Marahang kumatok si Freya sa pinto ng guest room na kinaroroonan ng mga magulang ng kanyang kuya Fernan. Matapos kasi niya na mapagtanto lahat at nang medyo kumalma na rin ang nararamdaman niya. Nagpasya siya na magtungo sa mga magulang ng kanyang kuya Fernan dahil naalala niya ang sinabi ni Tita Mildred kanina. Nakapagpasya na siya ay magtungo lamang siya sa silid ng mga ito. Ilang sandali lang naman, binuksan na ni Tita Mildred ang pinto ng silid. "Oh Freya..." Wika nito na tila naguguluhan tsaka napatingin sa dala-dala niyang wedding gown. "T-Tita..." Garalgal ang boses tawag niya dito tsaka walang sabi-sabi ay agad na yumakap sa ginang tsaka hindi niya napigilan na hindi humagulhol habang nakayakap dito. "Bakit? Anong nangyari? Shhhh... Tahan na..." Wika nito sa kanya habang mara

