Chapter 21

2719 Words
“I am just talking to our classmate,”paliwanag ko rito at tinignan siya ng seryoso. Kitang-kita ko naman ang mga gulat sa mga mat anito at ang bahagyang pag-atras nito sa akin.  “What the f**k are you talking about? Who?” Sigaw nito atsaka tinignan ako ng may takot as mga mata. “That girl! Don’t pretend that you don’t know her or you can’t see her. I know she is real for I have touched her!” Sigaw ko rito. “Y-you what?” Gulat na tanong nito at lumapit sa akin atsaka hinawakan ang magkabila na balikat ko. “What have you done?!” Sigaw nito na halata na sa mga mukha nito ang takot. Bakit ba? Bakit ganito nalang ang reaksyon niya? Kasalanan ko ba? Sila naman itong ayaw ipaliwanag sa akin ang mga nangyayari kung kaya ay natural lang na ako mismo ang maghahanap ng sagot sa mga tanong ko. “Pina—,”hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may nagsalit sa likod ko. “Oh? Anong nagyari sa inyong dalawa?” Napalingon naman ako sa likod ko at nakita si Amani na nagtatakang nakatingin sa amin. Umiling lang itong si Zaria kung kaya ay nagpa-alam si Amani na pupunta muna siya sa classroom para iwan ang bag nito. “Huwag mong guluhin ang tahimik natin na section Calix! Gusto ko pang maka-pagtapos!” Sigaw nito sa mukha ko. Nagulat naman ako rito at medyo natakot kung kaya ay napa-atras ako sa pwesto ko. Gusto niya pang maka-pagtapos? Makaka-pagtapos naman siya ah? Ano ba kasi ang meron?! Mas lalo ko lang hindi naintindihan ang nangyayari e’. “Gusto ko lang malaman ang buong rason kung bakit hindi niyo siya pinapansin ngunit lahat kayo ay umiiwas sa tanong ko. Ano sa tingin niyo ang gagawin ko? Manahimik nalang at hayaan na lamunin ako ng mga tanong na hindi niyo man lang sina-sagot?” Medyo galit kong tugon sa kaniya na naging dahilan ng pag-iwas nito ng tingin sa akin. “Hindi mo naiintindihan Calix,”mahinang sabi nito. “Paano ko maiintindihan kung kayo mismo ay ayaw niyong sagutin ang mga tanong ko? Wala naman sigurong matinong tao na maiintindihan ang isang sitwasyon na hindi man lang binigyan ng paliwanag,”sabi ko sa kaniya. Tumalikod naman ito at nakita ko ang pagtaas-baba ng balikat nito na tila ba kinakalma niya ang sarili niya. “Malalaman mo rin sa tamang oras Calix, sa ngayon ay lumayo ka muna sa mga bagay na pwedeng maging dahilan ng pagka-gulo ng ating seksyon. Kung gusto mo na maka-pagtapos, sumunod ka sa rules ng classroom natin,”sabi nito bago iniwan ako sa pwesto ko. Bakit parang kasalanan ko pa yata? Mali ba na maghanap ng paraan para lang masagutan lahat ng katanungan mo? Isa pa, anong connect ng pagtatapos namin sa school year na ito, sa rules ng classroom at ng babaeng iyon? Hindi ko alam. Ito na naman ako, nagtatanong na naman at ano? Akon a naman ang magiging dahilan ng pagka-hindi nila pagkatapos kuno? “Kung ako sa’yo, hindi ko na uulitin ang ginawa mo ngayon. Baka sa pagdating ng panahon, ikaw pa ang masisisi at ikaw ang magiging dahilan ng pagbabalik ng problema ng Class A na matagal ng natahimik,” Bigla naman na bumalik sa akin ang sinabi ng babaeng ‘yon. Ako pa ang masisisi? Totoo nga, si Zaria pa lang ‘yan pero kung maka-sisi ay parang ang laki na ng kasalanan ko. Kung sana ay ipinaliwanag nalang nila agad ay panigurado maiintindihan ko naman siguro. Isa pa, problema na natahimik ng Class A? Ano naman ‘yon at may connect pa talaga sa mga pangyayari rito? Ugh! Naguguluhan na ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Masyadong magulo ang mga nangyayari sa lugar na ‘to parang hindi ko yata kaya na manatili ng isa pang semestre dito. “Follow the rules and keep quite bago pa mahuli ang lahat,”Alala ko sinabi ng babaeng ‘yon, iyan na naman ‘yang rules na ‘yan. Hindi ko nga maintindihan tapos susundin ko pa? Gusto ko lang naman na ipaliwanag nila ang lahat sa akin, ganoon lang ka simple ‘yon pero bakita ang hirap naman yata sa part nila? Ano ‘yon? Mamatay ba sila kapag pinaliwanag nila? Masiyadong big thing sa kanila ang mga pangyayari. “Calix? Okay ka lang?” Napalingon naman ako sa likod ko at nakita na nag-aalalang nakatingin sa akin si Kath habang naglalakad papalapit ito sa akin. Hindi ko pwedeng sabihin ang paglapit ko sa babaeng iyon kung hindi ay makakatikim na naman ako ng galit kagaya nalang kay Zaria. Aagd naman akong ngumiti at tumango, “Oo okay lang,”sabi ko rito atsaka sinalubong nito at kumapit sa kaniyang braso. “Sure ka?” Tanong nito, tumango naman ako rito. “Oo nga pala, may dala ka bang PE uniform ngayon? May PE class daw tayo ngayon e’,”tanong nito. Tumango naman ako sa kaniya. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina at ang mga sinabi ng mga ito sa akin.  “Hala? That means ako lang ang walang dala na PE Uniform? Ugh! Ayaw naman kasi ihatid ni Sisteret ang PE Uniform ko sa bahay, lagot ako nito.” Sabi nito sabay buntong-hininga. Natawa lang ako sa kaniya at napatingin sa pintuan sa likod ng classroom namin at nakita ang babae na iyon na nakatingin sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin atsaka kami nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pinto ng classroom namin na agad naman namin binuksan pagkarating namin rito. Pumasok na kami sa classroom at nagtungo sa designated seats namin. Nakita ko naman ang kambal na seryosong nag-uusap. Hindi napansin ng mga ito ang pagdating namin kaya ay lumingon si Kath sa akin na may halong pagtataka ang mukha. “Ano kaya pinag-uusapan ng dalawang ‘yan?” Tanong nito sa akin na agad naman akong nagkibit-balikat at inilabas ang binder atsaka ballpen ko. “Sana naman matino ang pinag-uusapan ng mga ito. Kung si Amani lang naman, panigurado walang matinong sagot ang makukuha mo rito,”sabi nito bago tumalikod sa akin. Natawa nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga notes ko sa notebook kahit wala naman akong naiintindihan sapagkat tumatakbo pa rin ang isipan ko. Iniisip ang mga sinabi nila sa akin, simula sa mga SAO at ang mga reaksiyon nito, kay Zaria at ngayon pati na rin sa babae na ‘to. Napaka-hirap ng sitwasyon na ‘to. Iyong tipo na wala kang alam sa mga pangyayari sa lugar na ito. Kung alam ko lang sana na ito ang kakasangkutan ko na sitwasyon, edi sana hindi nalang ako nag-offer na mag-enroll sa school na ito.  Siguro, tatapusin ko nalang itong semestre na ‘to, pagkatapos ay babalik ako sa siyudad at doon mag 2nd sem. Simula nang makatungtong ako sa lugar na ito ay walang iba sa isipan ko kung hindi ay puro tanong patungkol sa mga bagay-bagay na kahit isa sa mga ito ay wala man lang nasagot. Napabuntong-hiniga nalang ako bago dumapa sa lamesa. “Ang lalim naman yata non Girl!” Rinig kong sabi ng isang boses babae na lalaki. Napatingin naman ako rito at nakitang si Kristy lang pala ito. “Bakit?” Tanong ko rito atsaka umayos ng upo. “Wala lang naman, mang-iinis lang sana ako pero parang ‘wag nalang muna. Ang laki ng problema mo sa Earth Sist!” Sabi nito atsaka napa-hawak sa kaniyang noo.  “Stress ka na sa lagay na ‘yan?” Biro na tanong ko. “Hoy, nandiyan na pala kayo.” Rinig kong sabi ni Amani atsaka lumapit sa amin ni Kristy. “Kanina pa. Seryoso niyo masiyado ni Zaria,”komento ni Kath habang nakatalikod ito sa amin. Napa-tingin naman si Amani sa akin na agad din nitong iniwas at hinampas si Kristy. “Aray naman, ano problema mo?” Tanong ni Kristy kay Amani habang hina-haplos ang kaniyang braso. “May lamok kasi, char. Wala ang panget mo kasi,”nakangising sabi ni Amani sa kaniya. “Kaloka ka girl, mas panget ka naman compare sa akin,”irap na sabi ni Kristy sa kaniya. Patuloy lang nagpalitan ng mga kasinungalingan ang dalawa hanggang sa dumating na ang instructor namin kung kaya ay bumalik na ito sa mga upuan nila ngunit humirit pa ito bago tuluyang tumahimik. Napa-iling nalang ako atsaka humarap sa instructor namin na nagtuturo na. Hindi yata ako makakapag-focus sa discussion ngayon. Yumuko nalang ako at kunwari nagsusulat kahit ang totoo ay iniisip ko pa rin ang mga pangyayari. Lumipas ang tatlong oras ay natapos na rin ang discussion namin kung kaya ay agad kami tumayo at nagtungo sa cr upang magbihis ng PE uniform at habang nagbibihis kami ay rinig na rinig ko sa cubicle ang bangayan ng dalawang bruha. Napa-iling nalang ako at lumabas na pagkatapos kong magbihis, nakita ko naman si Kath na suot-suot ang extra uniform na nasa locker ko at tinatali ang buhok nito. “Mag-p-pe lang pero naka-lip tint. Landi ka girl?” Pang-iinis ni Amani ka Kath na ngayon ko lang napansin na mapula na ang labi nito. “Dzuh, sa field kaya tayo mag-p-P.E, syempre kailangan ko magpaganda. Maraming bibi boys doon e’,”sabi nito habang inaayos ang kaniyang buhok. Napa-iling nalang ako atsaka tinali na rin ang buhok ko. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Zaria sa cubicle, at agad naman kaming nagtungo sa elevator pagkatapos. Ilang sandali pa ay nakababa na kami at nagtungo sa field na kung saan naroroon ang aming guro. May mga kaklase na rin kaming naka-upo sa sahig habang nag-uusap-usap. “Umupo muna kayo habang hini-hintay pa natin ang iba niyo pa na mga kaklase,”nakangiting sabi ni Miss yaun sa amin. Agad naman kaming nagtungo sa isang bakanteng space sa likod  ng grupo ni Kristy at umupo. “Ang tagal niyo talaga girls,”irap na sabi ni Kristy na agad naman umangal itong kaibigan namin. Hindi talaga nagpa-patalo ‘tong isang ‘to. “Manahimik ka diyan. Kasali ka sa amin? Ha? Kasali ka? Border oh, kita mo ‘yan? Hanggang diyan lang pwede makipag-usap sa amin,”mataray na sabi ni Amani habang tinu-turo ang imaginary line na sinasabi nito. “Ikaw kinaka-usap ko?” Mataray din na tanong ni Kristy. May sinagot naman si Amani ngunit hindi ko na ito pinakinggan at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Ngayon ko lang naalala, hindi pa nga pala ako naka-kain ng umagahan at masama sa akin ‘yon. Madali lang ako mahilo kapag kulang ako sa akin. Hinawakan ko naman ang tiyan ko ng makaramdam na ako ng pagka-gutom. Medyo sumasakit na rin ito at parang gusto ko masuka, kinuha ko nalang ang tubig ko at uminom. Napahawak naman ako sa dib-dib ko ng bigla akong nahirapan sa pag-inom. “Okay ka lang?” Tanong ni Zaria sa akin habang nakatingin sa akin nan aga-alala. Tumango lang ako sa kaniya at uminom ulit ng tubig at pinunasan ang pawis sa mukha ko.  Sa lahat ng pwede kong kalimutan bakit ang umagahan ko pa talaga? Sa sobrang excitement at curiousity, ayan tuloy hindi na ako nakakain. Huminga naman ako ng malalim at sinusubukan na pakalmahin ang nararamdaman ko ngunit nakaramdam na ako ng kaunting hilo. Pinikit ko ang mga mata ko at feeling ko umiikot na ang mundo ko. “Okay ka lang ba talaga?” Tanong ulit ni Zaria kung kaya ay napa-mulat ako at nakangiting tinignan ito. “Oo,”tanging sabi ko atsaka ginalaw-galaw ang mga kamay ko, nagbaba-sakaling mawala ang feeling na parang mahihimatay ako. “Okay, everyone is here. We are going to play dodge ball today. So, group yourselves into 5,”sabi ni Miss at agad naman kaming tumayo at lumapit sa isa’t-isa. Sa kadahilanan na apat lang kami at anim ang grupo nila Kristy ay nilipat si Kristy sa amin. Kung kaya ay sobrang ingay ng grupo namin dahil sa nagbabangayan ng dalawang sobrang daldal. “So may isa sa inyo ang apat lang ang members sa group?” Tanong ng guro namin, na agad naman sumang-ayon ang lahat. “Okay, so kumuha na kayo ng bola doon at mag-practice. After 20 minutes, magsisimula na tayo,”anunsiyo ni Miss. Agad naman kami nag-tungo sa isang malaking basket kung nasaan nakalagay ang mga bola. Kumuha si Kristy ng isang kulay itim na bola at agad na kami pumwesto sa field. Kaming tatlo ni Kristy at Amani ang unang tatamaan nila Kath at Zaria.  Pumwesto na kami sa gitna at bumilang na si Zaria ng tatlo bago nito tinapon ang bola sa itaas. Agad naman kaming tumakbo papunta sa kaniya at tinapon naman ni Kath ang bola sa taas at tinapon ni Zaria ang bola pabalik na kung saan natamaan si Amani. “Iyan kasi! Tanga,”rinig ko na sigaw ni Kristy.  Pinunasan ko ang pawis ko at bumalik na naman ang pagka-hilo ko at nama-manhid ang nararamdaman ko.  Tumakbo at umiwas ako sa bola at hindi nagtagal ay wala na akong nakita at tanging ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa at ang pagtawag lang nila sa pangalan ko. “Dalhin niyo siya sa clinic!” Rinig kong sigaw ng guro namin bago ako mawalan ng malay. Third Person’s POV. Agad na binuhat ni Kristy at Iean si Calixta na nakahiga sa sahig dahil nawalan ito ng malay. Nag-aalala naman na nakasunod ang mga kaibigan nito na hindi alam kung ano ang kanilang gagawin. “Sabi ko na nga ba at masama ang pakiramdam ni Calix e’,”sabi ni Zaria habang naglalakad papunta sa Clinic. Napatingin naman sa kaniya sil Amani at Kath. “Alam mo pala na masama pakiramdam ni Calix, bakit hindi mo sinabi at pinigilan siya na umattend sa PE natin?” Inis na tanong naman ni Amani sa kaniya. “Sabi niya okay lang siya kung kaya ay hinayaan ko nalang ito,”tugon nito kay Amani. Tahimik naman na naka-sunod si Kath sa katawan ni Calix na buhat-buhat ng dalawang lalaki. Nag-alala ang mukha nito at tila ba natataranta sapagkat hindi nito alam kung bakit bigla nalang nahimatay ang kaniyang kaibigan. Bahagyang napatalon naman ito sa gulat ng biglang hinawakan ito sa balikat ni Amani. “She is okay, no need to worry.” Nakangiting sabi naman nito kay Kath. Tumango lang si kath at umiwas na ng tingin. Ilang sandali pa ay nakarating na ang ‘to sa clinic at agad naman itong pinahiga sa kama. Nagpaalam naman ang dalawang lalaki na kailangan nila bumalik sa field dahil a-attend ang mga ito sa kanilang PE class. Nagpasalamat naman sila sa mga ito bago pa lumapit sa higaan ni Calix. Kumuha naman ng thermometer ang nurse nila atska inilagay ito sa kili-kili ni Calix. Nakatingin lang ang kaniyang mga kaibigan sa ginagawa ng nurse. Ilang saglit pa ay tumunog na ang thermometer na agad naman itong kinha ng nurse at tinignan. “Wala naman siyang lagnat,”bulong ng nurse sa kaniyang sarili. Lumapit naman ito sa kaniyang table atsaka sinulat ang temperature ni Calix sa isang log book. Pagkatapos ay lumapit na ang nurse sa mga kaibigan ni Calix at ngumiti. “Ako na ang bahala sa kaniya. Bumalik nalang kayo rito kapag tapos na ang klase ninyo,”sabi nito na agad naman ang mga ito na tumango. Napatingin ang mga kaibigan kay Calix na nakahiga sa kama bago ito lumabas. Sa kabilang higaan naman kung nasaan tanging kurtina lang ang pagitan ay nakahiga ang babae na outcast sa klase. Lumapit naman rito ang nurse at umupo sa tabi nito. “Bakit ba kasi kailangan mo pa na magtago?” Malambing na tanong nito sa kaniya. “Estudyante ka rin naman dito,”dugtong nito. Bumangon naman ang babae atsaka tinignan ang nurse. “Alam mon a po ‘yong rason.” Sabi nito atsaka bumuntong hininga. “O sha sige. Diyan ka muna, aasikasuhin ko lang itong pasyente ko.” Paalam nito bago tumayo at nagtungo kay Calix. Bumalik naman sa pagkakahiga iyong babae at nakatingin lang sa kisame. “Huwag ka ng mag-abalang kausapin ako ulit. Baka magaya ka sa’kin,”sabi nito bago pinikit ang mga mata. Isang oras ang lumipas at hinay-hinay na dinilat ni Calix ang mga mata nito. Nasaan ako? Tanong nito sa kaniyang sarili at napalinga-linga sa paligid. Agad naman itong tumayo na naging dahilan ng pag-daing nito sa sakit ng kaniyang ulo. “Oh, hinay-hinay lang.”Nakangiting sabi ng Nurse. Nagtataka naman itong napatingin rito at napataas ang kaniyang kilay at doon niya lang na-alala na nahimatay nga pala siya dahil sa gutom. Napahawak naman ito sa tiyan ng bigla itong tumunog at sumakit. “hmmm, nalipasan ka ng gutom?”Tanong ng nurse na agad naman itong tumango. Ngumiti naman ang nurse sa kaniya at sinenyasan ito na mag-hintay at kukuha lang daw ito ng pagkain. Pagka-alis ng nurse ay napatingin naman si Calix sa kaniyang gilid na kung saan nakaharang ang kurtina rito. “May dinala rin ba dito sa clinic bukod sa akin?” Tanong nito sa kaniyang sarili. Hindi nalang niya ito pinansin at humiga nalang ulit habang hini-hilot ang kaniyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD