Third Person Pov.
(Carlo Hevarez)
Kakaiba ngayon ang nararamdaman ni giovanni dahil nga sa nalaman nitong may tutor na agad ang dalaga. Ang mas ikinamamangha pa nito ay nagvolunteer lang ang lalake kahit na may bayad dapat iyon.
Iniisip ni giovanni na baka may ibang motibo ang lalakeng iyon sa dalaga kung kaya't libre lamang ang pagtuturo niya dito.
Malaki ang foundation na pinuntahan nito kaya't maraming bata at ilang katulad ng dalaga ang naroon sa house of child. Medyo may kalayuan ang nilakad nila bago sila makarating sa isang silid kung nasaan nga ang dalaga at ang tutor nitong tinatawag nilang carlo.
Dalawang madre lamang ang nakasama ni giovanni na magtungo sa silid na kinaroroonan nila. Hindi sila tuluyang pumasok kundi huminto lamang sila sa mga bukas na bintana at doon sinilip nga ang dalawa na abala sa ginagawa.
Biglang nangunot ang noo ni giovanni sa nakikita. Para bang ang sakit sa kanyang mata na makitang may ibang lalakeng katabi ang nakilala niyang dalaga, nakaupo sila sa isang armchair at magkatabi lamang ang upuan nila ni carlo hevarez. Sinusubukan ng binata na turuang magbasa muna ang dalaga na minsa'y nabibigkas naman nito. Doon nila tuluyang napag-alaman na hindi talaga pipi ang dalaga at may kakayahan pa rin itong magsalita.
Hindi nga lang nila alam ang buong storya ng buhay nito. Hindi kasi siya makapagsalita o makapagsulat man lang upang masabi ang nangyari sa kanya.
“Magaling po na tutor si sir carlo, siguradong mabilis ang magiging pagbabago ng dalaga. Wala pa kaming maibigay na pangalan sa kanya sa ngayon..”
Hindi nagbigay imik si giovanni. Ang focus nito ay nasa dalawa dahil sinusuri nito ang galaw ni carlo. Bahagya niyang kinagat ang labi ng makitang tumaas ang kamay ni carlo, lumapag iyon sa sandalan ng dalaga dahilan upang tumaas ang kilay ni giovanni.
“Libre lang sana ang pagtuturo ni sir carlo, ngunit ayaw pumayag ng lolo niyo dahil baka unfair daw sa ibang kliyente niya..” hindi nakikinig si giovanni sa sinasabi ng madre. Hindi na kasi ito mapalagay dahil nga nakikita na niyang umuusog ang kamay ni carlo patungo sa balikat ng dalaga.
Tinapik-tapik iyon ni carlo dahil natutuwa ito sa kadahilanang mabilis makabigkas ang dalaga.
Dahil doon pumaling ang ulo ni giovanni. “That mother fvcker id/iot.” he murmured while glaring at them. Nangunot ang noo ng madreng katabi niya.
“May sinasabi ba kayo, sir martinez?” mabilis na napalingon si giovanni sa dalawang madre. Pilit itong ngumiti bago umiling. Muntik na nitong makalimutan na may kasama pala siya, mabuti na lamang pala ay pabulong lamang ang kanyang pagmumura.
“Can i enter the room?” mabilis naman ng tumango ang kausap nito. Pinahintulutan si giovanni na pumasok ng silid kung saan agad niyang naagaw ang atensyon ni carlo. Hindi sana nais magpapasok ni carlo dahil nga mas gusto nitong hasain sa pag-aaral ang dalaga. Ngunit ng makilala nito ang pumasok mabilis na ngumiti ito at tuluyang tumayo.
“Kayo pala..” anas niya ng salubungin si giovanni. Ngayon napag-alaman ni giovanni na kilala pala niya ang carlo na tinutukoy nila, madalas niya nga itong makita sa mga foundation at ang lalakeng kaharap niya ngayon ay pinsan ni jhenny. Ang architect na ka-fling nito.
Hindi siya pinansin ni giovanni. Tumingin siya sa dalaga na ngayo'y hindi pa rin ito nakikita dahil nga nakaharang si carlo. Ngunit ng tuluyan siyang makita ng babae, biglang namilog ang mata nito ng mamukhaan niya si giovanni. Agaran siyang tumayo at mabilis na tumakbo upang yakapin ang binata.
Muntik pa itong mawalan ng balanse dahil sumampa talaga ang dalaga sa kanya. Mahigpit na hinawakan ni giovanni ang babae na ngayo'y nakapalupot ang magkabilang paa sa likuran ni giovanni. Napamura ang binata dahil sa ginawa niyang iyon, ramdam niya ang pagkasabik ng dalaga dahil sa pagyakap nito, hindi pa sana niya ibaba ang babae ngunit nahihiya naman na si giovanni sa mga kasama niyang madre.
“Namasyal lang ako dito upang tingnan ang buong lugar.” iyon ang sinabi ni giovanni na para bang hindi pa nais diretsuhin ang dalaga. Ayaw nitong ipaalam na siya mismo ang ipinunta niya rito, hindi niya alam kung naiintindihan ba siya ng babae dahil nakangiti lang ito na nakatingin sa kanya.
“Mukhang malapit sa'yo ang studyante ko, gustong gusto ka niya kumpara sa mga ibang lalakeng narito..” nilingon ni giovanni si carlo, pinaparamdam nito sa binata na hindi niya nagugustuhan ang kanyang presensya.
“Tanggapin mo na ang perang binibigay sa'yo ni lolo. Ayokong may masabi ang ibang kliyente mo dahil libre ang serbisyo mo sa babaeng dinala ni lolo dito.”
Ngumiti si carlo sa sinabi niyang iyon. “Wala naman problema sakin kahit hindi ako tumanggap ng pera. I just want to help her, medyo nabibigkas na nito ang mga alphabeto..” tumaas ang kilay ni giovanni.
Bigla nitong inisip kung ano ba ang tunog ng boses niya. Hindi niya pa narinig magsalita ang dalaga at para bang gustong gusto niyang mapatunayan sa sarili na totoo ang sinasabi ni carlo.
“It's been two weeks since she transfer here, magaling na agad siya?” tumango si carlo.
“Hindi naman na siya mahirap turuan, halatang gustong gusto rin nitong matutong magsalita. For now, mga alphabets muna ang ituturo ko sa kanya bago ito tuluyang bumasa.”
“Okay.” that's what giovanni answered, a very short words and not interested on him. “Maybe i can invite her to eat..” sa dalaga na ngayon siya bumaling, hindi pa rin nawawala ang ngiti nito dahil hindi siya makapaniwala na nakikita niya ngayon si giovanni, sa buong dalawang linggo. Umaasa ang dalaga na bisitahin siya ni giovanni tulad ng ginagawa ni rodolfo. Akala niya ay hindi na nito makikita ang binata, ngunit dahil nasa harapan niya ngayon si giovanni. Hindi napapawi ang kanyang magandang ngiti habang nakatingin sa gwapong mukha ni giovanni.
“Gusto mo bang kumain?” mabilis na tumango ang dalaga dahil sa sinabi ni giovanni. Dahil doon hinayaan sila ng dalawang madre na lumabas, naiwan sa loob ang tutor nito na hindi sana sang-ayon sa pagtangay ni giovanni sa babae.
Lumabas sila giovanni habang hawak nito ang kamay ng dalaga. Masaya ang babae kahit na medyo marahas ang pagkakahawak sa kanya ng binata at halos hilain na niya ito palayo sa lugar na 'yon.
Huminto sila sa maraming puno, doon sila sa silong ng punong narra kung saan hindi sila naiinitan. Doon binitawan ni giovanni ang kamay ng dalaga at tuluyan itong hinarap ng may salubong na kilay.
“Do you really want that ugly guy to be your tutor?” nangunot lang ang noo ng dalaga dahil sa sinabing iyon ni giovanni. Sa totoo lang, hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito dahil unang-una ay wikang ingles iyon. “Hindi ako nagtitiwala sa mukha ng lalakeng 'yon. Nakapagtataka lang na libre kanyang tinuturuan.” nakatingin lang sa kanya ang dalaga habang sinasabi iyon. Alam ni giovanni na walang kwenta lahat ng sinasabi niya dahil hindi rin ito magsasalita.
Ngunit nais niyang iparating sana sa dalaga na huwag basta-basta makikihalubilo kahit kanino. Kahit mabait pa ang ipinapakita nito sa kanya ay hindi mo naman talaga alam ang totoong pakay niya sa babae.
“Makinig ka sakin, hindi dapat maging magaan ang loob mo kahit kanino. Hindi mo kilala ang lalakeng iyon, alam mo. Ako lang ang mabait sayo, kaya sa akin ka lang magtitiwala maliwanag ba?” dalawang beses na kumurap ang dalaga habang titig na titig kay giovanni, kalauna ay itinuro nito ang binata dahilan upang tumango ito.
“Yes, sa akin lang. Hindi ba dahil sakin kaya't nakilala mo si lolo, kaya ka narito. Ako lahat ang rason, kaya dapat lang na magpasalamat ka.” tumango ang dalaga dalawang beses bago duruin ang matigas na dibdib ni giovanni.
“G-gio...” napamaang ang binata dahil sa ibinigkas nito. Natigilan siya at maski kumurap ay hindi nito nagawa, ngumiti ang dalaga bago nito pindutin ang ilong ng binata. “Gio..” doon na napakurap ang binata at tuluyang nakabawi dahil sa biglaang pagsasalita ng dalaga. Ito ang unang beses na marinig nito ang boses niya, at hindi nito akalain na sa loob ng dalawang linggo ay masasabi ng dalaga ang unang bigkas ng pangalan niya.
“Y-you can speak now, hindi ka talaga pipi?”
“Gio..” nangunot ang noo ni giovanni dahil iyon lang ang lumabas sa bibig ng dalaga. Bago iyon tinapik ng dalaga ang tiyan nito senyales na sinasabi nitong gutom siya.
Napabuntong hininga si giovanni bago ito mag-iwas ng tingin. Buong akala pa naman niya ay tuluyan na itong makapag-sasalita. Iyon pala, bukod tanging maikling pangalan lamang niya ang kaya nitong bigkasin. Pero magandang simula iyon, atleast nalaman niyang may chance na makausap niya ito ng maayos, iyong tipong hindi siya nagmumukhang ba/liw pag hindi siya sinasagot ng dalaga.
BUONG maghapon na nag-stay si giovanni sa lugar na iyon. Lumisan din agad si carlo dahil hindi ito makasingit kay giovanni sa kadahilang ayaw talagang lumapit ni giovanni ang carlo na iyon sa dalaga.
Kung kaya't bago kumagat ang dilim ay nagpaalam na si giovanni sa mga madre. Medyo nakabusangot ang mukha ng dalaga dahil alam niyang aalis na ito, buong akala pa naman ng dalaga ay isasama na siya ni giovanni paalis. 'Yun pala ay bumisita lamang ito sa foundation upang makita siya.
“I will going to visit you here again.” nakanguso ang dalaga na para bang bata. Sa totoo lang, ayaw ng dalaga na maiwan dito. Gusto na niyang bumalik sa mansyon ng mga martinez upang muling makasama ang mga taong naroroon.
“Gio...” nais sabihin ng dalaha na gusto nitong sumama at hindi na niya nais maiwan doon. Ngunit dahil nahihirapan pa rin itong magsalita ay hindi nito maibigkas ang mga katagang nais niyang bigkasin. Iyon na kasi ang nakasanayan niya simula bata pa lang, noon pa ito hindi nakapagsasalita simula na mawalay siya sa mga magulang. Naging hadlang rin sa pagsasalita nito ang ilang trauma na nangyari sa nakaraang buhay niya.
“Huwag matigas ang ulo mo dito, makinig ka kila sister, understand?” umiling ang dalaga dahilan upang mapabuntong hininga si giovanni. Nagmamakaawa ang kanyang tingin kung kaya't nag-iwas na ng tingin ang binata at bumaling na ito sa mga madre. “Im going to leave, thankyou for your time. Babalik ako upang bumisita muli dito..”
Tumango sila. “Salamat, mr martinez. Makakatulong na sa amin ang inabot mong donasyon, aasahan ka namin muli dito.”
Ngumiti ang binata at tuluyan ng tumalikod. Hindi na nito nais tingnan pa ang dalaga dahil tiyak na nagmamakaawa pa rin ang kanyang dating. Dumiretso na ito sa kotse niya kung saan nakapark iyon sa labas ng foundation, naisin man nitong hindi na sumulyap sa dalaga ngunit hindi niya mapigilan ang sarili.
At doon nga nakita pa rin nitong nakatayo ang dalaga kung saan niya ito iniwan kanina.
“Fvck!” mariin na napamura siya bago pumikit. Pinilit nitong labanan ang sarili at mas pinili nitong lumisan at huwag ng tingnan pabalik ang dalaga. Mabibigat ang bawat paghinga na lumalabas sa bibig niya, hindi nito maipaliwanag sa sarili kung bakit hindi na niya nais iwanan ang babaeng naroon. Ngunit ayaw naman niyang magmukhang tan/ga, alam nitong mas makakabuti sa dalaga na manatili doon upang mas lalong mahasa siya sa lahat ng bagay.
Ngunit naguguluhan si giovanni. Halos naging mabagal ang pagmamaneho nito kung kaya't ginabi na siya ng pag-uwi. Naabutan na nito ang lolo niyang nasa sala habang humihigop ng tsaa. Umangat ang tingin ng matanda matapos pumasok ng giovanni sa sala, hinubad ng senyor ang suot nitong salamin at tiningnan ang apo dahil naupo ito sa isang single sofa malapit sa kanya.
“Bumisita ka pala sa foundation ngayon?” bumuntong hininga si giovanni bago tumango, inaasahan na niyang malalaman ng lolo nito ang ginawa niyang pagbisita roon. Tiyak na nakapag-report na ang mga taong naroon o hindi naman kaya ay ang tutor ng dalaga na si carlo.
“Binisita ko lang siya, nagbigay na rin ako ng kaonting donasyon..” malaki ang ngiti ng senyor dahil sa narinig. Tila ba bago iyon sa pandinig ng matanda dahil ito ang unang beses na magkusang tumungo si giovanni sa ganoong lugar. Minsan kasi ay pinipilit pa siya ng matanda na sumama sa kanya, pero ngayon. Isa itong himala para sa senyor kung kaya't kakaiba ang kanyang ngiti.
“Naging magaan na rin ba ang loob mo sa kanya?”
Nag-iwas ng tingin si giovanni bago umayos ng upo. “Pumunta lang ako roon upang tingnan ang lagay niya. Mukhang maganda naman na roon ang kalagayan niya dahil may nakakasama itong tulad niya.” tumango ang senyor sa sinabi ng apo.
“Tama ka, ikinuha ko nga ito ng tutor ngunit nagvolunteer na pala si carlo. Ayun at hindi gustong kunin ang perang ibinigay ko..” naging masama ang timpla ni giovanni matapos marinig ang pangalan ng lalakeng 'yon.
“Bakit ba lalake ang kinuha niyo para sa kanya. Hindi ko gusto ang carlo na 'yon, mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan!”
Natawa ang matanda. “Mabait naman na tutor si carlo, professional iyon at mapapadali ang pagsasalita nito kung siya ang mag-aantabay sa babaeng iyon. Marami na siyang pasyenteng hinawakan na tulad niya, alam kong makakabuti para sa kanya si carlo.” umiling lamang si giovanni. Hindi na ito sumagot ngunit hindi pa rin siya kumbinsido, wala lamang siyang magagawa dahil mismong lolo na pala niya ang nagpasya na si carlo ang tatayong tutor ng dalaga.
NANG gabing iyon, hindi halos mawala sa isip ni giovanni ang dalaga. Para bang nakatatak sa isip nito ang imahe niya dahil sa tuwing pipikit ito, mukha ng dalaga ang kanyang nakikita. At ang mas malala pa, nakangiti ito. Maging ang pagtawag niya sa kanya na gio ay umeecho pa rin hangga ngayon sa pandinig ng binata.
Dahil sa nangyaring iyon, naisipan niyang huwag munang bisitahin ang dalaga. Lumipas muli ang dalawang linggo na hindi niya pagbisita roon, ngunit sa tagal ng araw na 'yon ay hindi na siya halos mapakali sa pagtulog. Mas lalo lang siyang ginugulo ng kaisipan nito at para bang may bumubulong sa kanya na puntahan na nito ang dalaga.
Kung kaya't ng araw nang linggo ay naisipan na niyang dalawin ang dalaga. Nagpahanda ito ng almusal kay yaya glor habang nagkakape siya sa mesa, dumating ang lolo nito at mukhang may lakad din dahil bihis na bihis ito. Umupo ang senyor sa harap ni giovanni bago siya magpagawa ng tsaa sa isang kasambahay.
“Ayaw mo bang sumama sakin ngayon sa foundation?” mabilis na nakuha ng senyor ang atensyon ng apo. Hindi kasi sinabi ni giovanni na tutungo siya ngayon doon upang bisitahin ang dalaga. Tila ba nagbunhi ang buong sistema ng binata dahil makakakuha ito ng rason upang tumungo doon.
“May ibang lakad sana ako ngayong araw, kaso kung pipilitin niyo ako sumama. Sige lang.”
“Mas mainam ng sumama ka sakin, ipagpaliban mo muna iyang lakad mo.” tumango si giovanni bilang pag sang-ayon. Isang oras pa muna ang ginugol nila bago sila tuluyang umalis ng mansyon, dala pa rin ni giovanni ang pagkaing ipinaluto nito kay yaya glor. Nakapaloob iyon sa paperbag habang nasa likuran ng kotseng sinasakyan nila.
Siya na mismo ang nagmaneho patungo roon habang nasa passengerseat ang senyor. Walang kamalay malay ang matanda na natutuwa ang apo sa pagpunta nila ngayon sa foundation. Paaabutin pa sana ni giovanni ng isang buwan ang hindi pagbisita doon ngunit hindi na siya pinatatahimik ng kaisipang baka dumadamoves na ang carlo na 'yon sa dalaga.
Mabilis na ipinarada ni giovanni ang kotse sa parkinglot ng marating nila ang destinasyon. Agad na silang nakilala ng mga guwardya kung kaya't nag-abisa sila sa loob na dumating ang maglolo.
Sa pagpasok nila sa loob ay agad ng sumalubong sa kanila ang head management ng house of child maging ang ilang sister na tagapag-alaga ng mga bata. Natutuwa silang muli dahil tiyak na magkakaroon muli sila ng donasyon sa pagbisita ng dalaga, inutusan ng senyor ang dalawang guwardya na ibaba sa kotse ang mga dala niyang school supplies para sa mga bata. Agad nilang sinunod ang utos nito kung kaya't muling nagfocus ang senyor sa mga kaharap.
Ngunit ang kanyang apo ay hindi na mapalagay. Naiinip na ito at nais na niyang makita ang dalaga, ngunit hindi rin nagtagal ang nararamdaman niyang inip. Namataan na kasi nito ang tumatakbong dalaga sa hindi kalayuan, may babaeng humahabol sa kanya na mukhang pinipigilan ito. Ngunit nakuha niyang nakatakas at mabilis na lumukso kay giovanni upang sumampa sa katawan nito.
Mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa dalaga. Halos mapaatras ito dahil sa biglaang ginawa niyang paglundag. Ngunit nagawa naman ng tumayo ni giovanni ng maayos bago ayusin ang pagkakahawak sa dalaga na ngayo'y nakapalupot na naman ang dalawang paa sa likuran ng binata.
“Gio!” ramdam ni giovanni ang tuwa sa tinig ng dalaga. Maging sa higpit ng yakap nito na halos hindi na siya makahinga. Sinuway ng ilang guwardya ang dalaga ngunit sumenyas lang si giovanni na ayos lang.
Doon humiwalay sa yakap ang dalaga bago tingnan ang mukha ni giovanni. Ngumiti ang dalaga na hindi pa rin bumababa sa katawan ng binata.
“Gio..” muli nitong binigkas ang pangalan ng binata. Hindi maipaliwanag ni giovanni kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya habang nakatingin ngayon sa dalaga na walang ibang ginawa kundi ngumiti sa binata.
**********
to be continued.....