Chapter 22

2621 Words
Calixta’s Point of View. Nagpa-pahinga lang ako rito sa higaan ng clinic hinihintay na bumalik ‘yong nurse. Iniisip kung anong nangyari pagkatapos ko mahimatay ngunit wala akong na-alala. Bigla naman na kumirot ang tiyan ko kung kaya ay napahawak ako rito at napangiwi. Narinig ko naman ang pag-galaw ng kama ng katabi kong higaan na kung saan natatakpan ito ng kurtina. Ilang sandali pa ay dumaan sa harap ko ang babae na outcast sa classroom namin. Nakatitig lang ako sa kaniya habang hawak-hawak ang tiyan ko. Tumigil naman ito at tumingin sa akin, halos dalawang minuto ang nakalipas ng biglang bumukas ang pintuan ng nurse office at pumasok doon ang nurse na may dala-dalang tray na may mga pagkain. “Kumain ka na. Iyan ang resulta kapag nagpapalipas ka ng gutom.” Sabi nito atsaka kumuha ng maliit na lamesa at inilagay sa harap ko. Ngumiti naman ako rito at nagpasalamat. Napatingin naman ako sa babaeng palabas ng pinto. “Sino po ‘yon?” Tanong ko sa nurse habang nakaturo sa kakalabas lang na kaklase ko. Natigil naman saglit ang nurse sa ginagawa nito at tumingin sa akin. “Sino? Anong ibig mo sabihin?”Nagtatakang tanong nito sa akin. “Iyong babae na kaka-labas lang po,”tugon ko rito. Napatingin naman ang nurse sa pinto at bumalik sa akin. “Huwag mo naman ako tinatakot iha. Ikaw at ako lang naman ang nandirito simula pa kanina,”sabi nito na may halong takot ang ekspresyon nito. Napatitig naman ako sa nurse at kitang-kita ko na hindi ito makatingin sa akin ng derecho na tila ba na may tinatago siya sa akin. “Ganoon po ba, baka namamalikmata lang ako.”Sabi ko sa kaniya na agad naman itong tumango. Pagkatapos nitong ma-ilagay ang mga pagkain sa lamesa ay nag-paalam muna ito na lalabas at puputahan ang dean. Tapos na kaya ‘yong class namin sa PE? Siguro wala pa, kasi kapag tapos na talaga ay impossible naman na wala rito ang mga kaibigan ko. Napa-buntong hininga nalang ako atsaka nagsimulang kumain. Habang sinusubo ko ang mga pagkain ay naisip ko bigla ang babaeng ‘yon. Ano ba ang meron sa kaniya at pati ang nurse ay hindi siya nito pina-pansin? Ano kaya ginagawa niya rito? Siguro sa kadahilanan na hindi ito binibigyan ng pansin ng mga tao ay nagte-take advantage sa mga facilities dito sa school including clinic na kung saan makakapag-pahinga siya ng walang umi- istorbo. Patapos na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang mga maiingay ko na mga kaibigan. Nakanga-nga naman ako na nakatingin sa kanila. “Calix, o my god! Are you okay now?” Tanong ni Kath atsaka lumapit sa akin at hinipo ang aking noo. Binaba ko naman ang hawak-hawak kong kutsara at tinignan ang mga ito. “Okay na ako, Hindi kasi ako kumain ng agahan kung kaya nahimatay ako dagdag mo pa ang sobrang init na sikat na araw at sa field pa tayo nag-P.E.” Paliwanag ko sa mga ito. “Huwag ka ng aalis sa bahay kapag hindi ka pa kumakain,”nag-aalalang sabi ni Zaria atsaka hinila ang upuan na malapit dito sa higaan ko. Ngumiti naman ako sa kanila at tumango. “Pasensiya na at pinag-alala ko pa kayo,”sabi ko rito, ngumiti naman ang mga ito at nagulat naman ako ng biglang lumapit si Amani sa akin at niyakap ako. “Huwag mo ng uulitin ‘yon, muntikan na rin ako mahimatay dahil sa pag-aalala.” Sabi nito na naging dahilan ng pag-irap ng dalawang kasama namin. “Manahimik ka Amani, napaka-exaggerated ng sinasabi mo. Muntikan ba mahimatay ‘yong ang bilis makatakbo at maka-iwas sa bola? Sino niloloko mo rito?” Taas kilay na tanong ni Kath. Bumitaw naman sa yakap si Amani at tinignan ito ng masama. “Excuse me lang ha? Nag-aalala pa rin ako kahit ganoon. Lakas din ng tama ko kapag tatanga- tanga ako sa PE class natin,”sabi nito atsaka humalukipkip sa gilid ko. Natawa naman ako sa reaksiyon at napa-iling nalang si Zaria sa kaniya. “Ano sabi ng nurse?” Tanong ni Zaria sa akin. Umayos naman ako ng upo na naging dahilan ng pag-tigil ng palitan ng mga salita ng dalawa at umupo sa higaan. “Wala pa naman. Lumabas kasi ‘yong nurse e’, sabi niya babalik din daw siya pupuntahan niya lang daw ang Dean ng department natin,”tugon ko rito. Tumango naman ang tatlo at tinulungan ako na ligpitin ang kinainan ko. Ilang sandali pa ay bumalik na ang nurse na may dala-dalang papel. “Tapos ka na pala kumain, pwede ka ng makalabas ngunit dapat umuwi ka ng maaga. Na-excuse na kita sa mga guro mo,”nakangiting sabi nito atsaka inilapag ang mga dala-dala nitong papel sa kaniyang lamesa at kinuha ang log book at pinapirma ako. Dahan-dahan naman akong bumaba sa kama at tumayo. Medyo may kaunting pagkahilo pa rin ako pero kaya ko naman. Siguro tumama sa sahig yung ulo ko noong bumagsak ako kaya ganito, nang dahil nga sa aksidente noon ay ganito epekto sa akin pagtumatama ang ulo ko o nauuntog ako. Nahihilo nalang ako at matagal pa bago ‘to mawala. Lumabas na kami clinic at nagtungo na sa classroom upang kunin ang mga gamit namin. Paano ako na excuse ni Miss Nurse? Wala na kaming pasok ngayon dahil umalis si Sir, a-attend daw siya ng seminar. “Oo nga pala, punta tayong plaza ngayon.” Aya ni Amani na agad naman itong binatukan ni Kath. “Shunga ka ba? Kakasabi lang ng nurse na dapat magpahinga si Calix diba?” Sabi nito bago ito inirapan. Napakamot naman sa ulo si Amani habang naka-nguso. “Okay lang, kaya ko naman atsaka masyado pa maaga para umuwi. Sino sa inyo sasakay sa’kin?” Tanong ko sa kanila na agad naman napalingon ang dalawa. “May kotse ka?” Gulat na tanong ng mga ito, umiling lang ako sa kanila at itinaas ang susi ng motorsiklo ko. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa braso ko. Tinignan ko naman ito at nakita ang nakayukong Zaria. “Ako nalang, ayoko maiwan sa dalawang ‘yan,” nahihiya at nauutal nitong sabi. Nakita ko naman ang pagtaas baba ng kilay ng dalawa at ang pagtawa ng mga ito. “Ang sabihin mo gusto mo lang sumakay sa motor,”nakangising sabi ni Amani rito, sinamaan naman ito ng tingin ni Zaria at inirapan. “Gusto kasi niya ma-try na babae ang nagda-drive kaya sige, siya nalang Calix,”natatawa nitong dugtong. Bumitaw naman si Zaria sa pagkaka-hawak sa akin at lumapit kay Amani sabay hapas ng dala-dala nitong notebook. Natawa naman ako sa mga ito hanggang sa makarating kami sa elevator at nagtungo na sa classroom. Pagkarating namin doon ay naroroon pa rin ang mga kaklase ko na abala sa pakikipag- daldalan sa iba. “Oy Calix, okay ka na ba?” Sigaw ni Kristy sabay tayo nito at lumapit sa akin. Sumunod naman ang iba ko pang kaklase na tinatanong ako kung okay lang ba ako. Isa-isa ko naman na sinagot ang mga ito. “Okay tam ana, tamang distansya. Alam ko na maganda ako pero ‘wag naman kayong magtulakan,”sabi ni Amani na biglang sumulpot sa harap ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya sapagkat alam ko na gusto niya lang lumayo ang mga ito dahil hindi pa ako totally naka-recover. “Ah boring!” Rinig kong reklamo ni Kristy atsaka tumalikod na. Ganoon din naman ang lahat na panay angal sa sinabi ni Amani. “Hoy totoo naman ah?”Sigaw nito ngunit hindi naman siya pinansin at nagpatuloy ang lahat sa kani-kanilang ginagawa kanina. Tinuro naman ni Kath ang upuan namin na agad naman akong tumango. Nagsimula na kaming mag-lakad pabalik sa aming upuan. “Hoy, pati ba naman kayo?” Sigaw nito. “Kita mo Amani? Pati sila Calix hindi naniniwala sa’yo,”sigaw ni Iean at tumawa ng malakas. Napa-iling nalang ako sa kanila at umupo. “Mamaya bandang alas dos aalis na tayo,”rinig ko na sabi ni Zaria mula sa kinauupuan nito. “Hala! s**t! Nakalimutan ko. Hindi pala ako makakasama sa inyo ngayon,”malungkot na sabi nito at humarap sa akin. “Bakit?” Tanong ko rito. “May pupuntahan kami buong pamilya mamaya. Pasensiya na kayo,”sabi nito. Ngumiti lang ako sa kaniya at sinabi na okay lang. “May susunod pa naman,”dugtong ko. Ngumiti naman ito at napakamot sa ulo. “Anong nagyari sa’yo?” Nakasimangot na tanong ni Amani at pa-dabog na umupo. “Hindi ako makakasama,”tugon ni Kath. “Buti naman,”sagot ni Amani, at hinampas na naman siya ni Zaria ng libro namin sa Java. Napa-ngiwi ako habang nakatingin kay Amani. Ang kapal ng librong ‘yon at talagang tumunog pa nong hinampas siya. Ang sakit non ah? “Aray! Nakaka-dalawa ka na sa akin Zar ah. Susumbong na talaga kita kay mama, makikita mo.” Kunot noo na sabi nito. “Sumbongera,”tanging sinabi ni Zaria rito, may idu-dugtong pa sana si Amani ng itinaas ni Zar ang libro at akmang ha-hampasin ulit. “Seryoso na, bakit hindi ka sasama?” Tanong ni Amani atsaka humarap kay Kath. “May pupuntahan kami sabi ni Mama,”tugon nito, tumango naman si Amani rito bago niligpit ang mga gamit ganoon din ako. Agad naman kaming tumayo ng makitang alas dos na ng hapon. Agad na kaming lumabas sa pintuan at nagtungo sa elevator. Nakita ko pa nga si outcast na naglalakad patungong 8 th floor. Ano ba ang gagawin niya doon? Napapansin ko ay lagi itong naroroon na tila ba may binabalik- balikan sa lugar na iyon. Iniwas ko nalang ang aking tingin baka makita na naman nila ako na pinapansin ang sinasabi nilang bawal pansinin. Nagpatuloy na akong sumunod sa kanila at lumabas na kami ni Zaria papunta sa Parking lot. “Sure ka ba na kaya mo?” Tanong nito sa akin, ngumiti naman ako atsaka sinuot ang helmet ko at sumakay na sa motor atsaka pina-andar ito. “What do you think?” Tanong ko rito. Napa-iling nalang ito atsaka sumakay na sa likod, agad ko naman pinaharurot ito at lumabas na sa campus. Ramdam ko naman ang pagkapit ni Zaria sa akin. Napatingin naman ako sa side mirror at nakitang bahagya itong nakapikit kung kaya ay natawa ako rito. Hindi naman ganoon katagal at nakarating na kami sa Plaza. Agad naman akong nag-hanap ng mapa-parkingan at agad din nag-park. “Wala pa si Amani,”sabi ko rito habang napatingin-tingin sa paligid. Ni-lock ko naman ang motor atsaka binuksan ang trunk at sinabi ang helmet at nilock ito. “Tara na sa loob, wala pa naman tinda dito kaya hindi tayo makakabili,”aya ni Zaria at nagsimula ng maglakad papunta sa entrance ng Park at agad naman akong sumundo rito. Hindi pa namn kami tuluyan nakapasok ay narinig ko ang sobrang lakas na sigaw ni Amani mula sa likod. Napatingin naman ako sa paligid namin at nakitang nakatingin ang mga tao sa likod namin. Napalingon naman itong si Zaria sa akin at hinila ang kamay ko papasok sa park. Tumakbo naman ito bigla kaya ay nahila ako “Magpanggap tayo na hindi natin ‘yan kilala.” Sabi nito habang tumatakbo kami papunta sa gilid ng tren at napa-upo. Hinihingal naman akong umupo at kinuha ang panyo ko at pinunasan ang pawis. “Mga bastos kayo,”humihingal na sabi ni Amani habang nakayuko at naka-patong ang kaniyang mga kamay sa tuhod. “Ha? Sino ka?” Tanong ko rito. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito atsaka umupo sa tabi namin. Sinamaan naman ako nito ng tingin habang hinahabol pa rin nito ang hininga. “Alam mo mukha ka ng aso,”komento ni Zaria habang umi-iling na nakatingin kay Amani. Inabotan ko naman ito ng tubig na agad naman nitong tinaggap at ininom. Inubos pa ah? Hinayaan ko muna itong kumalma at napatingin sa paligid. Hindi katulad noong huling araw na pumunta kami rito, walang masyadong tao ngayon at tahimik lang ang lugar. Napa-tingin naman ako sa bench na kung saan nakita ko ang isang weirding tao noon ngunit tanging ang magkasintahan lamang ang nandoon at masinsinan na nag-uusap habang magkahawak ang mga kamay nito. “I promote break-up,” Hindi ko naman inaasahan na nasabi ko pala ito ng malakas. “I didn’t expect this,”natatawang sabi ni Amani habang nakatingin sa akin. “Bitter ka pala,”dugtong naman ni Zaria at tumawa. Inirapan ko lang ang dalawang ‘to at umayos ng upo. “Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo,”paliwanag ko atsaka inagaw ang tubig na ininom ni Amani. “Sus, broken hearted ka girl?” Nakangising tanong ni Amani, napa-ubo naman ako sa sinabi niya at napa-iling. Seryoso ba ‘to sa sinasabi niya? For God’s sake, I have no boyfriend since birth and I don’t have any plan to have one. Nakikita ko pa nga ang mga relationships ng friends ko sa city at kung paano ito uminom kapag nag-aaway sila, ay naku! Sumasakit ang ulo ko. Gusto ko lang mag-enjoy muna sa buhay ngayon, mag- aral , mag-ipon atsaka mag-travel. True love can wait. No need to rush or you’ll be hurt at the end. “Nope,”sagot ko rito. “Sus, bitter ka ba sa ex mo?” Tanong nito sa akin, tumawa naman ako rito at tinapon sa kaniya ang lalagyan ng tubig. “Wala nga akong naging boyfriend, paano ako magkaka-ex?” Sarkastiko kong tanong rito. Umirap naman ito atska sinabi na pareho lang daw kaming tatlo. Pagkatapos non ay tahimik lang kaming nakatingin sa paligid, mina-masdan ang mga taong dumadaan sa harap namin ang mga batang naglalaro. Nagulat naman ako ng makita ko si outcast na naglalakad sa labas ng gate ng park. Tinititigan ko lang ito hanggang sa ito ay mawala. Saan kaya ‘yon papunta? Gusto ko sana siyang sundan ngunit nandito ‘tong dalawa at baka makatikim na naman ako ng panibagong singko. Napa-buntong hininga nalang ako at napatingin sa kanila na ngayon ko lang napansin ay nakatingin na pala sa akin. “Bakit?” Tanong ko sa mga ito. Nagkatinginan naman ang dalawa at nakita ko ang pagbuntong hininga ni Amani bago humarap sa akin. “Amani may sasabihin lang kami sa’yo,”seryoso na sabi nito. Heto na naman siya, seryoso na naman pagkatapos ay joke na naman. “Huwag ngayon Amani, hindi mo na ako madadala sa galawan mo,”natatawa kong sabi rito. Agad naman itong napalingon kay Zaria na ngayon ay nakatitig sa akin. “Seryosong usapan na ‘to Calix,”segunda naman ni Zaria. “Ano ba ‘yon?”Seryoso ko na rin na tanong sa kanila. “Hindi ba at pina-alalahanan ka na namin na sumunod sa rules ng classroom?” Tanong ni Amani, tumango naman ako bilang sagot. “Sa katunayan ay may rason kung bakit mayroon tayong ganoong rules ngunit hindi ko pa ito masasabi sa’yo sapagkat tanging ang ‘monitor’ lang ang may kakayahan na pwedeng mag bigay ng impormasyon patungkol doon,”paliwanag nito na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ko. Monitor? Ano ‘yon? “What do you mean?” Nagtatakang tanong ko rito. Mas lalo kong hindi naiintindihan ang mga sinasabi nito. Mas lalo akong naguguluhan sa mga pangyayari. Sino ang monitor at ano ang trabaho nito? “We have a classmate na tinatawag namin na monitor at ang description ng trabaho na kailangan niyang gawin ay hindi pa namin ito masasabi sa’yo. May kina-kailangan pa kami e-kompirma bago namin masabi sa’yo ang lahat,”sabi ni Zaria atsaka umiwas ng tingin. “Ako lang ba ang walang alam sa mga nangyayari?”Tanong ko rito. “Oo, ikaw lang naman ang transferee sa Class A at wala ng iba.” Paliwanag ni Zaria. Tumango nalang ako na kunwari ay naiintindihan ko ang mga sinasabi nito ngunit sa katunayan ay mas lalo lang akong naguguluhan. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na e-react sa mga sinasabi nito dahil sa katunayan ay mas lalo lang dumami ang mga tanong ko sa isipan. “Huwag mo ng kwestyunin ang mga nangyayari sa loob ng classroom at hayaan mo nalang, kasama na roon ang paglayo mo sa isa nating kaklase na tahimik na sumasali sa ating mga klase,”seryosong sabi ni Amani atsaka yumuko Sumasali sa klase? Iyong outcast ba ang tinutukoy nito? Huwag mong sabihin na ang lahat ng nangyayari sa loob ng classroom ay dahil sa kaniya? “Layuan mo rin si Jake,”dugtong na sabi ni Zaria. “Bakit?”Tanong ko rito “Hindi namin alam ang nasa likod ng misteryosong tao na ‘yon. Hindi iyon nakikipag-usap sa iba nating kaklase at bigla-bigla nalang itong nawawala,”dugtong nito. Tumango lang ako sa kaniya at umiwas ng tingin at tumihaya. Kailan ba matatapos itong ganito? Gusto ko ng malaman ang mga rason sa likod ng rules at iba pa. Mas lalong nakakapagod mag-isip. “Makinig ka sa amin Calix kung gusto mo na tahimik tayo na ga-graduate sa susunod na dalawang taon,”maka-hulugang sabi nito. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinakiramdaman ang hangin. Gusto ko ng mag-pahinga. Gusto ko ng bumalik sa siyudad. Masyadong misteryoso ang lugar na ‘to para sa akin. Kahit nga sarili kong pamilya ay hindi ko alam ang background nito, siguro may alam naman ako pero hindi ganoon kalalim. Lahat ng tao, lugar at bagay sa lugar na ito ay isang misteryo sa akin—isang malaking tanong. Hindi ko alam kung hanggang kailan masasagot ang mga ‘to dahil kaunti nalang mababaliw na ako kaka-isip. “Hayaan mo Calix, masasabi rin namin lahat.” Rinig kong sabi ni Zaria ngunit hindi na akong nag- abala pa na sumagot. Tama na muna sa impormasyon. Pagpa-hingain niyo muna ang utak ko na napa-pagod na ng sobra. Let me enjoy the moment, bukas nalang ulit. Ilang oras pa kaming nanatili doon at wala naman masyadong nangyari, kumain lang kami ng streetfoods bago napagpasiyahan na umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD