Chapter 3

1365 Words
Calixta Point of View.     Hinay-hinay akong naglakad palayo sa mga kaibigan ko. Hilong-hilo ako na kumakapit sa pader na tanging gumagabay sa akin paalis sa lugar na ‘yon. Nang makalayo-layo na ako ay agad ko naman na sinagot ang tawag na mula sa lola ko. “Hello po,lola?”bungad ko sa kaniya. Narinig ko naman na suminghot si lola sa kabilang linya na akala mo ay kagagaling lang umiyak o sinisipon. Hindi naman ito sumagot sa pagbati ko. “Lola? Okay ka lang po ba?”tanong ko sa kaniya at sumandal sa pader atsaka pinikit ang aking mga mata. “Iha...”mahinang sambit niya sa kabilang linya kung kaya bigla akong nag-alala na baka mayroong nagyaring masama sa kanila. “Lola? Ano pong nagyayari?”ulit kong tanong habang minamasahe ang aking ulo gamit ang kanang kamay. Nagsisimula na kasi sumakit ‘yong ulo ko. Narinig ko naman ang paghikbi ni lola kung kaya’t naging dahilan para mapamulat ang aking mga mata. “Lola? Bakit ka po umiiyak? May nangyari ba?”nag-aalala kong tanong. Hindi ko na napapansin ang mga taong dumadaan sa harap ko dahil naka-pokus lang ako sa magiging sagot ng lola ko. Hindi ko matukoy kung ano ang dahilan ng kaniyang pag-iyak, miss niya ba ako? O may nangyaring masama kay lolo, na sana ‘wag naman. “Iha, patay na ang tita mo”tanging na sambit ni lola sa kabilang linya na naging dahilan ng pagkagulat ko at pagtulo ng mga luha ko. Si tita? Patay na? Paano nangyari ‘yon? Sobrang lusog pa ni tita noong huling pagkikita namin. “P-paano nangyari ‘yon lola?”naluluhang tanong ko sa kaniya. Agad ko naman na pinunasan ang mga luha ko ng mapansin ko na may mga taong nakatingin na sa akin. Tumalikod naman ako sa kanila at humarap sa pader. “Dito ko na ipapaliwanag iha. Maari ka bang umuwi dito sa’tin?”humihikbing tanong ni lola sa akin, hindi namana akong nagdadalawang isip na pumayag habang tumatango na akala ko naman ay makikita ako ni lola. “Tumawag ka sa’kin kapag papunta ka na rito”tanging sabi ni lola bago niya ibinaba ang tawag. Paano? Paano nangyari ‘to? Wala namang sakit si tita. So why did she die? Why?      This is just a question that I can’t answer all by myself unless I am going back to our province tomorrow and let my grandmother tell me everything. Hindi ko napansin na patuloy ng pumapatak ang aking mga luha, ilang saglit pa ay naisipan ko ng bumalik sa kung saan naroroon ang aking mga kaibigan. Lumapit ako kay Dhanna na abalang nakikipag-usap kay Louise. “Guys”sigaw kong tawag sa kanila. Napalingon naman ang mga ito at hinila ang isang bakanteng upuan malapit sa kanila. Umupo ako doon atsaka nila ako tinignan ng maigi. “Umiyak ka ba?”tanong ni Louise sa’kin. Tumango nalang ako at nagsimula na naman na pumatak itong mga luha ko. “Hala? Anong nangyari? Hindi ka naman broken hearted. Bakit ka umiiyak?”nag-aalalang tanong ni Dhanna habang tinatapik ang aking likod. “My tita just died”malungkot kong sabi sa kanila na naging dahilan upang lumaki ang kanilang mga mata at nilapitan ako atska niyakap. “We are so sorry to hear that”sabi naman ni Dhanna habang nakayakap sa akin. Mas lalo lang akong napaiyak dahil sa kanilang ginawa. “Condolence Calix”malungkot na sabi naman ni louise sa akin pagkabitaw nila sa yakap namin. “Thank you guys. Siguro mauuna na muna akong u-uwi sa inyo”pamamaalam ko. Umiling naman sila sa sinabi ko. “No, sabay tayong uuwi.”sabi naman ni Dhanna bago ito tumayo kasama si Louise at ipinaalam sa mga kaibigan ko ang nagyari. Lumapit naman silang lahat sa akin at niyakap ako at isa – isa silang nag condolence. Pait na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanila. Pagkatapos non ay umalis na kami at naglakad na pauwi sa bahay ni Louise at kinuha ang aming mga bag atsaka umuwi na ako sa aking dormitoryo. Pagkarating ko rito ay agad akong nag impake para sa biyahe ko bukas.     Pagtapos ay agad naman akong humiga sa kama at napatitig sa kisame . Hindi ko maipagkakaila na sobrang nahihilo na ako dahil sa alak, pero hindi pa rin ako makatulog. Naiisip ko pa rin ang balitang ibinahagi ni lola sa akin.      Bakit naman ganoon tita? Bakit naman ang aga naman ata para iwan mo ako na nag-iisa?      Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko sa pisngi at kasabay rin nito ang pag sakit ng ulo ko.      Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa biglang nag ring ang aking cellphone na agad ko naman itong sinagot. "Hello?"pumipiyok kong bungad sa tumatawag. "Hello Calix?"nag-aalalang sagot naman sa kabila. "Sino po 'to?"umiiyak na tanong ko, agad ko naman na pinunasan ang mga luha ko at tumayo sa kama. "Si Maryvil 'to, nabalitaan ko ang pangyayari"malungkot na sabi nito. Hindi na ako umimik at lumabas nalang sa kwarto para uminom ng tubig. "I am really sorry for your loss Calix, sorry talaga at wala ako riyan para damayan ka ngayon"ramdam ko sa  boses ng kaibigan ko ang lungkot at paghihinayang sapagkat hindi man lang nito ako masamahan ngayon. "It's fine Maryvil, and thank you"pait kong tugon rito atsaka kumuha ng baso. Agad ko naman itong nilagyan ng tubig at ininom. "Kumusta ka riyan?"tanong nito sa akin, inilagay ko naman ang baso sa lababo bago ito naisipan na sagutin "Heto, nalulungkot. Ayaw matigil ng luha ko sa pag-agos. Masyadong masakit ang pagkawala ng tita ko para sa akin"agad naman akong pumasok sa loob ng kwarto atsaka hinawakan ang ulo ko.  "Alam ko, na-alala ko pa yong mga na e-kwento mo sa amin. Siya nalang ang tanging pamilya na bumibista sa'yo riyan diba?"tanong nito. Ibinaba ko naman ang cellphone ko at ini-speaker. "Oo siya nalang, busy si lola sa mga business doon sa probinsiya namin atska sa pag-aalaga kay lolo at alam niyo naman na wala na akong mga magulang"malungkot na pagpapaliwanag ko at humiga sa kama habang minamasahi ang aking sintido. "Kaya nga. Sige lang Calix, lagi mong tatandaan na nandirito pa rin kami para sa'yo. We are your friends kung kaya ay kailangan mo ng kausap ay 'wag kang mag-atubili na tawagan o e chat kami okay?"pag-papaalala nito sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya, kahit talaga 'tong babaeng 'to napaka bait. "Salamat sa inyo, kung wala siguro kayo o kung hindi ko kayo nakilala. Ewan ko nalang kung sino pa ang matatakbuhan ko"sagot ko naman rito na naging dahilan ng pagtawa niya. "May naging ibang kaibigan ka rin bukod sa amin, nandiyan din sila sa'yo tulad nalang ng mga kaklase nating mga lalaki. Naging close ka nga sa kanila dahil sa pagiging friendly mo. Anyway, alam ko naman na sobrang bigat ng nararamdaman mo ngayon pero Calix, wag kang mawalan ng pag-asa okay? Pagsubok lang 'yan. Panigurado malungkot ang tita mo ngayon sa itaas kasi 'yong paborito nitong pamangkin ay umiiyak na ngayon"mahabang tugon naman nito. Agad ko naman na iminulat ang mga mata ko at itinaas sa ere ang kanang kamay ko.  "Siguro nga... Sana naman masaya si tita kung nasaan man siya ngayon"sagot ko naman rito at tiniklop ang kamay ko atsaka inilagay sa ibabaw ng tiyan ko. Kusa namang tumulo ang mga luha ko na agad namang pinunasan.     "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Calix, pero kailan pa naging malungkot sa langit? Sa kabaitan ng tita mo, sa tingin mo ba ay hindi iyon mapupunta sa piling ng panginoon?"tanong nito sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi ni Maryvil. Kung sabagay totoo nga naman, hindi mapagkakaila ang kabaitan ni tita sa lahat. Sobrang daming tao na ang natulungan nito at kahit kailan ay walang linggo na hindi ito nagsisimba at never ko rin itong narinig na magmura.     "Salamat Maryvil, medyo gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi mo" kinuha ko naman ang cellphone ko at pinindot ang ulit ang speaker at inilagay ito sa gilid ng tenga ko. "Anytime. Lagi mong tatandaan na nandito lang kami. Hindi ka nag-iisa."huling bilin nito bago namin ibinaba ang tawag.          Sobrang swerte ko na sa tita ko at gayundin sa mga nakaibigan ko pero ngayong wala na si tita tanging mga kaibigan ko nalang ang meron ako, pati na rin sila lolo at lola. Kinuha ko naman ang isang unan ko at niyakap ito at pinikit ko nalang ang mga mata ko at inisip na si tita 'yon, hindi naman mapigilan ang mga luha ko na nag-uunahang umagos. Nanatili lang ako sa ganoong posisyon hanggang sa makatulog na ako,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD