Minabuti ni Freya na dumiretso na lamang sa kanyang kuwarto. Wala rin naman sa sala ang kanyang Kuya Fernan, siguro ay nasa silid ito. Hangga't maaari, ayaw niyang magtungo doon para lamang tanungin o kumprontahin ito tungkol sa ginawa nito kay Mike, pero kakausapin din niya ito pero siguro mamaya na lang. Tsaka gusto na rin niyang matulog kasi halos wala pa rin talaga siyang tulog. Pagkasara ng pinto ay agad niyang hinubad ang kanyang mga damit at nagpasya na mag-shower saglit para malinisan ang kanyang katawan. At sympre maliwanagan na rin, para maging presko ang kanyang isipan, malaking tulong kasi sa kanya ang malinis niyang katawan para makapag isip ng tama. Sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ang kanyang Kuya Fernan kay Mike. hindi naman siguro ito n

