng muli sa kanilang mansyon.
Alam naman na nila ang balak na iyon ni lolo rodolfo. Kaso lamang ay nakansela ang plano niyang iyon dahil sa apo niyang si giovanni. Ngunit biglaan na lamang ang pagbabago ng isip nitong apo niya kung kaya't hindi na siya nagdalawang isip pa na ituloy muli ang binabalak na ampunin niya ang dalaga.
“We need to fixed your paper first before you can come with us. Aayusin muna namin ang papel.” nakatingin lang kay giovanni ang babae habang sinasabi niya iyon. Dahil nasa pamamahala na ng house of child ang dalaga ngayon, kailangan muna nilang asikasuhin ang papel ng dalaga at katunayan na aampunin nila ito. Iyon kasi ang patakaran sa foundation na iyon, hindi sila basta-basta naglalabas ng tao o bata na walang pahintulot.
“Naiintindihan mo ba ang sinabi ko? Hindi muna kita maisasama, your going to stay here more than two days.”
“Gio?” itinuro ng dalaga ang kanyang sarili habang umiiling. Tumango si giovanni bilang pagsagot.
“Babalikan ka namin dito, si lolo mismo ang mag-aasikaso ng papel mo at ako ang susundo sayo dito sa oras na pwede ka na naming kunin..” ngumuso ang dalaga. “Sa ngayon, hindi na muna kita maisasama..”
“Gio, iwan?”
Tumango si giovanni. “Yes, don't worry. Babalikan ka namin..” yumuko ang dalaga habang nilalaro ang daliri. Hindi maipaliwanag ni giovanni kung bakit nahahabag ang loob nito habang nakatingin sa dalaga. Nag-iwas siya ng tingin dahil wala naman na din siyang magagawa pa, kailangan nilang dumaan sa proseso upang maging legal na kinuha nila ang dalaga.
“Go to your room, we're going to leave now. Marami pa akong aasikasuhin sa site, hindi ka na muna mag-aaral sa ngayon.”
Nag-angat ng tingin ang dalaga. ”Kal?”
“Carlo isn't longer your tutor, maghahanap ako ng ibang magtuturo sayo..” umiling ang dalaga.
“Kal-loy..”
“No, i'm looking for your new tutor.”
Mariin na umiling ang dalaga, ilang beses habang kagat nito ang labi. ”Kal-loy, gio..” napabuntong hininga ang binata. Nakatingin siya ngayon sa dalaga habang binabasa nito ang kanyang ekspresyon, iniisip ni giovanni kung bakit gusto ng dalaga ang lalakeng 'yon. Naiinis siya ngunit hindi naman niya mapipilit sa ngayon ang dalaga.
“Fine, si carlo pa rin ang magiging tutor mo. Pero hindi pwede 'yung ginawa mo kanina sa kanya, ayokong nababastos ka.” tumango ang dalaga. Naiintindihan naman na nito si giovanni kung tagalog ang pagsasalita niya. Ngunit kung ito'y ingles ay tiyak na mabubuhol ang utak ng dalaga sa kakaintindi.
NANG oras na iyon ay lumisan na nga ang mag-lolo. Pumayag naman ng maiwan ang dalaga dahil ipinangako ni giovanni na babalikan niya ito. Dahil wala na ang tutor ng dalaga, nanatili ito sa kanyang silid kung saan may mapaglilibangan naman na siya. May tv ito sa kwarto at hindi lang din naman siya ang naroon. May kasama itong batang babae ngunit may kapansanan ito, hindi iyon nakakarinig ngunit nakakabasa naman na at nagsasalita. Ang bukod tanging ginagawa lang ng bata ay pagbabasa, paminsan-minsan ay nanunuod ito sa tv kung saan nalilibang ang dalaga.
Halos disney movie lang ang kanilang pinapanood dahil iyon lang ang channel ng tv. Hindi sila nagpapalabas ng ibang pelikula para na rin sa kaisipan ng mga nanonood.
Sa kabilang banda naman, sa construction site ni giovanni kung saan tapos ng mananghalian ang mga trabahador, naabutan na niyang nagtatrabaho ang mga tauhan nito. Medyo mainit ang sinag ng araw kung kaya't may safety hat siyang suot. Hindi rin nagsasalubong ang kanyang kilay dahil nasa maayos ang kanyang kundisyon, nagreport ang foreman nitong si charlie na kailangan nila ng tiles ngayon para sa ilang bahay na natapos ng i-finish up. Tumango si giovanni bago tawagan ang pinagkakatiwalaan niya sa delivery ng mga materyales niya.
Tumungo ito sa kanyang opisina at doon saglit na nagpahinga. Balak sana niyang basahin ang mga papel na nasa mesa nito na binigay sa kanya ng timekeeper ngunit bigla ng bumukas ang pinto. Umangat ang kanyang paningin at doon tumama ang mata nito sa babaeng diretsong lumapit sa kanya, maganda ang naging ngiti ni jhenny dahil naabutan niya ngayon si giovanni. Ilang araw na rin kasi siyang pabalik-balik dito ngunit hindi nito nakikita ang binata.
“Busy ba ang sweetheart ko?” napabuntong hininga si giovanni, hindi niya malaman sa sarili kung bakit nawawalan na siya ng gana sa dalaga. Hindi tulad noon na lagi niya itong tinatawagan upang pumunta sila sa condo nila, at doon magpapalipas lamang sila ng init sa katawan at muling babalik sa trabaho. Iyon ang trabaho ni jhenny kahit na mataas naman na ang kanyang pinag-aralan, isa siyang professional na architect Naging modelo din ito at madalas na marami siyang photoshoot na pinupuntahan. Ngunit dahil nga sa karisma ni giovanni, lahat ng gusto nito ay sinusunod niya.
“I have lot's of paperworks today.” naupo si jhenny sa kandungan ni giovanni, wala naman ng naging reaksyon ang binata dahil inaasahan na nitong gagawin iyon ng dalaga. Sumandal lang ito sa kanyang swivelchair bago bumuntong hininga.
“Pati last week busy ka? Hindi naman na kita nakita sa project street mo. Saan ka ba pumunta?”
“Marami akong pinagkaabalahan, why are you asking me? Are you not contedted that i'm here in front of you?” natawa ang dalaga bago nito haplusin ang pisngi ni giovanni.
“Kontento na ako, syempre. Nakita na kita, ang tagal na nating nawawalan ng oras para sa isa't-isa. Don't tell me your already have a new bedwarmer?”
Umiling si giovanni. “I'm just busy, jhenny. And you know, i don't want any woman with my bed. You know my rules, and your the one who can satisfy me.”
Kinilig si jhenny dahil lamang sa sinabing iyon ni giovanni. Niyakap niya ang binata at tuluyang humarap dito. Ang magkabilang hita niya ay pinagparte nito habang nakaupo sa kandungan ni giovanni, inumpisan niyang halikan ang binata na hindi naman umapila sa ginawa nito. Instead he explore his hand on her back, sinubukan ni giovanni na gantihan ang halik ni jhenny tulad ng ginagawa niya dati. But he just get dissapointed because someone is missing up. Para bang hindi na siya kuntento, para bang may hinahanap siyang lambot ng labi na hindi si jhenny ang nagmamay-ari.
And because his thinking on the woman who never leave his mind. She immediately appeared on his front, ang nakikita niyang babae na nakaupo sa kandungan nito ay ang tinatawag niyang weirdo. He almost feel his hardness but this is unfair for jhenny. Nang itulak niya ito upang humiwalay, muli ng bumalik ang imahe ni jhenny na ngayo'y kunot ng todo ang noo dahil muli na naman siyang inayawan ng binata.
“What is the problem again, giovanni?”
Umiling ang binata. “Just leave me, i will call you tonight.”
“Im not free this evening, may kliyente akong pupuntahan. Ano bang problema kung ngayon na?”
“Don't you understand what i'd said? Im not in the mood now to do that, im tired today! Just fvcking leave me!”
Frustated si giovanni ng tumayo siya, halos mapakapit si jhenny sa lamesa dahil sa ginawang iyon ni giovanni. Tumungo ito sa bintana at doon napahilamos, dahil nadismaya rin naman na ang babae ay tuluyan na nga niyang iniwan si giovanni sa loob kung saan humugot siya ng sigarilyo sa loob ng kanyang suit. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili ngunit walang epekto, hindi pa rin umalis sa isipan nito ang dalaga. Lalo lang yatang gumulo ang isipan nito ng mahalikan siya ng dalaga kanina, hindi niya halos makalimutan iyon kaya't para na lamang siyang masisiraan ng ulo.
“Maybe this is normal, vanz. Huwag mong masyadong isipin ang babaeng iyon, she's just nothing okay? Wala ka namang gusto sa kanya.” tumango-tango ang binata bago muling bumalik sa swivel chair nito, doon niya inubos ang kanyang sigarilyo bago hugutin ang cellphone niya. She immediately check her phone to open her messenger, maraming messages doon kabilang na ang mga naka-fling niyang babae bago niya makilala itong sinasabi niyang weirdo.
Naghanap siya sa mga magagandang babae na nagpadala ng mensahe sa kanya. They all sending a lot of hearts and invitation to attend him the bar tonight. Sinubukan niyang replayan ang isa upang pumayag, baka sakaling naghahanap lamang ng ibang babae ang sistema niya dahil nagsawa na ang katawan nito kay jhenny.
“Yes, this is right. Maybe i jusy want a new woman, concern lang naman ako sa weirdong iyon kaya ko siya pinayagang bumalik, yeah. Tama ka..” napahilamos siya sa sarili nitong mukha, medyo napahawak pa siya sa ulo dahil napaghalataan na nito sa sarili niyang kinakausap na nito ang sarili ng mag-isa. “Sh*t! Im not cr@zy! Oh god. What happening to me!”
NANG GABING IYON tumungo nga ng bar si giovanni upang i-meet ang babaeng dati na niyang nakasama. He tried to enjoy himsef and drink a lot of wine, nilasing talaga nito ang sarili upang mawaglit sa isipan nito ang babae, he invited the woman to go on his condo that she immediately agree. And for his surprise, ibang dalaga lang ang nakita nito pagpasok nila sa condo. Halos mawala ang kalisangan niya dahil kahit sino yatang babae ang makaharap nito ay ang imahe pa rin ng weirdo ang siyang nakikita niya.
As usual, nothing happen again between on giovanni and the new woman he brought on his condo. Pinauwi rin niya ito ng bigo, and that evening is the hard part for giovanni that he can't make out with other girls because of that weirdo. Halos mag-iisang buwan na siyang tigang, hindi niya akalain na magagawa niya iyon sa buong buhay ng kabataan niya. Kung dati ay pinagtatawanan nito si philip dahil umiwas siya sa babae para sa girlfriend niya, then now. The karma hit him, bumalik lang yata sa kanya ang nangyayari sa kaibigan niya.
“Oh, fvck! This is bullsh!t”
AFTER Two days of being frustated, lolo rodolfo knock on his room. Akala ni giovanni magiging excited siya kung darating ang araw na ito, but he won't get up on his bed to go out and fetch that weirdo. Sinabi kasi nito sa lolo niya na sasama siya sa pagsundo, but he change his mind. Baka lalo lang tumatak sa isip nito ang dalaga kung gagawin niya 'yon. But this is what he wanted, to bring her back that woman because of carlo.
Napapikit siya bago tuluyang tumayo upang pagbuksan ang senyor. Magulo ang kanyang buhok at nakapantulog pa ito ng salubungin niya ang matanda. Nangunot ang noo ng senyor dahil sa ayos ni giovanni na mukhang kakagising lang.
“Akala ko ba sasamahan mo ako? Bakit hindi ka pa nakabihis?”
Hinawakan ni giovanni ang kanyang batok bago mangiwi. “Im not feeling well, lo. Kayo na lang ang sumundo sa kanya.”
“May hang-over ka na naman! Bakit ba bumalik ka na naman sa pagba-bar mo!”
“Stress lang ako, lo. Kailangan ko rin naman mag-enjoy!”
“Tsk, bahala ka sa buhay mo! Ayusin mo ang sarili mo, ako na ang magsusundo sa kanya! At kailangan tratuhin mo na ito ng maayos dahil kagustuhan mo rin na bumalik siya!”
Napabuntong hininga si giovanni. “Fine..”
NANG umaga 'ngang iyon ay si lolo rodolfo na ang sumundo sa dalaga. Medyo kinakabahan si giovanni sa hindi niya malamang dahilan. Ilang minuto itong naging tulala bago maisipang maligo, halos tumagal ito sa loob ng banyo dahil naiinis siya sa sarili. Pero wala naman na din siyang magagawa dahil tama ang kanyang lolo, kagustuhan rin naman na niya ito kaya't kailangan na niyang harapin ang dalaga.
Mahigit isang oras ang lumipas ng muling bumalik ang sinasakyang kotse ng senyor. Nasa tapat na ng bahay si giovanni habang kasama ang ilang kasambahay at si yaya corazon, naunang bumaba ang senyor ng pagbuksan siya ng isang guwardya. May isang tauhan rin na nagbukas kung saan naroon ang dalaga.
Bumaba ito ng kotse na may suot na mahabang pantalon at isang itim na blouse. May hawak siyang libro na hindi matukoy ni giovanni kung ano iyon.
Ngumiti ang dalaga ng tuluyan siya nitong makita. Ang suot nitong damit ay may markang bella at mga paro-paro, tumakbo ang dalaga kay yaya corazon upang yakapin ang ginang. Bakas ang tuwa sa mukha ng habang isa-isang niyakap ang anim na kasambahay at dalawang hardinero. Nalaglag ang panga ni giovanni dahil sa ginawa niyang iyon, inisip nito na kung bakit mas nauna pa niyang niyakap ang mga ito kesa sa kanya.
But after a second, she face him with a beautiful smile. Tumakbo siya patungo kay giovanni at agad ng lumukso upang sumampa sa katawan nito. Inalalayan siya ng mga tauhan upang hindi ito matumba dahil sa ginawang iyon ng dalaga. Napamura na lamang si giovanni habang dinadama ang mahigpit na yakap ng dalaga.
“Gio!” humiwalay din ang dalaga bago tuluyang ipakita ang hawak nitong libro. “Gio!” isa iyong fairytale story na pinamagatang beauty and the beast na kung saan ang babaeng bida ay si belle. Tinuturo nito ang babae na na nasa cover bago niya ituro ang sarili.
“Belle?” kunot ang noo ni giovanni ng itanong iyon, tumango ang dalaga. “Gusto mong maging si belle?” umiling ang dalaga, nakanguso dahil hindi nito maintindihan ang nais niyang sabihin.
“Bella? Belinda?”
Umiling ang dalaga, nais sana niyang sabihin na gusto nitong panoorin iyon dahil binabasa iyon madalas ng kasama niyang bingi sa house of child. Kaso hindi naman siya maintindihan ng binata kung kaya't nakasimangot siya.
“You want me to call you that name? Belinda?” ngumuso ang dalaga ngunit hindi na lamang siya umimik, maganda naman na sa pandinig niya iyon at katunog din ng naririnig niya sa kwento.
“Then, from now on. You are Belinda.” akala ni giovanni ay magiging mahirap para sa kanya ang araw na ito, ngunit nagtataka rin siya sa sarili dahil lahat ng gumugulo sa isipan nito ay tuluyang nawala, para bang ang payapa ngayon ng buong sistema niya.
.....“Welcome home, belinda...” sa pag ngiti ng dalaga, inisip ni giovanni na nagustuhan niya ang pangalang iyon. At dahil sa ngiti ni belinda, para na siyang nawala sa sarili dahil sa sobrang tagal ng titig nito sa dalaga.
*********
To be continued.....
Oha, tama kayo dahil si giovanni nga ang nagbigay ng pangalan kay belinda. But he prepared to call her bella soon. ❤️