Chapter 42

2567 Words
Amani’s Point of View. Nagdaan ang ilang araw simula noong pagka-matay ni Dave. Alam namin lahat bukod kay Calixta na simula pa lang noong una ay ang sumpa ng aming section ay nagsi-simula na naman. Kapag itong sumpa na ito ay na simulan ay wala na itong atrasan pa. Hanggang ngayon ay walang nakaka-alam kung paano baliin itong sumpa. Kahit ang mga guro rito o ang mga matatanda na sa institusyon na ito. “Sa tingin mo,”sambit ni Zaria habang ina-ayos ang kaniyang uniform sa harap ng salamin, “Ano kaya ang magiging desisyon ni Celestial?” Dugtong nito at humarap sa akin. Nag-kibit balikat naman ako at sinuot ang medyas ko. “Hindi ko alam, pero sana ‘wag naman iyong sobra,”tugon ko rito. Alas sais pa ng umaga, oo nga at nakaka-panibago ngunit kinakailangan namin maging maaga sa unibersidad upang dumalo sa meeting ng aming klase. Hindi ito alam ni Calixta sapagkat siya ang topic namin ngayong araw. “Iyon lang, hindi ko rin alam ang takbo ng isip ni Celestial,”paliwanag ng kambal ko at kinuha ang kaniyang bag. Tumayo na rin ako at nagsimula na kaming maglakad palabas. “Masyadong napaka-aloof ng babaeng ‘yon, tanging si Sy at Sing lang naman ang may alam kung ano ang plano nito,”paliwanag niya. “Sabagay,”tanging sambit ko. Totoo naman at tanging ang dalawa lamang ang may alam sa mga nangyayari at kung ano ang plano ni Celestial para kay Calixta. Gustohin man namin na tanungin ito pero alam namin sa sarili namin na ang tanging isa-sagot lang nito ay, “Malalaman niyo rin,” Napa-iling nalang ako sa isip ko at sumunod nalang kay Zaria na ngayon ay pinu-punasan ang kaniyang salamin. Dumeritso kami sa kusina at agad na umupo. “Ang aga niyo yata ngayon mga anak,”sambit ni Mama at inilapag sa harap namin ang nilutong itlog at fried rice. “May meeting po kasi ‘yong klase namin,”paliwanag ko rito at ngumiti sa kaniya. Tumango naman itong si mama at hinalikan kami ni Zaria sa pisngi. “Buti naman kung ganoon, sana araw-araw kayong may meeting,”tugon ni mama sabay wink. Naka-simangot ko naman na tinignan si mama, “What do you mean, ma?” Tanong ko rito. Inosenteng tinignan naman ako nito ang ngumiti ng sobrang lapad. “What do you mean? Wala naman ah,”sabi nito sabay kindat kay Zaria. Sinimangutan lang ko ito lalo na naging dahilan naman ng pagtawa nito ng malakas. “Binibiro lang kita. Sige na kumain na kayo,”sabi ni mama at tumawa. “Ang sama mo talaga sa akin ma,”reklamo ko rito, “Hindi mo na ba ako mahal?”biro ko rito. “Hindi,”tugon ni mama sabay dila sa akin. Kita mo ‘to? Mas childish pa sa akin, hays. Saan ba kasi ito nagmana? “Buti pa itong si Zaria ang bait,”sambit ni mama. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpa-tuloy nalang sa pagkain. Bahala ka riyan ma, tampo ako sa iyo. Nanatili lang kami ng ganoon sa kusina. Masayang kumakain habang nag-aasaran. Bigla naman pumasok si Papa mula sa labas at naka-ngiti na napa-tingin sa amin. “May milagro ba ngayong araw?” Tanong nito, “Maka-bili nga ng lotto mamaya,”natatawa nitong sabi. “Papa!” Inis na sigaw ko rito. Tumawa lang ito at dumeritso sa sink ng kusina at nag-hugas ng kamay. “Dalian niyo na riyan, ihahatid ko kayo,”sambit ni Papa bago pinunasan ang kaniyang basang kamay at nagtungo sa sala. “O’ sha dalian niyo na riyan, mukhang good mood Papa niyo at ihahatid kayo,”tugon ni Mama atsaka iniligpit ang kaniyang pinagkainan. “Tapos na po ba kumain si Papa?” Tanong ko rito. “Oo kaninang madaling araw lang ‘yan kumain,”sambit ni Mama at ngumiti. Tumango lang ako at isinubo ang huling pagkain na nasa kutsara ko. Uminom muna ako ng tubig bago ako tumayo at inilagay sa lababo iyong pinagkainan ko. Sumunod naman si Zaria sa akin at patakbo akong bumalik sa kwarto upang mag-toothbrush. Ilang minuto pa ang nakaka-lipas ay na tapos na rin kami at lumabas na ng bahay. Naabutan namin si papa roon na abala sa pagpu-punas ng salamin ng sasakyan. Napa-lingon naman ito sa amin atsaka ngumiti, “Ready na kayo?” Tanong nito. Nakita ko naman ang pag-tango ni Zaria at pag-sakay nito sa backseat. Nag-tungo na rin ako sa passenger seat at umupo. Pumasok naman itong si Papa at sinuot ang kaniyang seatbelt. Hindi naman nag-tagal at pina-andar na nito ang sasakyan. Tahimik lang kami buong biyahe kung kaya ay naisipan ko na buksan ang cellphone ko at naghanap ng posts. Bigla naman nag-pop ang chat head ni Celestial. Ano kaya kailangan nito? Pinindot ko ito at bumungad sa akin ang kaniyang mensahe. “AVR #3,”laman ng mensahe nito. Napa-taas naman ang kilay ko at iniisip kung ano ang ibig sabihin niya. Avr #3? Anong meron doon? Napa-tingin nalang ako sa labas at napagtanto na sa meeting pala ito. Binuksan ko ulit ang cellphone ko at nag-reply sa kaniya. “Okay, marami na ba kayo riyan?” Tanong ko rito, lumipas naman ang halos sampung segundo bago nito ma-seen ang aking mensahe. “Apat nalang kayo ang kulang,”tugon nito sabay send ng picture ng mga tao na naroroon na naka-upo malayo sa isa’t-isa. “Ganoon ba, malapit na kami ni Zaria. Hindi naman kami matatagalan sapagkat hinatid kami ni Papa,”tugon ko rito, nag-send naman ito ng like emoji. Kahit kailan talaga itong babaeng to kasali sa like zone club. Si Celestial ang tipong tao na responsable at maasahan. Sobrang seryoso nito sa lahat ng bagay at kahit na anong task ang ibibigay sa kaniya ng mga guro ay wala itong palya kung kaya labis nalang ang tiwala ng mga guro namin sa kaniya. “Sino ‘yon?” Tanong ni Zaria mula sa likod. Ni lingon ko naman ito na ngayon ay abala na sa pagbabasa ng kaniyang libro. “Si Celestial, nag-chat lang kung saan gaganapin ang meeting,”tugon ko rito. “Hmmm,”sambit nito. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harap. Ano kaya ang desisyon ni Celestial? Kahit ano man iyon ay para rin naman ito sa lahat ngunit isa lang ang sigurado ako hindi matatanggal si Calixta sa seksyon namin. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa harap ng school. Humalik muna ako at si Zaria sa pisngi ni papa bago lumabas ng sasakyan at pumasok. “Ilan na sila ang naroroon?” Tanong ni Zaria. “Apat nalang tayo ang kulang,”tugon ko. Hindi naman ito umimik ngunit nagulat nalang ako ng hilahin ako nito sa isang tabi. “Calixta is here,”sambit nito bago pa ako makapag-salita. Shiz, kapag nagka-sabay kami nito baka sumama ito at mapalya iyong meeting namin. Malalagot talaga kami kay Celestial. Hindi naman kami naghintay ng matagal at agad din naman nawala si Calixta sa paningin namin. Nagma-madali kaming tumakbo papunta sa AVR #3 at nang nasa harap na kami ng pinto nito ay halos maubusan kami ng hininga kung kaya ay hindi kami naka-pasok kaagad. “Tara na,”aya ni Zaria atsaka binuksan ang pinto. Sinalubong naman kami ng malamig na hangin mula sa aircon at ingay mula sa mga nagdaldalan na mga kaklase namin. “Nandito na si Amani,”sigaw ni Harold atsaka lumapit sa akin. “Bakit ang tagal niyo yata?” Tanong nito atsaka inilahad ang kaniyang kamay. Ibinigay ko naman rito ang bag ko at nag-simula ng maglakad patungo sa isang bakanteng upuan. “Hindi naman ah?” Tanong ko rito sabay tingin sa relo ko. Alas-sais pa rin naman. “Nakalimutan mo ba?” Biglang tanong ni Zaria at umupo sa tabi ko. “Ang alin?” Tanong ko rito at tinaasan ito ng kilay. “Kung anong nangyari sa watch mo kahapon?” Naka-ngising tanong nito. What? Kahapon? “Hoy, akin na nga kasi ‘yan Zaria!” Sigaw ko rito. Ngunit patuloy lamang nitong inilalayo ang chi-chirya na kinuha ko sa kusina. Kainis naman kasi itong babaeng ‘to. Tina-tamad na naman, ayan tuloy! Pagkain ko iyong pinunterya. “Kumuha ka nalang ulit ng sa iyo doon,”tugon nito at tinalikuran ako. Inis ko naman na pinatiran ang lamesa ko dito sa kwarto at nahulog ang relo ko. “Damn!” Sabi ko sabay kuha ko nito. Tinignan ko ito kung nagkaroon ba ito ng gasgas sapagkat napaka-mahal ng pagkaka-bili nito. Ngunit halos manlumo ako ng makita na hindi na ito umaandar. “Zaria!” Sigaw ko rito na halos na iiyak na. “Bakit?” Tanong nito. “Ayaw na umandar nito,”naiiyak kong tugon sabay turo ng hawak hawak ko. “Hala?” Sabi nito sabay lapit sa akin at inagaw ang hawak - hawak kong relo. Napa-upo naman ako sa sahig at halos maiyak-iyak na naka-tingin kay Zaria. Oo nga pala, nahulog ‘tong relo ko kahapon at dahil iyon sa katangahan ko. Bakit ko ba kasi sinipa iyong lamesa e’. Kung alam ko lang sana mahuhulog pala iyon ay hindi ko na sana ito sinipa. Kainis naman. Sinamaan ko ng tingin itong si Zaria at tumawa ito ng malakas. “Bakit ang sama mo maka-tingin?” Natatawa nitong tanong. “Dahil sa’yo kaya na sira ‘to,”nai-iyak kong tugon rito. Tumawa naman ito na naging dahilan ng pag-lingon ni Celestial at pag-lapit. “Nandito na pala kayo,”sambit nito sabay lapag ng isang papel sa harap namin. “Para saan ‘to?” Tanong ko. “Make your choice kung ano ang dapat nating gawin kay Calix,”paliwanag nito, “But mamaya na pagkatapos ko maipaliwanag ang lahat patungkol dito,”dugtong nito. Tumango naman ako atsaka binasa ang naka-sulat sa papel. “What’s your decision?” Basa ko sa sulat na nasa pinaka-taas na bahagi ng papel na naka-bold at capital letters. Nasa ibaba naman nito ang ilang basic information na dapat namin e-fill up bago ang ilang choices na aming pagpi-pilian. “Tapos ka na?” Tanong ko sa kaibigan ko na si Harold na ngayon ay naka-upo sa tabi ko at abala sa pagcha-chat sa dalawa ko pang kaklase na hanggang ngayon ay wala pa rin dito. “Oo kanina lang,”tugon nito. “Anong oras ba kayo nakarating dito sa avr?” Tanong ko ulit rito at tinanggal ang takip ng ballpen at nag-simula ng magsulat. “I think around 6:30? Kami palang ni Celestial ang naririto sa oras na iyan,”tugon niya. Nagtaka naman ako ng kinalabit ako nito sabay turo sa phone niya na may message galing kay Calixta. “Hinahanap kayo,”sambit nito. Napatingin naman ako sa mensahe at binasa ito. “Have you seen Amani and Zaria? Bigla nalang ito nawala,”basa ko sa chat nito. Bigla nalang ito nawala? Anong ibig sabihin niya? Nakita ba kami nito kanina? Nilingon ko naman itong kambal ko na abala sa pagfi-fill up at kinuha ang phone ni Harold tsaka pinabasa sa kaniya. “Nakita niya yata tayo kanina,”komento nito at bumalik na sa pagsu-sulat. “Ano naman ang isasagot ko?” Tanong ko rito. “Sabihin mo nalang na pina-patawag tayo ni Miss May,”casual na sabi nito atsaka ibinaba ang ballpen na hudyat na tapos na ito sa pagdu-fill up. Tumango lang ako nag-simulang mag-type ng mensahe, “Pinatawag yata sila ni Miss May,”sabay send. Dumaan lang halos dalawang segundo ay typing na ito. Ang bilis talaga ng kamay ng bruhang ‘yon. “Okay, Salamat,”reply nito. Hindi na akong nag-abala pa na sagutin siya at ibinalik nalang kay Harold ang kaniyang cellphone. “Liars,”sambit ni Harold at umiiling na tinago ang kaniyang cellphone. “Ano ang gusto mo na gawin ko?” Tanong ko rito, “Gusto mo ba na sabihin ko na, Calix, nagme-meeting kasi kami tungkol sa’yo. Kung paano ka namin didispatsyahin.” Inis na sabi ko at inirapan ito. “Chill, high blood naman ito agad,”tugon nito at tumawa. “Whatever,”sagot ko at inirapan siya. Tinalis ko nalang fill-upan ang papel na ibinigay ni Celestial. Nang natapos na ako ay agad akong sumandal sa upuan at sakto naman ang pagpasok ng dalawa kong late na kaklase. “Buti buhay pa kayo?” Biro ko rito. Sinamaan naman ako ng tingin ng dalawa. “Bakit kayo natagalan?” Tanong ni Celestial sa mga ito at binigyan ng papel na kapareho sa binigay nito sa amin. “May banggaan sa Poblacion,”tugon nito at nagsimula na rin mag fill up. Tumango lamang si Celestial dito at bumalik na sa harap. Napa-tingin ako sa hitsura niya at tila ba sobrang pagod nito at kulang sa tulog. Alam ko sa sarili ko na walang makaka-pantay sa pagod at hirap na nararamdaman ni Celestial ngayon. Siya kasi ang monitor namin, siya ang nag-re-record at nag-o-obserba sa mga kaklase ko. “Nasaan pala si Kath?” Tanong ko kay Harold. “Nag-CR lang,”tugon nito. Ang tagal naman yata nito para mag-CR lang? “Bina-back stab niyo ba ako?” Sabi ng babaeng mabaho ang hininga mula sa likod ko pero syempre joke lang ‘yon. “Oo,”sagot ko rito. Binatukan naman ako ng kumag at pina-usog si Harold. “Doon ka,”sambit nito at umupo. Kahit kailan talaga ‘tong babae na ‘to ay napaka-bastos. “Nasaan itong Good manners and right conduct mo?” Tanong ko rito at inirapan siya. “Iniwan ko sa bahay,”sagot nito sabay ngisi sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin at ipinukol ang aking atensyon sa harap. Hindi na ako magugulat sa pabago-bago na mood ni Kath. Hindi ko nga ito naiintindihan minsan. May mga araw na sobrang pilosopo nito at may mga araw din na sobrang bait nito. “Ahem,”sambit ni Celestial at naglakad sa gitna ng stage. “Good morning Section A,”bati nito sa amin, binati rin naman namin ito pabalik. “I know you guys are sad about what happen to our dear classmates,”pagsi-simula nito. “At alam ko rin kung gaano kayo nata-takot sa mga nangyayari. Walang ni sino man ang nakaka-alam kung paano patigilin ang sumpa pero base sa ating mga nalaman ay ang tanging solusyon lamang nito ay ang tigilan ang pag-pansin sa mga taong nagsimula nito,”dugtong nito sabay tingin sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin sapagkat alam ko kung sino ang tinutukoy nito. “Ilang taon na ba simula noong huling sumpa?” Tanong nito sabay kuha ng isang papel na nasa lamesa. “Tatlo? Apat? Hindi ko na alam ngunit isa lang ang sigurado ako. Bumalik na ang sumpa ng section A,”seryosong sambit niya. Tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya habang iyong ibang kaklase ko naman ay napapa-yuko sa kanilang mga upuan. “Ilang kaklase pa ba natin ang kailangan mawala upang mapasawalang bisa ito?” Tanong ni Celestial sa aming lahat. “Hindi ko alam at walang nakaka-alam.” Dugtong nito. “Gustohin man natin na mawala ito ay wala tayong magagawa, ay wait no, mayroon pala,” Napalingon naman ako sa mga kaklase ko na ngayon ay seryoso ng naka-tingin sa harap. “Several years ago, someone found out that by ignoring someone in your class can lift the curse,”she explained. Nakarinig naman ako ng mahinang pag-singhap mula sa paligid ko habang ako naman ay tumaas ang isa ko na kilay. “Yes, what I mean is ignoring another one,”dugtong nito. What does she mean by this? Are we going to ignore Calixta? Are we going to act like she is not in our class? “But you can make your own choice. I gave you a bond paper lately right?” Tanong nito na sinang-ayunan naman naming lahat. Napa-tingin ako rito at binasa ang mga pagpipilian. There are choices in which we need her to transfer into other department or drop her out. “Either you choose to ignore her or drop her out or whatever choices na nariyan sa papel,”dugtong nito. “I know that we became so close with Calixta but she meddled with the extra person, more, than I expected,”paliwanag nito. Calixta... “Let’s make our own decision as a class. I know this is hard but we have to do this, in order to stop this curse from killing anyone from our class,”paliwanag nito bago ibinabab ang microphone. Napa-titig lang ako sa papel na hawak - hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang desisyon na dapat kong gawin. Napa-mahal na sa akin si Calixta kung kaya ay napaka-hirap na huwag itong pansinin ngunit mas mahirap na makita ito sa ibang courses o hindi kaya ay ma drop out sa school. Kung ipapa-lipat ko lang ito sa ibang kurso ay may tendency na gagawin lahat ni Celestial upang bumagsak ito sa klase at hindi maka-pasok sa CCS. Ang SAO ang nagha-handle ng IQ test ng bawat courses. Every courses ay mayroong minimum IQ na dapat ma-achieve ng bawat estudyante na gustong mag-enroll dito. At alam ko na ang gagawin ni Celestial ay iba-bagsak niya ito. Pikit matang pinili ko ang huwag itong pansinin. Makalipas ang ilang minuto ay pinasa na namin ang papel na pinag-pilian namin. Naghintay lang kami ng isang oras bago mag-anunsyo si Celestial. “So this the class decision. Starting tomorrow onwards, we have to ignore Calixta for our own good,” “Hoping it will lift the curse....”bulong nito na sakto lang upang marinig ko. Sorry Calix...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD