Chapter 41

2321 Words
“Pabili po ng bulaklak,”tawag pansin ko sa babaeng abala sa pag-a-arrange sa gilid. Napatingin na man ito sa akin at ngumiti. “Teka lang iha ha,”sambit nito sabay tayo at pahid sa kaniyang suot-suot na apron. “Ano sa’yo rito?” Tanong nito , “Itong maliit na ito ay 150 lang habang ito naman ay 250,”sabay turo sa medyo may kalakihan na bulaklak sa gilid. Balak ko sanang bilhin ay iyong maliit lamang ngunit napaka-ganda naman kasi ng pag-arrange ng malaking basket na ito. I want the best and beautiful flowers for tita and also for my parents. “Dalawang tag-250 po,”tugon ko sabay ngiti sa kaniya. “Alright!” Tugon nito sabay kuha ng dalawang basket na mayroong preskong mga bulaklak. “Here, 500 lahat,”sabi nito sabay lapag ng dalawang basket sa harap ko at ngumiti. Kumuha naman ako ng pera sa wallet ko at ibinigay ito sa kaniya. “Thank you,”pasa-salamat ko bago kinuha ang dalawang basket at naglakad na papasok sa memorial park. Napaka-tahimik ng lugar. Walang masiyadong bumi-bisita ngayon, siguro ay sa kadahilanan na rin na weekdays ngayon at alas-kuwatro pa ng hapon. Mayroon lamang ilang tao na nagjo-jogging at may iba rin na mukhang nagpa-practice mag motor. Nagpatuloy lang ako sa pagla-lakad habang ino-obserbahan ang mga tao rito na may kaniya-kaniyang ginagawa. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa puntod nila tita atsaka ng mga magulang ko. Inilagay ko ang isang bulaklak sa ibabaw ng lapida ni tita habang sa gitna naman nila mama atsaka ni papa naman iyong isa pa. “Magandang hapon po sa inyo,”bati ko rito atsaka hinaplos ang mga lapida nito isa-isa. “Kumusta po kayo?” Tanong ko sa kanila sabay hawi ng mga dahon na naka-kalat. Medyo tuma-taas na rin ang bermuda nila rito kung kaya ay medyo matulis na ito upuan. Kinuha ko ang isang malaking notebook at inilagay iyon sahig atsaka inupuan. “Ako? Hindi po ganoon ka okay,”sabi ko at ma-pait na ngumiti rito. Bigla namang lumakas ang hangin at kasabay roon ang pag-lipad ng isang kulay na puting paru-paru at dumapo sa lapida ni mama. “Hello po, mom,”bati ko rito. “Sana nandito po kayong tatlo sa tabi ko,”malungkot na saad ko atsaka napa-yuko. “Ang hirap pala ng sitwasyon na pinasukan ko. Akala ko ay wala lang, akala ko ay simpleng aksidente lang ang mga nangyayari, ngunit hindi ko inaasahan na isa pala itong sumpa. Sumpa na hindi namin alam kung paano mapapa-walang bisa,”kwento ko rito. “Ma, Pa, Tita, paano niyo po ba napa-tigil iyong sumpa na nangyari sa inyo ilang taon na ang nakaka-lipas?” Tanong ko rito sabay hawak sa puting rosas na nasa basket. “Ayaw ko na po matakot, nakaka-pagod po kasi,”tugon ko. Inayos ko ang pagkaka-upo ko at napa-tingin sa paligid ko. Mayroon akong nakita na isang masayang pamilya na sa tingin ko ay bini-bisita nito ang kanilang lolo. Iyong batang kasama nila ay pina-pakita pa rito ang bagong biling laruan na kunwari ay totoong nakikita ng kaniyang lolo. “Paano ko po ba ito mapipigilan? Ngunit, nakaka-tawa lang sapagkat, tanong ako ng tanong patungkol sa bagay na iyan pero noong panahon na pupunta na sana tayo sa siyudad ay siyang binawian din naman kayo ng buhay,”malungkot kong sabi rito, “Bakit nga ba? Oo nga po pala, dahil sa hindi pa na tigil iyong sumpa,” May mga panahon na nagkakaroon ako ng pag-asa na baka sakaling pwede pa namin ma pawalang bisa ang sumpa ngunit sa tuwing naa-alala ko ang mga ito ay bigla-bigla nalang akong nanghihina. Sa tuwing naaalala ko na may parte sa memorya ko ang nawala at nakalimutan ko ang araw kung paano kami na aksidente ay bigla bigla nalang akong nalu-lungkot. Sa tuwing naaalala ko ang pagka-matay ni tita ngayong tao ay tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig at magi-gising nalang sa katotohanan na kahit sila ay hindi naka-survive sa sumpa ng seksyon na ito. “Ano po ang dapat kong gawin?”bulong ko rito. Bigla namang lumakas ang hangin at sumama rin doon butterfly na kasama ko kanina. Siguro nga ay wala na kaming sulosyon para dito. Bahagya naman akong nagulat ng biglang may kumalabit mula sa likod ko. Pag-tingin ko rito ay nakita ko si Jake na naka-ngiti habang kuma-kaway. Tinignan ko lang ito atsaka ibinalik ang atensyon ko sa mga magulang ko at kay tita. “Binisita mo rin pala sila,”sambit nito sabay upo sa tabi ko. Kailan pa kami naging close ng isang ‘to? Atsaka obviously, bini-bisita ko sila. Iba rin kapag dito ako naka-tira hindi ba? “Yeah,”tugon ko. “Nandito rin ako upang bisitahin ang tiyo ko na kaklase rin ng mga magulang mo atsaka ng tita mo,”paliwanag nito na naging dahilan ng paglingon ko rito na nanlalaki ang mga mata. “Yeah, he was also under that curse,”may diin na sabi nito. Napansin ko naman ang pagkuyom nito sa kaniyang mga kamao at ang pagkunot ng kaniyang noo. Hinawakan ko nalang isa nitong kamay sa hindi malamang dahilan. Tila ba may nagu-udyok sa akin na gawin ito. Ngumiti lang ako sa kaniya, “Pareho lang pala tayo ng sitwasyon,”tugon ko sabay haplos sa likod nito. Napansin ko naman ang paglambot ng pagkaka-kuyom nito at ang pag-kalma ng kaniyang mukha. Buti naman kung ganoon baka sa akin pa mailabas ang galit nito At ano pa magawa sa akin. “Yeah, hindi naman niya choice na mapa-bilang sa section A,”paliwanag nito na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko. “Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ko rito. “My grandmother wants him to enroll in that section,”paliwanag nito. Grandmother? Wait. My lola also told me that she forced them to enroll there but why? “I don’t know the reason why but I badly want to find out,”dugtong nito sabay buntong hininga. Napa-lingon naman ito sa akin at ngumiti ng sobrang pait. “I just hope you didn’t stop Calix,”sabi nito. “Why?” I asked. “Siguro, may mga sagot na tayo sa mga tanong natin tungkol sa pisteng sumpa na ito,”paliwanag nito. Na tahimik lang ako at iniwas ang aking paningin. Hindi ko pwedeng ipag-patuloy ang ginagawa ko. Ayoko na dahil sa selfishness ko ay madadag-dagan na naman ang bilang ng mga kaklase ko na binawian ng buhay. Paano kapag sa oras na ito ay ang mga kaibigan ko na? No. Hindi ko kakayanin ‘yon, dadating din siguro ang panahon kung kailan masasagutan lahat ng katanungan ko ngunit sa ngayon ay ayoko i-damay ang mga tao sa paligid ko. “Nai-intindihan ko naman ang takot na nararamdaman mo ngayon,”sabi ni Jake, “Ngunit hindi na ito mawawala hanggang sa hindi pa tayo makaka-hanap ng sagot,”dugtong nito. “Hindi ganoon kadali iyang hinihingi mo Jake,”paliwanag ko, “Bakit sa akin ka lumalapit? Bakit hindi ikaw ang gumawa?” Sabi ko na medyo tumataas na ang aking boses. “I tried Calix,”he said, “I tried but I always end up failing,”malungkot nitong sabi. “Sinubukan ko na ang lahat ngunit sa tuwing malapit na ako sa sagot ay kusa itong naglalaho,”paliwanag nito. Medyo naguguluhan na ako sa kaniya. Hindi nalang ako umimik at napatingin nalang sa puntod ng tatlo kong pamilya. Lumipas ang ilang minuto at nanatili kaming tahimik dalawa, wala yatang balak magsalita sapagkat wala naman kaming ibang bukang bibig kung hindi ang sumpa. Bahagyang nagulat naman ako ng may mahagip ang mga mata ko sa hindi kalayuan. Isang taong nagla-lakad patungo sa banda namin. Ito iyong misteryosong babae na laging naka-masid sa akin sa tuwing nagpu-punta ako sa park o hindi kaya ay dito sa memorial. Anong ginagawa niya rito? Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-kaba lalong - lalo na biglang tumayo si Jake at pinagpagpagan ang kaniyang suot na Jeans. Napa-tingin naman ako rito na ngayon ay naka-tingin sa taong papa-lapit sa amin. Iyan na siya... “Tita,”tawag ni Jake na naging dahilan ng pag-taas ng kilay ko. Tita? What does he mean by tita? Napa-titig naman ako sa taong naka-tayo sa gilid ng puntod ni papa ng bigla nitong tinanggal ang kaniyang sumbrero atsaka ang hoodie nito. Nahulog naman iyong buhok nito na hanggang balikat lang ang haba at medyo may kasingkitan ang mga mata nito na nakatitig sa akin. “Jake,”tawag nito sa taong nasa tabi ko. “Ano po ang ginagawa mo rito?” Tanong ni Jake atsaka lumapit sa babae at nag-bless. Hindi lamang umimik ang tita nito na hanggang ngayon ay nakatitig sa akin na tila ba parang kilala ako nito. “Tita, this is my classmate. This is Calixta,”pakilala nito sa akin sabay lahad ng kamay niya. Tinanggap ko naman ito atsaka tumayo at lumapit. Inilahad ko naman ang aking kamay na agad naman nitong tinanggap. “Magandang hapon po,”bati ko sabay mano sa kaniya. Naka-titig lang ito sa akin na nagbibigay ng weird na feeling. “Are you one of the Guevarra’s?” Tanong nito. Napa-lingon naman ako kay Jake at tumango lang ito. “Yes po,”sagot ko rito at napa-tingin sa kaniya. “I see,”tugon nito sabay tingin sa tatlong puntod na nasa tabi namin. “I didn’t expect that you will be back here,”sabi ng tita ni Jake sabay upo sa pagitan ng puntod ni mama atsaka ni Tita. “I thought you left for good,”dugtong nito habang naka-talikod sa akin. Napa-tingin naman ako kay Jake na ngayon ay kibit balikat na umupo sa pwesto namin kanina. Sumunod lang ako rito atsaka ngumiti. “Kailangan po, walang ibang kasama sila lolo atsaka lola, tanging ako nalang ang pamilya nila,”paliwanag ko. Hindi ko alam ngunit ang weird kang makipag-usap sa taong sumusunod sa iyo lagi. Bigla naman itong napa-tigil sa pag-haplos sa lapida nila tita at tumingin sa akin ng diretso. “Wala na ba?” Seryosong tanong nito. Tumango lang ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Ewan ko pero hindi ko kayang manatiling naka-titig sa mga mata nito ng matagal. “Babalaan lang kita Calixta,”sambit nito sabay tayo. “You should be careful with the people around you,”seryosong sabi habang naka-kuyom ang mga kamao nito. “You can’t just trust them. You are way more powerful than us. I think you can resolve this thing, by this time.” Mahiwagang sabi nito sabay upo sa harap ko at hinawakan ako sa mag-kabilang balikat. “I trust this one to you. Please bring justice to everyone who died for their own pleasures,”dugtong nito atsaka tumayo na. “Mauna na ako Jake,”she said at aalis na sana ng tumayo ako at hinawakan ang kamay nito. “Wait po,”tawag ko. “Bakit niyo po ako laging sinusundan?” Tanong ko rito. Nakita ko naman ang pag-higpit ng kapit niya sa sumbrero na suot-suot nito ngayon. “I want to talk to you so bad,”she said, “But I always have no chance to do that, they are always with you,”dugtong nito sabay bitaw ng kamay ko at suot ng hoodie nito. Ilang sandali pa ay bigla nalang itong nawala at nakita ko nalang ang isang sasakyan na kulay itim na mabilis na umalis. They are always around me? Who? Only my friends are always around me. No one else. Tulala lang akong naka-tingin sa kamay ko na binitawan ng tita ni Jake. Naguguluhan ako sa pina-pahiwatig nito. Gusto ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang binitawan nito ngayon lang at kung para saan iyon. Anong koneksyon ng pamilya ko sa mga nangyayari at kung bakit ako lang ang may kakayahan upang ma sulosyunan ang lahat ng ito? Ano ba ang meron sa akin? Bakit? Napalingon naman ako sa taong humawak sa kamay ko at nakita itong nag-aalalang naka-tingin sa akin. “Okay ka lang ba?” Tanong nito. Tumango lang ako atsaka binitiwan ang kamay nito. Bumalik ako sa pagkaka-upo na agad naman nitong sinundan. “Huwag mo ng masiyadong isipin ang sinabi ni tita sa’yo,”paliwanag nito, “Lagi iyong ganoon, kung ano ano nalang ang sinasabi,” Tumango lang ako rito na kahit ang totoo ay hindi ko ito pinakinggan. Alam ko sa sarili ko na mayroong tinatagong meaning ang sinabi ng tita niya. Hindi basta-basta magbi-bitaw ng salita iyon kapag tungkol na sa ganitong mga bagay hindi ba? Ngunit ang tanong, “Bakit parang kilala ng tita mo ang mga magulang ko?” Tanong ko rito. “Naalala mo naman siguro si tito na keni-kwento ko sa’yo hindi ba?” Tanong nito sa akin. Tumango lang ako at taimtim na nakikinig. “That woman is his wife,” And yeah I am right. She knows something but she just couldn’t tell anybody. Something is stopping her to tell everything that is why, she keep chasing after me, maybe because there is something in my family that Only, I, can control. “Calix?” Nakaramdam naman ako ng mahinang pagyugyog sa balikat ko at tinignan ako ng nag-aalala. “Okay ka lang ba?” Tanong nito. Tumango lang ako sa kaniya at naisipan na umuwi na. “Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ko rito sabay tayo. Tumayo na rin naman ito atsaka umiling, “May dadaanan pa ako, mauna ka na,”tugon nito. “Salamat sa oras,”sambit nito sabay kaway, nagpa-alam na rin ako at bumalik sa lugar kung saan ko ipi-nark ang motor ko. Nang makarating ako rito ay agad akong sumakay at pinaharurot ito pauwi. This is the most exhausting day ever! Lumipas ang ilang minuto bago pa ako makarating sa bahay. Pagka-pasok ko ay tahimik lamang ang loob at tila walang katao-tao kung kaya ay dumeritso na ako sa kwarto ko at kumuha ng towel upang maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakaka-pagod. I miss you so much bed! Kinuha ko ang pinaka-malaking unan ko rito at yinakap ito. Ahhhh nakaka-miss at ang sarap sa pakiramdam. Pinikit ko na ang mga mata ko ngunit agad din naman na-idilat ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito agad, only to see that unregistered number. “Hello?”bati ko rito. “Calix,”tugon ng kabila. Bigla naman akong mapabangon ng maka-rinig ng pamilyar na boses. “Jake?” Tawag ko. “Hmm,”tugon nito. “How did u get my number?” Tanong ko sa kaniya. “I asked Amani,”tugon nito. “Bakit? Ano kailangan mo?” Tanong ko. “Well, I am just checking on you.” Tugon nito. “I see,” Nagkwentuhan lang kami sa loob ng dalampung minuto hanggang sa naisipan nitong magpa-alam na. Ibinaba ko na ang tawag atsaka pinikit ang aking mata upang matulog. Gusto ko lang naman magpahinga. Ngunit bakit sa tuwing pipikit na ako ay bigla-bigla nalang may didisturbo? “Calixtaaaa!” Sigaw ni Lea sabay talon sa kama ko. “What do you want?” Inis kong tanong atsaka kinuha ang unan at hinampas ito sa mukha niya. Kainis itong taong ‘to. Kitang magpapa-hinga ‘yong tao eh. “Ay ang attitude,”birong tugon nito sabay siksik nito sa tabi ko. “Ano ba kasi kailangan mo?” Tanong ko rito. “Wala, namiss lang kita,”sagot nito. “Urur!” Sabi ko rito sabay hampas “Bakit nga kasi,”tanong ko sa kaniya. “Wala gusto ko lang maki-share sa’yo, I want to rest,”sambit nito. “May pa I want to rest ka pang bruha ka,”umi-irap na sabi ko rito at tumalikod sa kaniya. “Hindi bagay sa’yo,”dugtong ko at yinakap ang unan na katabi ko. Tumawa lang naman ang bruha at yinakap ako. Makakapag-pahinga na rin sa wakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD