Chapter 2

2032 Words
CHAPTER 2 HINDI ako mapakali. Tama ba 'yong desisyon kong tanggapin ang alok mula kay Alfonso abogago? Bakit ba kasi agad-agad akong pumayag? "Ang laki mong tanga, Isabela! Hindi ka muna nag-isip nang mabuti 'yan tuloy," sermon ko sa aking sarili. Pa'no naman kasi subra-sobra ang pag-aalala ko sa aking kapatid na nasa pagamutan ngayon. Mayamaya ay nagising ang natutulog kong utak. "Tama! Lalapit nalang muna ako kina senior at madam Alcantara para humingi ng advance." Monologue ko. Akma na sana akong pupunta sa mag-asawang, Alcantara nang biglang may tumawag sa'kin. "Isabela?" Para akong nahipmotismo ng oras na iyon dahil sa boses ni Alfonso. Parang may kung anong humigop sa akin na lingunin ko siya. Naka tayo siya at naka-pamulsang naka titig sa kabuuan kong anyo. Sa titig niya pa lang para niya na akong hinuhubaran. Tumayo ako ng matuwid at nilabanan ko ang malalagkit niyang mga titig sa'kin. Tumabingi pa ang ulo nito at sa pagkakataong iyon ay nakalalapit na siya sa mismo kinatatayuan ko. "Ahh... distansya kunti baka anong isipin nang makakita sa atin." Paalala ko sa kanya sabay hakbang paatras. "Walang tao. Tulog pa ang nanay at tatay ko. Si Viktor, ganun din, tulog pa, sina manang wala rito umalis pumunta ng market, anong kinatatakutan mo? Well, unless kung may gagawin ako sa'yo?" Nakakaloko talaga ang lalaking 'to, 'di porket walang tao magagawa niya na ang gusto nito. Bwisit! "Here. Take it." Nabigla naman ako ng may inabot siyang isang puting sobre at sa pagkakaalam ko ay pera iyon. Perang gagamitin para sa aking pinakamamahal na kapatid. Tiningnan ko muna 'yon sobre at napabuntong hininga. Pinasadahan ko rin siya ng tingin. "S-sigurado ka? Ang ibig kong sabihin, sigurado ka bang pahihiramin mo ako?" "Sa palagay mo ba nagbibiro ako? Pero alam mo naman Isabela ang kapalit niyan, hindi ba?" Ngumisi siya sabay kindat. Kunot noo ko siyang tiningnan. Wala talaga akong masabi sa kaperpektuhan ng lalaking 'to. Napapa-kagat labi nalang ako nang wala sa oras. "H'wag na!" Bulalas ko na kinagulat niya. "What!? I mean, why?" Usal niya. Hindi ako nagsalita at napatungo nalang. Tanging ang malalim na paghinga niya nalang ang narinig bago siya ulit nagsalita. "Fine! Hihintayin nalang kita kung kelan ka handa pero h'wag mo naman patagalin at baka masabik ako ng husto sa'yo. Kunin mo na ang pera at nang mapagamot na ang kapatid mo." Napa-nguso nalang ako sabay tumango. "Salamat." Mahinang sabi ko. "Don't say thank you, darling, may bayad 'yan at alam mo na kung ano." Maaatrasan ko pa ba? Bahala na! "Babayaran kita," Usal ko at bumuntong hininga. Maya't maya ay lumapit siya at may sinabi. "As I said alam mo kung anong kailangan ko," Aniya at hinapit ang baywang ko na aking ikinagulat. "I need you tonight." Pabulong pa nitong sambit. Naitinulak ko siya sa pagkakataong iyon at dali-dali naglakad papalayo. Hindi ko alam kung kabahan ba ako o matakot sa kanya. Hindi ko na ata matatakasan ang Alfonso na 'yon. Diyos na ang nakakaalam na wala akong may ginagawang masama. "Good morning," Bungad sa akin ni Viktor na nakakatandang kapatid ni Alfonso. Prenteng naka-ngiti siya na humarap sakin. Bakit ba ang hilig-hilig nilang rumampa sa harapan ko? Nagpapansin lang? Nice one! "Good morning, sir." Bati ko rin at umiwas ng tingin. "Nakita mo ba si Alfonso?" Napa-hinto ako sa paglalakad at saka ko siya binalingan ng tingin. "Hindi ko po nakita sir, pasensya." Pagsisinungaling ko. "No.. no... it's okay thanks by the way." Naka-ngiting sabi niya. "Sige po sir." Paalam ko at saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang laundry area. Minuwestra ko ang silya matapos ko kunin sa isang sulok at saka naupo nalang muna at kinuha ang aking telepono upang e-text si Bobby. Ang kapatid ko. -Ate Isabela- Bobby, pakisabi kay Nanay na pupunta ako diyan mamaya. -Bobby- Ate, may pambili na po ba tayo ng gamot ni Bunso? Sige po, sabihan ko si Nanay. -Ate Isabela- Oo, Bob makakabili na tayo ng gamot ni Bunso. -Bobby- Ate bili ka ng pagkain, hah? -Ate Isabela- Sige-sige, ako nang bahala. -Bobby- Salamat Ate. Siya nga pala Ate may sasabihin pa ako. -Ate Isabela- Oh? Ano 'yon? -Bobby- 'Yong boyfriend mo nakita ko na namang may kasamang babae. Ate hiwalayan mo na ang gago 'yon nakaka-badtrip! Sarap bawian ng buhay! Naka buntong hininga nalang ako. Puchang lalaking 'yon! Kahit kelan talaga. -Ate Isabela- Hayaan mo siya, h'wag mo nalang pansinin, iinit lang lalo ang ulo mo. -Bobby- Basta, sinasabi ko na sa'yo. Hiwalayan mo na ang gagong 'yon. -Ate Isabela- Okay-okay! Sige na mamaya pupunta na ako diyan. H'wag kang aalis, bantayan mo ang kapatid mo, alalay ka muna diyan kay Nanay. -Bobby- Sige. Napa-tingala sa kawalan sabay buga ng hangin. Hinayaan ko nalang muna na lumayag ang aking isipan sa mga oras na iyon. "Palagi namang may ibang babae 'yon e, 'di na bago sa akin." Pabulong kong sabi sa kawalan. Paano naman kasi, 'yong hinihingi niya ay 'di ko maibigay, pero bakit kay Alfonso napapasunod ako? Ganun nalang ba ka lakas ng epekto niya sa'kin? "Mukha malalim ang iniisip mo Isabela. May problema ba?" Tanong ni Manang Fe. Bumaba ang tingin ko sa kanya. "Dumating na pala kayo Manang Fe. Marami po ba ang pinamili niyo? Tutulungan ko po kayo." "H'wag na, magaan lang naman 'yon at nandiyan naman si Manang mo Lodie. Magluluto na rin 'yon ng agahan natin." "Ganun po ba? Sige po manang maglalaba nalang po muna ako, at saka magpapaalam nga po pala ako mamaya kina bosing." "Oh? Saan ang lakad mo?" "Pagamutan po manang, na confine po kasi ang kapatid ko kaninang umaga lang." "Diyos ko! Ano? Kumusta raw? Bakit, napa'no?" "Sumuka ho nang dugo. Kailangan ko po silang bisitahin at kailangan po kasi mabili agad ang gamot." "Nakakatakot naman 'yan, Isabela, ipagpanalangin natin 'yan na gumaling agad ang kapatid mo." "Salamat, manang." "Oh, siya... samahan na kita kina Senior na magpaalam nang mapayagan kana agad." "Maraming salamat ulit manang." ngiting sabi kobsa kanya ❤ "Sabi ni Viktor gusto niyo raw akong makausap? Tungkol saan ba iyan?" "Yes, Alfonso. Dahil wala ka pa namang may hinahawakang kaso sa ngayon, can you do us a favor?" Salita ng aking ina. "Ano ba iyon?" Binitawan ko ang kubyertos na hawak ko at saka sumalin ng tubig sa isang babasaging baso. "Can you stay here for a while? I mean, like one or two months." Ang ama ko na naman ang nagsalita. "Why?" Takang tanong ko. "Ako at ang Daddy mo ay aalis mamaya patungong Korya. Business trip alam mo naman ang ginagawa namin ng Dad mo, nagpapalago ng negosyo at nagpaparami ng investor's." Napaisip ako. Mayamaya ay sumagi sa isipan ko si Isabela. Pabor na siguro 'yon sa'kin? Malamang. "Attorney Alfonso! What are you thinking?" Untag sa'kin ni Viktor. "Nothing. Kalan balik mo ng state?" "Why? Pinapalayas mo na ako?" Naka-ngising tanong ni Viktor at saka uminom ng tubig. "I'm just asking, okay?" Rason ko. "Hahaha! Attorney Alfonso Alcantara. Nextweek pa ang balik ko. Kaya don't worry 'di kita gagambaain sa mga gagawin mong kalokohan. Buhay mo 'yan at matanda ka na rin." "Ewan ko sa'yo Viktor!" Natawa lang siya sabay kibit balikat. Kalokohan pa talaga? Ganun na ba ako kaloko? Ang bait ko na nga, e. "Ano Alfonso? Okay lang ba?" Pag kokomperma ng ina ko. Hindi ko na pinatagal ang isasagot ko, kaya naman agad na akong pumayag. "Yes mom... it's okay," "Maraming Alfonso. Kung may kailangan ka sabihan mo lang si Isabela. Siya kasi ang inatasan ko sa ibang gawain at mabait ang babaeng 'yon." Matagal ako bago nakapag-salita. "Mukhang okay na okay kayo sa baguhan niyong kasambahay ah?" Usal ko. "Mabait at masunurin, hindi magkalayo ang edad niyo sa kanya. H'wag niyong awayin si Isabela, h'wag na h'wag mong gawan ng kalokohan, lalo ka na, Alfonso," Habilin ng ina. "Ako pa talaga?" "Hahahaha! Alam ni mom ang galawan mo, Attorney." Si Viktor. "Kung meron man akin lang 'yon. Pero pangako... wala akong gagawing masama sa kanya, imbes ay ika-bubuti pa nito." I grin. "Alfonso!?" Sita ng aking ama. "Sorry. Pero totoo kung meron man iyon ay sa ika-bubuti nito. Blieve me kakasuhan ko ang aking sarili kung may ginawa man akong kalokohan sa kanya." "Sana mga Alfonso... wala." Singit ulit ni Viktor. "Anong oras ang alis niyo?" Pagtatanong ko. "Pagkatapos ng agahan para di maiwan ng flight." Rektang sagot ng ama. "Okay, then. Mag-iingat kayo do'n." Pagtatapos ko sa usapan. MATAPOS ang masayang agahan ay bumalik ang mga magulang ko sa kanila kwarto upang kunin ang iba pa nilang dala. Nasa harden lang ako at naglalanghap ng sariwang hangin. Ilang minuto rin ang tinagal ko doon nang maisipan kong bumalik na muna sa kwarto para mag maligo. Napabaling ako ng tingin sa kanan nang makita kong kinakausap ni Isabela ang dalawang matanda, ang mga magulang ko. Nakalabas na pala sila sa kanila silid. Sa tingin ko nagpapaalam 'yan na umalis. Naalala ko tuloy ang nangyari sa kapatid niya. Poor kid. Wala naman sana akong balak makinig sa pinag-uusapan nila, pero lumapit parin ako sa kanila. "Oh? Ayan pala si Alfonso. Come here son." Naka ngiting tawag sa'kin ng aking ina. "Yes?" "Ihahatid kami ni Kaloy sa airport, pwede mo bang samahan si Isabela?" Naka-ngiti pa rin ito. "Yeah! It's okay." "Thank you son, nasa hospital kasi ang kapatid niya at kailangan niyang puntahan." Napatitig ako sa kanya. Malumanay ng mga mata, halatang may problema talaga. Hindi niya naman siguro sasabihin 'yong pinag-usapan namin. "Sure! Wala naman akong gagawin." Sagot ko at ngumiti sa aking mga magulang. "Thanks again, Alfonso." Sambit ng aking ina at tinapik naman ng aking ama ang balikat ko. "I just had to go to my room and take a bath, then we were leaving." I turned to look Isabela. "Just knock on my room door if you're ready." "Sige. Salamat." I left them immediately Two hours later I was finished. Sinadya ko talaga na maghintay sa loob ng kwarto ko upang katukin ako ni Isabela. At sa hindi ako nagkamali ay napa-ngiti ako. Hindi pa naman ako nakasagot ay kusa niyang binuksan ang pinto. Kumunot agad ang noo ko kung sino. Akala ko pa naman si Isabela na. "Alfonso?" Si Viktor lang naman pala. "Oh bakit?" "I'm leaving. Friends are invited to me. Matagal rin hindi nagka-bonding. You know how busy it is," He explain it. "Okay. Ingat ka hanap ka na rin ng chicks mo." "Sige na, I'll go ahead. Gabi na rin ang balik ko, kaya enjoyin mo ang moment mo dito." "Lumayas ka na nga!" Taboy ko sa kanya, at saka siya humalakhak. "Alis na ako." Paalam niya ulit at saka umalis na ng kwarto ko. I just deeply sighed. Bente minutos ulit ang hinintay ko ng may kumatok na naman sa labas. Si Isabela na iyan kaya tumayo na ako, at saka tinungo ang pinto. Pinagbuksan ko siya at agad ako napa-titig sa kabuuan niyang anyo. Wala sa isip ko ng bigla ko siyang hatakin papasok sa loob ng aking kwarto. "Hoy! Umayos ka! Aalis na tayo!" Singhal niya sa'kin, subalit naka titig lang ako sa kanya. Sa tagal ng titig ko sa kanya ay napa-titig na rin siya sa'kin. Sigundo lang at dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa mukha niya. Nilapat ko ang aking labi sa kanyang labi at kinagulat niya iyon. Mag poprotesta pa sana pero huli na, siniil ng mga labi ko ang mapupula niyang labi. 'Yong halik na 'di naman malalim at 'di rin mapusok, tamang nakaka-panindig balahibi sa kanyang makinis na balat. Hinapit ko pa ng husto ang kanyang baywang at lalo itong dumikit sa aking katawan. Nakahawak siya sa aking dibdib at akmang itutulak palayo, subalit nabigo siya dahil mas humigpit pa ang hapit ko sa kanya at napaliyad nalang ito ng siniil ko ng halik ang kanyang leeg patungo sa tainga. Rinig ko pa ang napaungol niya at napa-ngisi naman ako ng nakakaloko. "Ang bango mo. I want to touch your down. Maybe later," Usal ko habang nasa leeg niya ang aking halik. Wala akong may inaasahang sagot muna sa kanya, kaya naman ipinag-patuloy ko parin ang paglalakbay ng aking mga halik sa kanyang leeg, tainga at sa kanyang labing sobrang lambot. -mhaivillanuevastories-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD