CHAPTER 1 — UNANG PARAMDAM
Si Salvannah na ang tumayong Ina sa kanilang tatlong magkakapatid buhat ng mamatay ang kanilang Ina. Ang kaniya kasing kakambal ay nawalan na ng gana sa buhay noong yumao ang Ina, ang bunso naman ay pitong taong gulang pa lamang, ang kanila namang ama ay nalulong sa bisyo. Buhat noon‚ si Salvannah na ang kumakayod upang maitaguyod ang kaniyang pamilya.
“KAILAN MO BA TUTULUNGAN ANG SARILI MO SILVANNAH‚ HINDI P-P'WEDE IYANG PALAGI KANG WALA SA SARILI‚ TULUNGAN MO NAMAN AKO OH. PARANG AWA MO NA” nagmamaka-awang paki-usap ni Salvannah sa kaniyang kakambal‚ paano ba naman ay tulala nanaman ito at maghapong hindi lumabas ng kanilang silid.
“TULUNGAN? BAKIT TINULUNGAN MO BA AKO NOONG PANAHON NA KAILANGANG KAILANGAN KITA? ANDYAAN KA BA? 'DI BA'T NAROON KA KUNG SAAN” umiiyak na sagot ng dalaga
“Anong ibig mong sabihing kung saan? lili‚ nagt-trabaho ako. Nagt-trabaho ako para may makain tayo‚ nagt-trabaho ko para sa atin ni Sally! Yun ba ang ibig sabihin mong kung nasaan lang?” naiiyak na ring sagot ng dalaga
“Hindi‚ hindi mo ako naiitindihan. Hindi rin kailanman‚ umalis ka na. Gusto kong mapag-isa” napagod sa pakikipagsagutang sambit ng dalaga
“Kaya ko‚ kaya kitang intindihin lili. Kung hindi man‚ kakayanin ko pa rin. Andito lang ako parati sa tabi mo‚ magsabi ka, makikinig ako. Bumaba ka maya maya at kumain. Maligo ka na rin hindi ko na maatim ang iyong amoy” mahinahong sambit ng dalaga bago umalis
Nagmukmok lang si Silvannah‚ hanggang sa mapagod sa kakaiyak at nakatulog na.