PROLOGUE
"MUKHANG TIGANG NA TIGANG NA NGA SI TANDA, PERO ANG TANONG TUMITIGAS PA KAYA?! AYOKONG HABANG BUHAY MAGING VIRGIN 'NO! SAYANG NAMAN ANG MATRES KO!" malakas ang boses na wika ni Freya sa kausap nito sa phone.
Dinig na dinig naman iyon ni Fernan, at hindi siya makapaniwala na manggagaling iyon sa bibig ng nakababatang kapatid ng kanyang asawa.
Kinausap na rin siguro ito ng kanyang asawa tungkol sa huling kahilingan nito, ang pakasalan niya ang bunsong kapatid nito matapos makababang luksa.
Stage 4 Colon Cancer ang sakit ng kanyang pinakamamahal na asawa. Hindi nila alam kung hanggang kailan na lang nila ito makakasama, pero hindi niya matanggap ang kahilingan nito. At wala rin syang balak na sundin iyon dahil nakababatang kapatid din ang turing niya kay Freya.
20 years din silang nagsama ng kanyang asawa, at dahil ulila na ito sa mga magulang kaya ang nakababata nitong kapatid na mahigit 1 year old pa lang non ay sila na ang nagpalaki.
Mahal na mahal nila ito, hindi na nga parang kapatid lang, kundi parang anak na rin nila.ito. Namatay kasi ang nanay ng magkapatid sa panganganak kay Freya, nauna naman namatay ang tatay ng mga ito sa isang aksidente.
Kaya hindi niya matanggap ang kahilingan ng kanyang pinakamamahal na asawa sa kanya.
Pero sa mga narinig na sinabi ni Freya, parang nainsulto siya ng sobra. Kung hindi lang siya nakapag-pigil baka tuluyan na niya itong pinasok sa silid nito at doon niya patutunayan dito na kaya pa niyang dalhin ito sa ika-pitong langit ng paulit-ulit.
"Ah, ganon pala ha... Pwes! Papakasalan kita! At tingnan natin kung kakayanin mo ang parusang igagawad sayo ng tinatawag mong TANDA!" kuyom ang kamaong wika ni Fernan sa sarili habang nanlilisik ang matang nakatingin sa bunsong kapatid ng kanyang asawa.
Minabuti niyang pakalmahin ang sarili, bago nagtungo sa silid nilang mag-asawa.
Pumasok siya sa silid nilang mag-asawa, at kagaya ng lagi niyang nakikita sa loob ng tatlong taon, nakahiga lamang ito doon.
Sa sinasabi ni Freya na tigang siya, sa totoo lang oo. Tatlong taon na simula ng magkasakit ang kanyang mahal na asawa, inilihim nito sa kanya ang lahat kaya hindi na nila naagapan pa.
Sa loob ng tatlong taon, ginawa nila ang lahat para mapagaling lamang ito. Dinala na nila ito sa iba't ibang pagamutan lalo na yung mga expert sa sakit ng kanyang mahal. Pero wala talaga, huli na ang lahat kung hindi pa ito inatake tatlong taon na nakararaan, hindi pa niya malalaman na may dinaramdam pala ito.
Katuwiran lang nito noon sa kanya ay ayaw nitong mag-alala siya at lalong lalong ayaw nitong maging pabigat lalo pa at pinapaaral pa nga nila si Freya.
Kaya totoo ang sinabi ni Freya na tigang na tigang na talaga siya dahil sa loob ng tatlong taon ay naging tapat siya sa kanyang asawa. Hindi siya naghanap ng iba o hindi siya tumikim ng kahit na bayarang mga babae para lamang mapagbigyan ang kanyang pangangailangan.
Hindi naman niya magagawa na pilitin pa rin ito na gampanan ang tungkulin nito sa larangan na iyon dahil alam niya na mahirap na iyon para dito. Palagi na kasi itong nanghihina noon at talagang kita mo na ang paghihirap nito.
Kaya hinding hindi niya magagawa ang bagay na iyon, para lamang ma-satisfied siya ay gagawa siya ng paraan para makapag paraos pa rin sa kandungan nito.
Lumapit siya at buong pagmamahal itong hinagkan sa noo.
"Mahal ko, pumapayag na ako. Papakasalan ko ang nakababata mong kapatid na si Freya, gaya ng nais mo!" Kuyom ang kamaong pahayag niya sa nakaratay pa ring asawa.
Tila nagulat ito dahil napaawang pa ang labi dahil sa sinabi niya at tila hindi ito makapaniwala habang nakatingin sa kanya.
"Tama ba ang n-narinig ko asawa ko? P-Pumapayag ka na? Hindi ba at kanina na mga pinag-uusapan ulit natin ang tungkol diyan pero tutol na tutol ka pa rin at mukhang hindi mo talaga nais na pakasalan ng kapatid ko? Kaya bakit ngayon bigla yatang nagbago ang isip mo?" Talong nito sa kanya at talagang hindi pala ito makapaniwala.
Sabagay kanina nga naman ay talagang hindi niya binibigyan ng pagkakataon o binibigyan man lang ito ng kaunting pag-asa napapayag siya sa nais nito.
Pero na trigger talaga siya sa sinabi ni freya kaya ibibigay niya ang nais nito at papatunayan niya dito na hindi pa siya ganun katanda para pagtawanan ito at pagdadahan ang kanyang kakayahan.
"Napag-isipan ko mahal na ayokong bigyan ka ng sama ng loob, at ayokong bigyan ka ng alalahanin bago mo kami i-iwan ng kapatid mo kaya kung ano ang nais mo kung ano ang plano mo, iyon ang susundin ko. Lahat ng nais mo ay susundin ko para hindi ka na mahihirapan pa para payapa ang puso at isip mo kapag dumating ang araw na l-lilisanin mo na kami." Paliwanag niya dito.
At talagang hindi niya maiwasan ang gumaralgal ang boses dahil kahit na anong tatag niya na pinapakita sa kanyang mahal na asawa, sa puso at isip niya ay talagang durog na durog siya. Na kung maaari lang na hilingin na bigyan pa ito ng mahabang buhay. Na kung maaari lamang naibigay niya dito ang kanyang buhay para lamang makasama niya ito ng matagal pero hindi, wala na talagang pag-asa kaya kailangan na nilang tanggapin.
"S-Salamat asawa ko, salamat dahil sa huling sandali pinaligaya mo ako." Lumuluhang pahayag nito.
"Shhh... Huwag ka ng umiyak mahal ko, ayokong nakikita kang nasasaktan. Gusto ko maging masaya ka lang palagi, dahil alam mo naman na kapag masaya ka, masaya na rin ako." Naluluha n arin niyang wika dito. Tsaka marahan niyang iniangat ang kamay nito at hinagkan niya iyon ng buong pagmamahal.
"Masaya lang ako mahal, masayang masaya lang ako." Turan nito.
"Natutuwa ako na ngayon masaya ka na ulit, sorry kung napagtaasan kita ng boses ng dahil sa huling kahilingan mo ha. Pangako, aalagaan at pakamamahalin ko si Freya." Muling pahayag niya sa asawa.
"Salamat mahal, salamat mahal ko." Nakangiti na nitong pasasalamat na bagamat may luha ang mga mata pero mababanaag na din doon ang konting kasiyahan.
"Walang anuman mahal, pahinga ka na muna. Lalabas lang muna ako." Paalam niya dito.
"Sige mahal, mamayang gabi gusto kong magcelebrate. Pwede bang makasalo ko kayong kumain ng sabay mamaya ni Freya dito sa silid? Na-miss ko na kasi na makasalo kayong dalawa." Wika nito.
Sa loob ng tatlong taon ngayon lang ito nag-request na sabay-sabay silang kumain. Pero dapat lang siguro na pagbigayn niya dahil ngayon lang ito naglambing nga ganito.
"Sige mahal, mamaya dito ako magpapahayin sa kwarto para naman makasalo ka namin sa pagkain." Nakangiting pahayag niya.
"Salamat, mahal." Nakangiting pasasalamat nito.
Iyon lang at muli na siyang nagpaalam.
KINAGABIHAN
"Manang, nakahanda na po ba lahat?" Tanong ni Frorenda sa kasambahay na naghahanda ng pagkain nila.
Nag-set up ang mga ito ng mesa sa gilid ng kanyang kama dahil nais niyang makasalo ang kanyang mahal na asawa at ang kanyang nakababatang kapatid na si Freya. Kaya pa naman kasi niyang kumain ng nakaupo, ang hindi lang talaga niya kaya ay ang maglakad. Tuluyan na kasing nawalan ng lakas ang lower part ng katawan niya.
Nagpahanda siya ng dinner dito sa room, para bago man lang siya lumisan sa mundong ito ay makasalo niya ang kanyang mga mahal. At matiyak na rin niya na matutupad ang kanyang huling kahilingan.
"Yes po Ma'am, tapos na po ang lahat. Gusto nyo po ba na tawagin ko na sin Sir Fernan at Ma'am Freya?" Sagot ng kasambahay sa kanya.
"Maya-maya na lang po Manang, maaari po ba na pakikuha iyong gamot ko na nasa drawer, iyon pong nasa maliit na botilya." Wika niya dito at nakisuyo na rin.
Tumalima naman ang ginang, kinuha ang gamot at iniabot sa kanya.
Nagpasalamat siya dito, tsaka sinabing lumabas na ang mga ito.
Pero bago iyon, sinabihan niya si Manang na pauwiin na muna ang dalawang kasambahay. Magbakasyon muna at bumalik na lang sa isang araw, ganon din si Manang binigyan din niya ng allowance ang mga ito.
Nais pa na magtanong ni manang, pero sinabi niyang nais muna niyang mapag-isa kaya magbakasyon na muna. Nangako din siya na bayad ang tatlong araw na hindi papasok ang mga ito.
Naguguluhan man pero sumang-ayon na rin,sinabihan niya na wag ng magpaalam umalis na lang. Tsaka tawagin na rin si Freya at Fernan para makakain na sila.
Pagkapinid ng pinto, agad niyang inilabas ang dalawang tableta mula sa botelya na iyon ng gamot.
Agad na inilagay ang isang tablet sa basong may laman na juice ni Freya at ang isa naman ay kay Fernan.
Hinalo niya iyon para matunaw na ng tuluyan. Tsaka siya napabuntunghininga.
"P-Patawad Fernan, patawad Freya. Kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti ninyong dalawa, kahit ang katumbas nito ay ang ibayong sakit. Titiisin ko para sa inyo, mahal na mahal ko kayo." Lumuluhang pahayag niya, habang nakatitig sa dalawang basong may laman na juice para sa kanyang asawa at kapatid na si Freya.
Maya-maya ay bumukas na ang pinto ng silid, mabilis niyang pinahid ang kanyang luha at ngumiti sa mga ito habang papalapit sa kanya.
"Wow, anong okasyon Ate?Ang dami nito ah, hindi ka naman nakakakain ng mga ganito para ba ito sa amin ni Kuya?" Masayang tanong ni Freya sa kanya.
Agad na yumakap ito sa kanya at hinagkan siya sa pisngi.
"Syempre para sa inyo lang yan mga mahal ko, para may lakas kayo mamaya." Nakangiting tugon niya.
Napakunot noo ito.
"Lakas para saan Ate?" Kunot noo pa rin na tanong nito.
"Wala, sige na kain na kayo Freya. Asawa ko, ako na ang magsusubo sa sarili ko ha. Kaya ko naman eh, kumain lang kayo ni Freya." Nakangiting wika naman niya sa asawa.
Pano, nagsisimula na nitong lagyan ng pagkain ang kanyang plato.
"Pero asawa ko, gusto kong pagsilbihan ka hanggang sa h-huli." Reklamo ni Fernan, pero gumaralgal pa ang boses sa huling kataga.
Umiwas ng tingin si Freya, ang masayang ngiti nito na alam naman niyang peke lang ay tuluyang nabura. At napalitan iyon ng mamula-mulang mata.
Alam niyang masakit para sa mga ito ang kinahinatnan ng kanyang buhay pero hindi niya hahayaan na mahila niya ang mga ito pababa. Kaya gagawa siya ng paraan para mabuhayan muli ang mga ito.
"Kain ka na diyan mahal, sige na hayaan mo na ako. Gusto kong makita kayong dalawa na nag-i-enjoy sa pagkain ng hindi ako inaalala." Muling wika niya dito.
Napabuntunghininga naman ang dalawa.
Tsaka nag-umpisa ng kumain ang mga ito. Nakangiti naman siya habang pinagmamasdan ang mga ito.
Nakakatuwa lang na ang dating maliit na sanggol noon na hindi niya alam kung paano palakihin ngayon ay isang ganap ng dalaga.
Napakaganda ng kanyang kapatid, at nasasaktan siya na palagi na lang itong niloloko ng mga nakaka-relasyon. Kaya hindi siya nagsisisi sa kahihinatnan ng kanyang plano ngayon.
Alam niyang parehas na mapapabuti ang mga ito, at para mapanatag na rin ang puso niya bago lumisan. Alam niya na nagbibilang na lang siya ng araw, lilisanin na niya ang magulong mundo na ito.
Dati nagbibiruan pa ang dalawa kapag kumakain pero ngayon ibang-iba na, nagkakailangan ng magbiruan ang mga ito. Dahil siguro sa huling kahilingan niya. Pero okey lang, sa una lang magkakailangan ang dalawa.
Basta titiyakin niya na ikakasal ang mga ito gaya ng huling habilin niya.
Hindi na siya nakakain pa, panoorin lang ang mga ito at masaya na siya at busog na siya. Hanggang sa matapos na ang mga ito, nainom na rin ang juice na para talaga sa mga ito.
"Saglit lang Ate, Kuya, tatawagin ko lang sina Manang para maligpit ito." Wika ni Freya, at akmang tatayo na pero biglang napahawak sa dibdib at agad na napaupo ulit.
Si Fernan naman ay inaayos ang ilang mga pinggan pero bigla itong natigilan, tsaka ipinilig ang ulo. Sabay napahawak sa din sa dibdib.
"A-Ate.... anong???aaahhh...."
"A-Asawa kooo... b-bakit? Aahh... ang init! P-Parang sinisilaban ang loob ko...."
Sabay na wika ng mga ito, namumula na agad ang mukha at tila kinakapos ng paghinga.
"M-Mahal na mahal ko kayong dalawa... Tandaan ninyo na p-para sa inyo din ito." Umiiyak na wika niya.
Tsaka nabitawan niya ang botelya na naglalaman ng tableta na kanina pa niya mahigpit na hawak.
Kahit hirap na hirap pinulot iyon ni Fernan. Tuluyan na itong napahandusay sa sahig, sabay punit ng suot nitong t-shirt dahil.siguro sa matinding init na nararamdaman.
"Aphrodisiac pill?! Diyos ko po, F-Florenda b-bakit?!" Halos nanlalaki ang matang tanong nito sa kanya.
May takot at hinanakit ang mga mata nitong nakatuon sa kanya.
Minabuti niyang humiga na ulit sa kama, medyo hirap siya pero nagawa pa rin naman niyang mahiga ng mag-isa.
Nahagip pa ng paningin niya si Freya na umiiyak habang tinatawag siya.
Tumagilid siya patalikod sa mga ito, mariing pumikit at tinakpan ang labi dahil hindi na niya napigilan. Tuluyan na siyang humagulhol, pero ayaw niyang iparinig iyon sa dalawa.
Matapos ang gabing iyon, sigurado siya na wala ng gugustuhin pang sumuway sa kanyang huling kahilingan. At iyon ang ikasal ang kanyang mahal na asawa sa nakababata niyang kapatid na si Freya.
END OF PROLOGUE