Chapter 7

2572 Words
(Visit Her) Third Person Pov. Huling araw ng dalaga sa mansyon ng mga martinez. Alam niyang aalis na ito sa mansyon kung kaya't medyo nalulungkot ang dalaga, hindi sana niya nais umalis dito dahil mas nagugustuhan niyang manatili sa mansyong iyon. Kahit minsa'y masama ang pagtrato sa kanya ni giovanni, nagugustuhan pa rin niyang makasama ito. Ngunit dahil nga sa nangyaring sunog noong isang araw. Natakot na ang dalaga at hindi niya maiwasang mahiya dahil alam niyang nagkamali ito, ngunit ang pangyayaring iyon ay hindi naman niya sinasadya. Nagulat lamang ito kay giovanni kung kaya't natamaan nito ang mantika na mas lalong nagpalablab sa nakasinding stove. Ngayong umaga, nakaupo ang dalaga sa likurang bahay. Tulala siya sa malaking swimming pool habang nakapangalumbaba sa mesa. Alas otso na ng umaga ngunit hindi pa ito kumakain, nakakaramdam ito ng gutom ngunit hindi siya makakain sa kadahilang aalis na ito sa mansyon. Mula sa hindi kalayuan, sumulpot si giovanni dahil nga hinahanap nito ang dalaga. Medyo maayos na ang pakiramdam ni giovanni dahil nga iniiwasan niya ang dalaga. Naapektuhan talaga siya sa ganda nito kung kaya't ninais rin niyang umalis na ang babae. Napabuntong hininga si giovanni habang nakatingin sa dalaga, pansin niyang malungkot ito habang nakatingin na ngayon sa malayo. Nasabi kasi ni yaya glor na hindi pa nag-aalmusal ang dalaga kaya't itong si giovanni ay agad ng nilapitan ang babae upang agawin sana ang atensyon niya. Ngunit diretso na ang tingin ng dalaga, nakatingin siya ngayon sa dalawang ibon na nasa puno. Hindi nito napansin ang pagdating ni giovanni na biglang naninibago ngayon sa inaasta niya. “Kumain ka na..” hindi inasikaso ng dalaga ang tinig na narinig niya. Mas lalo kasing naaagaw ang atensyon nito sa dalawang magandang ibon. Dahil doon marahas na napabuntong hininga si giovanni bago mag-iwas ng tingin. Iniisip ng binata na baka nagtatampo ito dahil nga aalis na siya, pero walang plano ang binata na magbago ng isip. Desidido na itong paalisin ang dalaga at hayaan na lamang mapunta doon sa house of child foundation. Tumayo ang dalaga mula sa pagkaka-upo, iniwan nito si giovanni na ngayo'y kunot na kunot ang noo dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ng dalaga. Ang hindi nito alam, lalapitan lang ng babae ang mga ibon kung saan naroon iyon sa sanga ng bayabas. Napailing si giovanni habang nakatingin ngayon sa dalaga. Napangiwi pa ito dahil iniisip niyang baka gusto na naman niyang kumain ng bayabas. Pero masyadong maaga pa, hindi ba't sasakit ang tiyan niya pag kumain ito ng bungang iyon? Mariin na napamura si giovanni dahil sa tanong ng isip niya. Pakialam ba niya kung sumakit ang tiyan ng dalaga? Muli ay lumapit si giovanni sa babae, hinawakan niya ang braso nito dahilan upang magulat at mapalukso ang babae. Dahil nalalapit lang sa pool ang kinatatayuan nito, nahulog ang dalaga roon. Biglang nanlaki ang mata ni giovanni dahil sa nangyari, hindi rin niya inaasahang magugulat nito ang dalaga at biglang mahuhulog sa pool. “Fvck!” napamura siya ng hindi nito makitang umahon ang dalaga. Malalim ang pool na iyon kung saang parte nahulog ang dalaga. Mabilis na hinubad nito ang tshirt upang lumukso palusong sa pool. Sumisid ito upang hanapin ang dalaga na agad niyang nakita, agaran nitong inabot ang kamay ng dalaga na ngayo'y nasa kailaliman na ng tubig. Nagmamadali siyang umahon upang bigyan ng hangin ang dalaga, ngunit dahil yata sa matagal na pagkakalubog nito ay nakainom na siya ng tubig at nawalan na ng malay. Inihiga niya ito sa gilid ng pool kung saan agad niyang ginising ang dalaga. Ngunit sa kadahilang hindi nagmulat ang mata nito, no choice siya kung hindi gawin ang CPR. Binigyan niya ito ng hangin mula sa bibig kung saan nagdampi ang labi nila, ilang beses niyang itinaas baba ang kamay nito sa dibdib ng dalaga hangga sa tuluyang maubo ito at lumabas ang tubig na nainom niya. Mabilis niya itong pinaupo habang nauubo pa rin ang babae. Hinahagod nito ang likuran niya at tuluyan ng nakahinga si giovanni ng makitang maging maayos ito. “Hindi ka ba marunong lumangoy?” tiningnan lang siya ng babae na ngayo'y basang basa dahil nga sa pagkahulog nito. Ngunit naisip rin ni giovanni kung paano matutunan ng isang tulad niya ang paglangoy kung pagsasalita man ay hindi niya magawa. “Tsk, isn't my fault that you get fell. Kasalanan mo dahil magugulatin ka! Magbihis ka na 'don!” muling nagbalik sa pagiging masungit si giovanni. Tumayo siya dahil hindi na nito nais pang lumapit ng ilang distansya sa dalaga. Dahil doon, nagtangkang tumayo rin ang babae ngunit bigla'y mawawalan siya ng balanse. Agad ng nahuli ni giovanni ang kamay nito at mabilis na niyakap ang bewang upang hindi siya tuluyang natumba. Mabilis na nagtama ang kanilang mata na naging dahilan upang mapalunok si giovanni. Muling dumapo ang mata niya sa labi ng dalaga ng sandaling iyon, kahit walang lipstick na gamit ang babae. Natural na mapula ang kanyang labi na sobrang perpekto ang hugis. Hindi rin maipagkakaila ng binata na napakalambot ng labi nito, kakaiba ang pakiramdam niya ng halikan nito ang babae kanina upang bigyan ng hangin. Dahil sa kaisipang iyon, biglang nawala sa sarili si giovanni kung kaya't muli nitong dinampian ng halik ang dalaga. Natulala lamang ang babae dahil sa ginawa niyang iyon, hindi ito gumalaw kundi ilang beses lang itong kumukurap habang nakatingin sa mata ng binata na nakapikit ngayon. Habang ang binata ay tuluyan ng nilamon ng kakaibang pagnanasa. Nagawa niyang halikan ang babae hangga sa bigla na lang niyang marinig ang tinig ni yaya glor. “Giovanni...” mabilis na nabitawan niya ang dalaga dahilan upang mapaupo muli ito sa sahig. Napangiwi ang dalaga sa sakit ng pagkabagsak niya, doon na din tuluyang lumapit si yaya glor upang kausapin si giovanni. “Narito na ang mga kukuha sa dalaga, naghihintay na sila sa sala...” wala sa sariling tumango si giovanni, tumayo na rin ang dalaga at agad ng lumapit kay yaya glor. Biglang nagtaka ang ginang kung bakit mabasa ang buong katawan ng dalaga. Nangunot ang noo niya bago nito kunin ang tuwalyang nasa gilid ng bed chair. “Bakit basang basa ito, giovanni?” hindi makatingin ng diretso si giovanni bago nito hawakan ang batok niya. “N-nahulog ito sa pool k-kanina..” “Ano kamo!” mabilis na sinuri ng ginang ang dalaga kung hindi ba ito nasaktan. “Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” umiling ang dalaga sa sinabi nito. Inosente pa itong tumingin kay giovanni na ngayo'y hindi mapalagay sa nangyari. Bigla itong napaisip kung bakit niya hinalikan ang dalaga, naiinis siya sa sarili at nais niyang i-untog ng paulit-ulit ang noo sa sahig. “Magbihis ka na muna, magpahinga ka dahil narito na ang mga susundo sa'yo..” biglang napanguso ang dalaga at tuluyan ng bumagsak ang balikat nito. Sinulyapan pa nito si giovanni upang sana'y maawa ito ngunit tumalikod na ang binata na hindi nagbibigay imik. Tuluyan ng yumuko ang dalaga, nalulungkot siya dahil nga hindi nito nais umalis. Nagugustuhan na niya ang pananatili dito at napamahal na siya kay lolo rodolfo at yaya glor. Lalong lalo na kay giovanni na walang inatupag kundi sungitan siya. Ngunit gayun pa man, pinahahalagahan nito ang binata dahil nga siya mismo ang nagdala sa kanya dito sa mansyon. MATAPOS magbihis ng dalaga, agad na itong tumungo ng sala kasama ni yaya glor. Dala na nito ang mga gamit niya habang bagsak pa rin ang balikat. “Huwag ho kayong mag-alala, magiging maayos po siya doon.” tumango si yaya glor sa sinabi ng babaeng magsusundo sa dalaga, marami na rin kasing tinulungan si senyor rodolfo na tulad sa kaso ng dalaga. At karamihan doon ay ipinapaubaya niya sa house of child kung saan dadalhin ang babae. “Tumawag na po kami kay sir rodolfo, bibisitahin na lang daw po niya ito mamaya doon.” “Sige, bibisita rin ako minsan doon upang makita siya.” tumango ang tatlong babae na may kasamang isang lalake. Kahit ilang araw lang nakasama ni yaya glor ang dalaga, magaan na agad ang pakiramdam niya dito dahil nga may anak din siyang babae. Hindi niya sana nais umalis ang dalaga ngunit wala din naman itong magagawa kundi sundin ang utos ng mga boss niya. NANG oras 'ding iyon, isinakay na nila ang dalaga sa sasakyan. Umiikot ang paningin ng dalaga kung saan nakasilip ang ulo niya sa bintana. Hinahanap nito ang binatang si giovanni ngunit hindi niya ito nakita. Ang mga kasambahay lamang ang nagpaalam sa kanya maging si yaya glor. Ngunit nakatanaw ang binata sa malaking veranda kung saan pinanood lang nito ang pag-alis ng sasakyan nila. Napabuntong hininga siya. Imbes na makaramdam siya ng tuwa, bigla lang naging mabigat ang pakiramdam nito. Para bang biglaan itong nalungkot sa pag-alis ng dalaga. “Sh/it, giovanni!” sinabunutan nito ang buhok niya bago niya sipain ang maliit na vase sa gilid. Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili–– “Okay, calm down. She's just a crazy girl, you don't need to feel this way and you supposed to be happy now, finally that weird woman is gone..” Kahit iyon ang sinabi niya, tila ba hindi kumbinsido ang isip nito. Para bang may bumubulong sa kanya na habulin sila at bawiin ang dalaga sa kanila. Ngunit mas nanaig ang pride ni giovanni, hinayaan na lang niya ang sariling nararamdaman dahil iniisip nitong na-attract lang ito sa dalaga dahil maganda siya. Maybe is that just a attraction, lust and didn't care or admiration. That woman had a power to control him, she had a power of seduction that giovanni can't fight for. Kaya't kinumbinsi nito ang sarili na mas mabuting umalis na nga ito bago lumala ang nararamdaman niya at bigla na lang umibig siya sa dalaga. –––––––– MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO.... Abala si giovanni sa site kung saan ilang bahay ang nagpa-house blessings ngayong umaga. Kumpleto silang lahat maging ang ka-fling nitong si architect jhenny. Madalas siyang hawakan ni jhenny kung saan pinaparamdam nito ang kasabikan niya sa binata. Matagal na rin kasi simula ng magsama sila at gawin ang madalas nilang ginagawa noon, nag-umpisa iyon ng makilala ni giovanni ang tinatawag niyang weirdo. Sa dalawang linggong lumipas, hindi nga maipagkakailang naging tahimik ang mansyon. Wala na ang magulong babae, wala ng nagkakalat at wala ng nababasag na baso o ano mang kagamitan nila. Naging payapa ang buong mansyon ngunit ang kaisipan ni giovanni ay tuluyang magulo. Hindi pa rin niya makalimutan ang dalaga kahit na sakit lang ng ulo ang dulot nito sa kanya. Hindi siya halos makapaniwala na ganoon kalaki ang epekto ng babaeng iyon sa kanya. “Hi, Engr. giovanni, I miss you..” hinalikan ni jhenny ang pisngi ni giovanni matapos niya itong lapitan. Nasa opisina na sila ng binata dahil ilang minuto ng natapos ang house blessings at abala na ang mga tao roon sa pagkain. Ngumiti si giovanni at hinayaan maupo nitong maupo si jhenny sa kandungan niya kung saan agad nitong hinawakan ang bewang ng dalaga. “I miss you too, sweetie..” giovanni smell her neck that make her giggle. Pinisil pa nito ang bewang ng dalaga na lalong nagpangisi dito. “I thought you didn't miss me, its almost a month since we enjoy together..” “Yeah, i've been busy this past few weeks..” “Ow, maybe your stressful. I can make you stress free today, care to try?” “Sure sweetie..” giovanni start to kiss her neck again, his hand exploring on jhenny's back to look for the lock on her bra. He can remove the hook faster before his lips landed on jhenny's chest. She moaned immediately when she feel him on her left breast. Giovanni want to try her again to forget that weird woman, but when she tried to kiss her again, his eyes become more bigger. Halos maitulak niya si jhenny na ngayo'y gulat na gulat habang nakasalampak sa sahig dahil nga sa ginawa niya. “What is your problem, giovanni!” napalunok si giovanni habang nakatingin kay jhenny. Ibang babae kasi ang nakita niya kanina ng hahalikan niya sana ito. At halos hindi makapaniwala si giovanni dahil ang weirdong babae ang nakita niya ng hahalikan na nito si jhenny. “I-im not f-feeling well, im s-sorry...” “What the he/ll again! Did you just ignoring me! We almost there!” sinamaan siya ng tingin ni giovanni. “Don't you fvcking understand what i'd said! Just come back tomorrow, leave!” “I can't believe you, giovanni!” “Or maybe you'll never going back here again?” Tumayo si jhenny bago ayusin ang sarili. Bumuntong hininga ang dalaga bago tumango. “Fine, im going back here again tomorrow. Im sorry, sweetie. See you again..” lumapit siyang muli kay giovanni upang patakan ito ng halik sa labi. Matapos 'non ay tuluyan na siyang lumabas ng opisina bago mapasandal sa swivel chair si giovanni. Kinagat nito ang labi habang iniisip ang nangyari, siguro nga ay naapektuhan na siya ng babaeng 'yon! TOMORROW, giovanni didn't go on his office to meet jhenny again. Sa ibang lugar siya dumiretso dahil hindi tumitigil ang sistema at isip niya kung kumusta na ba ang babaeng iyon. Iniisip ni giovanni na baka maging maayos muli siya kung makikita nito ang dalaga. Baka tuluyan na siyang mapanatag kung makikita nitong nasa maayos na lagay ito. Ipinarada niya ang sasakyan sa harapan ng house of child foundation. Malakas ang hangin dahil maraming puno ang nakapalibot sa buong lugar, maganda ang buong paligid at halatang maayos na maayos ang babaeng idinala ng lolo niya dito. Humakbang siya papasok upang tuluyang hanapin ang babaeng iyon. Dahil kilala siya ng mga guwardya ay agad na itong pinapasok. May mga ilang madre ang sumalubong sa kanya na silang nag-aalaga sa ibang bata. Ang ilang volunteer na guro dito ay halos kiligin ng makita nilang bumisita si giovanni. “Magandang umaga, mr martinez. Masaya kami dahil napadalaw kayo..” Ngumiti si giovanni habang pinalilibutan siya ng mga sister at guro. Idagdag mo pa ang ilang bata na natutuwa dahil sa pagdating niya. “I just want to visit the woman who transfer here last two weeks..” tumango ang mga madre. “Ang babait talaga ninyo, binibisita niyo talaga ang mga taong tinutulungan niyo. Nasa loob ito, kasama niya ang tutor niyang si Sir carlo...” Nangunot ang noo ni giovanni dahil sa narinig. “Carlo?” tumango ang kausap niya. “Nagvolunteer si sir carlo hevarez na turuan ito, ang swerte nga ng babaeng dinala dito ni sir rodolfo. Madalang lang sa mga transfere ang tinutulungan ni sir carlo, guwapo iyon at mayaman...” Kumuyom ang kamao ni giovanni dahil sa narinig. Iniisip niya na may nagkaroon na agad ng interest sa babaeng weirdo, hindi naman kasi malayong mangyari 'yon. That weird woman is hundred percent gorgeous. Nagtataka pa rin nga hangga ngayon si giovanni kung bakit nasa lansangan lang ang isang tulad niya noon. Posibleng wala siyang mga magulang, and she look's like half foreigner. “Where they are? I want to meet her tutor..” iminuwestra ng mga madre ang daan kay giovanni patungo sa kinaroroonan ng dalaga at nitong bagong tutor niya. Hindi nito alam kung bakit nakakaramdam siya bigla ng galit. Dvmn, this is weird! ********** To be Continued... Giovanni "Inlove" Martinez HAHAHA ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD