Alas-syete na ng umaga ng magising ako sa aking pagtulog. Napadaing ako sa sakit na nararamdaman ko habang hawak-hawak ko ang ulo ko. Ang dami ko nainom kahapon at dumagdag pa 'yong walang tigil na pag-iyak ko kagabi pag uwi ko dito sa dormitoryo ko. Nakapikit lang ako habang niraramdam ang sakit na nagmumula sa ulo ko. Hindi rin maiwasan na dumaloy ang mga maiinit na mga luha sa dalawang mga mata ko.
Bakit ngayon pa tita? Kung kailan patapos na ang semestre namin. Kung kailan malapit na tayong magkita saka ka pa nawala? Wala na akong ibang makaka-usap pag may mga reklamo ako sa buhay. Ikaw lang ang tanging kinikilala kong magulang bukod sa namayapa ko ng mga magulang.
Umiiyak lang ako habang tiniis ang sakit na nararamdaman ko; sakit sa ulo dahil sa hang-over at sakit sa puso dahil sa pagkamatay ng tiyahin ko. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon ng mapagdesisyonan ko na na tumayo at magluto na ng pang-umagahan.
Iniligpit ko na muna ang aking higaan atsaka lumabas na sa kwarto ko. Napadaan naman ako sa may salamin na nakalagay sa pagitan ng kwarto ko atsaka sa kusina, tinignan ko naman ang pagmumukha ko na sobrang pagod tignan. Namumugto ang aking mga mata at sobrang gulo ng aking buhok na pwedeng-pwede na maging tirahan ng mga ibon.
Kinuha ko ang suklay sa gilid ng salamin atsaka sinumulan ng suklayan ang aking buhaghag na buhok atsaka itinirintas. Pagkatapos non ay lumabas na muna ako sa dorm ko at tumungo sa banyo na kaharap lang nito. Kumuha ako ng tabo na puno ng tubig atsaka nagsimula ng maghilamos. Hindi nagtagal ay natapos rin ako atsaka pinunsan ang mukha ko na basang-basa, tinignan ko naman ang mukha ko sa salamin na nasa harapan ko lang at nakitang sobrang mugto pa rin ng mga mata ko kahit nakahilamos na ako.
Unti-unti na naman na tumutulo ang mga luha ko at agad ko naman na pinunasan ang mga ito atsaka bumuntong hininga bago bumalik sa dorm ko ng makapagluto na. Pagkarating ko sa kusina ay agad akong kumuha ng itlog atsaka pinirito, kumuha din ako ng takure at nagpakulo ng tubig para sa hang-over na nararamdaman ko ngayon.
Ilang saglit pa ay natapos na ang aking pagluluto at agad naman akong kumain at ininom ang tinimpla kong kape.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at sinimulang e dial ang numero ni Lola. Hindi ganoon ka tagal akong naghintay ng agad naman na sinagot ito sa kabila "Hello, Apo?"bungad ni lola sa akin. Hindi na ito humihikbi at sa tingin ko ay natanggap na nito ang pagkamatay ni tita.
"Lola, mamaya bandang alas-dyes po pala ako ba-byahe pa balik diyan,"pagbibigay alam ko sa kaniya. Narinig ko naman na medyo maingay sa kabilang linya, siguro mga bisita iyon ni lola na nakikiramay sa pagkamatay ni tita.
"O', sige iha. Tumawag ka sa'kin pagmalapit ka na. Susunduin kita sa bayan, ingat ka ha?" malambing na paala-la ni lola.
"Opo,"magalang na sagot ko atsaka ko ibinababa ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako atsaka iniligay na sa lababo ang mga pinagkainan ko atsaka ko ito hinugasan. Pagkatapos ko maghugas ay bumalik na ako sa kwarto ko para kunin ang mga kailangan ko upang makaligo na.
Pagkatapos kong maligo ay agad naman akong nagbihis at dinala na ang mga kakailangin ko doon sa aming probinsiya. Kinuha ko din ang laptop ko at inilagay sa bag. Tinignan ko naman ang mga gamit ko at sinisiguro na may mga naiwan ba akong mga gamit o wala. Noong na check ko na ang lahat at wala naman na akong naiwan ay isinunod ko naman ang pagcheck ng mga bintana kung naka sirado ba ang mga ito.
Mukhang matagal-tagalan ako bago makakauwi dito sa dorm ah.
Lumabas na muna ako at pinuntahan ang may-ari ng dorm dito, kumatok muna ako ng ilang beses bago ito bumukas at lumabas si Manang Teres.
"Bakit Calix? Ano kailangan mo?" nakangiti na tanong ni Manang Teres atsaka ito tuluyan na lumabas na ng kanilang bahay.
"Manang, magpapa-alam lang po ako,"sabi ko sa kaniya atsaka pait siyang nginitian. Bigla naman na nagbago ang mukha ni manong at napalitan ng pagtataka.
"Bakit? Saan ka papunta?" nag-aalalang tanong nito, marahil ay nakita na niyang mugto ang mga mata ko.
"Kinakailan ko po na umuwi sa probinsiya namin. Namatay po kasi ang tiyahin ko,"malungkot na batid ko sa kaniya.
"Hala Calix, pasensya ka na. Nakikiramay ako iha,"malungkot na sabi nito sa akin atsaka ako yinakap. Yinakap ko naman ito pabalik.
"Okay lang po,"tanging na sabi ko atsaka ito yinakap ng sobrang higpit.
Bukod kay tita, ay si Manang Teres ang tumutulong o nandiyan sa akin pag may problema ako. Sobrang swerte ko bilang isang nangungupahan sa kaniya. Nagkaroon ako ng pangalawang pamilya dahil sa kaniya, pati na rin ang kaniyang pamilya ay parang kapatid at anak na rin ang turing sa akin kung kaya't magpapa-alam ako sa kaniya ngayon baka mag-alala ito na bigla-bigla nalang akong nawawala.
Ilang saglit pa ay bumitaw na kami sa pagyayakapan namin.
"Mag-ingat ka sa biyahe mo. Ako na bahala sa space mo 'wag kang mag-alala,"paninigurado naman niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya atsaka nagpasalamat bago bumalik sa aking kwarto.
Kinuha ko na ang aking bag atsaka lumabas na ng dorm ko at kinandado ito. Nagsimula na akong maglakad palayo dito atsaka ako nagtungo sa sakayan ng jeep.
Ilang minuto ang nakakalipas ay may huminto na 21D na dyip sa harap ko kung kaya ay agad akong sumakay patungo sa may kanto ng AS. Fortuna para doon maghintay ng dyip na pwedeng sakyan patungong north bus, ng makarating dito ay agad akong bumaba at sumakay ulit ng dyip patungo sa nasabi kong terminal.
Hindi masyadong traffic ngayon kung kaya ay agad naman akong nakarating sa patutungohan ko. Bumaba na ako atsaka ako naglakad papunta sa gate ng Terminal. Sobrang init ng panahon na aakalin mo na masusunog ang balat mo sa sobrang init kaya binilisan ko na ang aking paglalakad at nang makarating ako rito ay pumasok na ako at chineck naman muna ng guard ang mga bag ko at pinapasok naman ako pagkatapos. Naglakad na ako patungo sa pinaka dulo ng terminal sa kaliwang banda nito kung saan naroroon ang bus na aking sasakyan pauwi sa probinsiya namin doon sa Jibitngil. Tinignan ko isa-isa ang mga karatula na nakapaskil sa harap ng mga bus at hinanap ang may katagang 'Hagnaya'.
"Miss dito ka na. Aalis na 'to,"tawag naman ng konduktor sa akin habang tinuturo ang auto bus sa kanyang likod. Awkward ko naman siyang tinignan atsaka umiling. Ganoon lang ang nagyari sa buong oras na paglalakad ko. Ilang saglit pa ay nakita ko na 'to.
"Miss, saan ka papunta?" tanong ng kondukto na nakasuot ng uniporme ng bus na dapat na sasakyan ko.
"Sa Hagnaya port po Kuya,"tanging sabi ko. Ngumiti naman ito atsaka kinuha ang bag ko para tulungan akong makasakay sa bus na iyon.
Umupo ako sa harap ng Bus sa kaliwang bahagi sapagkat alam ko na sobrang init sa bandang kanan. Inilagay naman ni Kuya ang bag ko sa ibabaw habang ang isang bag ko naman na may laman na laptop ay nasa kandungan ko lang at yakap yakap ko.
Habang naghihintay ay napatingin lang ako sa labas at inoobserbahan ang mga tao na abala sa kanilang ginagawa. Iyong iba ay may kausap sa kanilang mga telepono na may pinapagalitan siguro dahil late ito sa kanilang usapan at maaring umandar na ang bus at baka sila'y maiwan, 'yong iba naman ay abala sa pagtitinda at pagtawag ng pasahero at iyong iba naman nakaupo lang sa isang tabi habang naglalaro ng mobile legends sa cellphone sapagkat rinig na rinig ko ang mga katagang "You have been slain" mula rito.
Napailing nalang ako atsaka kinuha ang cellphone ko atsaka isininaksak ang headset sa magkabilang tenga ko at binuksan ang aking spotify atsaka pinatugtog na ang paborito kong playlist, pagkatapos non ay binuksan ko naman ang messages ko at ipinaalam kay lola na nakasay na ako sa bus. Ilang saglit pa ay bigla naman na lumabas ang chathead ng aming GC.
"Ingat Calixta!"
"See you soon!"
"We are sorry for your loss"
"Ingat ka. Mamimiss ka namin"
Chats na mula sa mga kaibigan ko, napangiti naman ako sa ginawa nila at nireplyan lang sila ng salamat bago ko ipinasok sa bag ang cellphone ko. Napakabait talaga ng mga kaibigan ko, nandiyan sila palagi para sa akin o para sa isa't isa sa panahon na kinakailangan namin ng mga karamay. Ilang saglit pa ay pumasok na ang driver atsaka pumwesto na sa harap, ilang saglit pa ay pinaandar na nito ang bus.
Tahimik lang akong nakatingin sa labas habang hinihintay na makalabas sa terminal ng biglang may kumalabit sa akin, pagtingin ko naman kung sino iyon ay ang konduktor pala.
"Saan ka bababa miss?"nakangiti nitong tanong.
"Sa Hagnaya port lang po,"nakangiti ko namang sagot sa kaniya, tumango naman ito atsaka nagsimula ng magsulat sa ticket nito.
"Estudyante?" tanong nito sa akin kung kaya ipinakita ko sa kaniya ang ID ko atsaka tumango. Hindi nagtagal ay ibinigay na niya sa akin ang ticket at tinignan kung magkano ang babayaran ko. 120 pesos dala na din ng discount dahil na din estudyante ako. Inilagay ko naman sa gilid ng bag ko ang ticket na 'yon atsaka kinuha na ang pitaka ko atsaka ibinayad na sa konduktor.
Pagkatapos non ay tahimik lang akong nakatingin sa labas at tinitignan ang mga kotse, dyip, traysikel at motorsiklo na katapat lang sa pwesto ko. Sobrang traffic talaga dito sa Mandaue, halos araw-araw nalang dito traffic at ni walang isang araw na dire-diretso ang takbo dito. Napabuntong hininga nalang ako atsaka naisipan na munang ipikit ang mga mata ko.
Kinakailanga ko magpahinga, apat na oras pa ang biyahe bago ako makakarating sa Hagnaya port. Agad naman akong nakatulog at nang magising ako ay nasa Catmon na kami. Napatingin ako sa labas at walang kahit anong matataas na infrastraktura kang makikita rito, halos lahat ng makikita mo rito ay ang mga naglalakihang puno at nagtataasang mga bundok. Napaka presko naman ng hangin dito. Hindi ko na masyadong maalala simula noong huling panahon na umuwi ako sa probinsiya namin.
I really don't know what changes that our province has but I am so eager to know tho. They said province life is way better rather than staying in the city and I am kinda feeling excited to know if it is true or just a piece of false news.
Isang oras ang nakakalipas ay nakarating kami sa lugar na tintawag na emi, sobrang kurbada ng lugar na ito atsaka kinakabahan ako sapagkat paakyat kami sa bundok at ang gilid ng kalsada na dinadaanan namin ay bangin na.
Nang hindi nagtagal ay may nakita akong isang sobrang laking puno na naging sanhi ng pag sakit ng ulo ko. Bigla akong napahawak dito habang tinitignan ang kahoy hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa paningin ko. Anong merson sa kahoy na iyon?
Uminom nalang ako ng tubig atsaka hinimas himas ang ulo ko hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko. Lumipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa wakas sa Hagnaya port. Napatingin naman ako sa relos ko at mag a-alas kuwatro na pala ng hapon. Kung kaya ay agad akong bumaba sa Bus atsaka nagtungo na sa may ticketing area ng port na 'to.
"Saan papunta mo miss?" tanong nong lalaking nagbabantay dito.
"Jibitngil po,"sagot ko naman sa kaniya atsaka pinakita ang ID ko. Tumango naman ito atsaka ako binigyan ng papel na dapat kong fill-upan, pagkatapos non ay agad naman akong nagbayad atsaka binigyan na ako ng ticket. Nagsimula na akong maglakad patungo sa kung saan maghihintay kung kailan kami papasakayin sa lantsa, bigla naman akong hinarangan ng isang babae sabay sabing magbabayad ako ng fee. Napataas naman ang kilay ko pero nagbayad nalang din.
Bakit kinakailangan ko pang magbayad? Bakit ang dami naman atang babayaran para lang makasakay ng lantsa. Modus ba 'yon? Tsk, bahala na nga.
Inis akong napa-upo at tinawagan ang lola ko. Nakaka-apat na ring pa ito bago nasagot ni lola ang tawag.Busy ata si lola sa pag-aasikaso sa mga bisita.
"Hello apo?"bungad niya sa akin.
"Lola, nasa port na po ako,"sagot ko sa kaniya at narinig ko naman itong may pinagsabihan sa kabila na asikasuhin na 'yong mga bagong dating bago ito sumagot pabalik sa akin.
"Oh sige iha. Aalis na din ako, doon ka nalang maghintay sa harap ng Cathy's Eatery,"sabi niya atsaka binaba na ang tawag, tatanungin ko pa nga sana kung saan 'yong eatery na tinutukoy niya. Lola naman, ilang taon na akong hindi nakakauwi sa lugar na iyan paano ko malalaman 'yang eatery na pinagsasabi mo?
Napabuntong hinilang ako atsaka hinintay ang oras na pwede na akong sumakay sa lantsa. Hindi naman ako naghintay ng matagal at agad naman na inanunsiyo na pwede na kaming umakyat.
Kinuha ko na ang mga bag ko atsaka pumila, tinignan naman nito ang tiket ko atsaka ako pinadaan. Naglakad na ako paakyat ng lantsa at medyo natakot ako ng gumalaw ito dahil sa alon. Nagsisimula na din akong makaramdam ng hilo dahil na rin sa baho ng mga lubid na nababasa ng tubig dagat at naiinitan. Umakyat na ako sa pangalawang palapag ng lantsa atsaka tinignan kung saan ang merong bakanteng upuan.
Sa may bandang likod sa gilid ng natutulog na lalaki nalang ang pwesto na pwedeng upuan kung kaya ay pumaroon na ako. Umupo na ako dito atsaka tinignan ang mga tao na kasabay kong nakapasok sa lantsa. May mga batang mahigpit na hinahawakan ng mga magulang nila sapagkat tumutoya ang lantsa at baka ito'y mahulog kung hahayaan lang. May iba naman na agad din na umupo atsaka pinikit ang mga mata katulad nalang ng nasa gilid ko.
Sobrang lakas ng hangin kung kaya't nililipad nito ang buhok ko, napatingin naman ako dito sa tabi ko na hanggang ngayon ay sarap na sarap sa kaniyang pagtulog. Napailing nalang ako atsaka hinintay na mag anunsiyo ang kapitan na aalis na kami. Hindi naman ganoon ka tagal ay hinay hinay ng umatras ang lantsa na aming sinasakyan hanggang sa nakaharap na ito patungo sa medellin. Napangiti naman ako ng makita ko ang napakagandang dagat na tila kumikislap ang mga alon nito. Kita kitang ko naman sa pwesto ko ang mga nagliliparan na mga ibon di kalayuan sa barko na tila naghihintay na may umahon na flying fish para ito'y kanilang hulihiin. Napakaganda talaga ng buhay probinsiya pero hindi ko rin ma i kaka-ila na nakakamiss din ang siyudad. Napabuntong hininga nalang ako atsaka patuloy na nagtingin tingin sa ganda ng tanawin.
Mahigit isang oras ang nakalipas ng dumaong na kami sa Isla ng Jibitngil. Ang isla na kung saan ako ipinanganak at kung saan kami naninirahan noon. Inanunsiyo naman ng kapitan na pwede na kaming bumaba kung kaya ay agad na nagtayuan ang mga tao. Mamaya na siguro ako, pagmedyo hindi na ganoon ka rami ang nakapila pa baba. Napatingin naman ako sa taong katabi ko ng bigla itong gumalaw, umayos lang siya ng posisyon at natulog ulit. Wala ba 'tong balak bumaba? O baka hindi niya lang alam na nakadaong na kami? Gisingin ko kaya? Tama.
"Excuse me,"sabi ko sabay tapik sa kanyang braso, hindi pa rin ito umiimik kung kaya ay tinulak ko na ito ng konti.
"Excuse me, We are already here"ulit kong sabi sa kaniya habang tinapik ng paulit ulit ang kaniyang braso. Gumalaw naman ito atsaka iminulat ang kaniyang mga mata. Tinignan niya ako ng labis na pagtataka atsaka tinignan ang paligid niya.
"Sht! Ang yaba yata ng tulog ko"rinig kong sabi niya.
"Ginising lang po kita incase hindi mo po alam,"nakangiti kong sabi sa kaniya atsaka tumayo na.
"Salamat,"tanging nasambit nito atsaka tumayo na rin.
Naglakad na ako pababa ng lantsa ng makita ko ang lalaking ginising ko kanina ay mabilis na naglakad pauna sa akin. Napa-iling nalang ako atsaka pumunta na sa exit ng pier na ito. Hinanap ko naman ang Eatery na tinutukoy ni lola at nakita ko naman ito di kalayuan. Nagsimula na akong maglakad doon atsaka nakita at tumayo sa gilid nito.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at nakita ko at tatawagan na sana si lola ng biglang may isang Avanza na sasakyan ang tumigil sa harapan ko sabay silbato nito na naging sanhi ng pagtalon ko sa gulat.
Napatingin naman ako sa nagmamaneho ng sasakyan ng ibinaba nito ang bintana. Napangiti naman ako ng sobrang lawak na makita si Lola na natatawang nakangiti sa akin.
"Sakay na,"anyaya ni lola sa akin.